Kabanata 20

297 17 3
                                    


Kasal

Lumipas ang ilang araw, wala akong ibang ginawa kundi ang magmukmok sa aking silid. Bumibisita din ang aking mga pinsan ngunit iyak lamang ako ng iyak. Para akong namatayan ng asawa sa aking lagay. Pakiramdam ko'y hindi maubos ubos ang aking mga luha dahil kada oras ay may tutulo. Pagod na akong umiyak ngunit hindi ko mapigilan. Wala na rin akong balita tungkol kay Vicente, siguro'y pinanindigan na niya ang bata.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at naglakad papalapit sa aking salamin. Nangingitim na ang ibabang parte ng aking mata, putlang putla na rin ang aking balat. Napadapo ang aking tingin sa mga puting rosas na kaniyang ibinigay sa akin pati na rin sa singsing na suot ko.

"Tatanggalin na ba kita?" tanong ko na parang sasagot ito. Napatakip ako ng bibig nang magsimula na naman akong humikbi.

Napatigil ako sa pag-iyak nang biglang pumasok si Miranda. May dala itong mga pagkain.

"Kumusta? Kumain ka na." wika niya at inayos ang mga ito sa terasa ng kwarto.

Naglakad ako papalapit doon at naupo. Pinagmasdan ko ang mga pagkain mayroong binagoongan, pinakbet at kanin. Napangiti ako ng wala sa oras dahil naroon ang aking paborito.

"Hayan! Ngumiti ka na rin sa wakas." masayang wika ni Miranda.

"Maraming salamat." mahina kong wika sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at tumango bago lagyan ng pagkain ang aking plato.

"Kumusta na kaya siya?" wala sa sariling tanong ko dahlian kung bakit siya napatigil.

"Maayos ang kalagayan ni Vicente," sagot niya. " Kalat na sa buong bayan ang kanilang nalalapit na kasal....." alanganin ngunit sinabi niya pa rin.

Napangiti ako ng mapait at tumango. "Responsableng lalaki ang aking pagkakakilala sa kaniya kaya'y hindi na ako nagtaka na pananagutan niya si Soledad." wika ko .

"Naniniwala kang anak niya ang dinadala ni Soledad?" hindi makapaniwalang tanong ni Miranda sa akin. Muling pumatak ang aking luha.

"Hindi ko alam, gulong gulo ako."

Lumapit si Miranda sa akin at niyakap ako. Pinapatahan niya ako gamit ang kaniyang mga sinasabi.

"May tiwala ka kay Vicente, tama ba?" tanong niya na sinagot ko lamang ng isang tango. "Kung gayon ay ipagpatuloy mo ito. Magtiwala ka hangga't maari. Tatagan mo ang iyong loob." bulong niya sa akin.

Kumain ako ng kaunti habang pinapakinggan ang mga sari saring kuwento ni Miranda. Malaking tulong ito upang gumaan ang aking pakiramdam. Mas pinili kong manatili na lamang sa loob ng aming mansiyon upang makaiwas sa mga tanong ng taumbayan.

Alam kong kalat na ngayon sa labas ang balitang ikakasal na si Vicente at kay Soledad mangyayari iyon, hindi sa akin. Ako ang pinangakuan ngunit sa ibang babae ito matutuloy, bagay na siyang hindi ko magawang tanggapin. Minsan ay naisip ko na ako'y manggugulo sa araw na iyon upang hindi matuloy ang kasal.

"Matulog ka na." wika sa akin ni Ina bago niya ako iwan sa silid.

Nakatulog ako sa gabing iyon na magaan ang loob dahil nagawa ko nang mailabas ang lahat ng aking saloobin. Hindi nga lang nawala ang kaunting pagtangis. Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil plano kong magluto ng agahan. Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang isang usapan sa loob ng opisina ni Ama.

"Ngayon ang kasal nina Vicente."

Napaatras ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang sinabi ni Ina. Ngayong araw na iyon gaganapin, naalala ko ang sinabi sa akin ni Soledad noong huli kaming nag-usap.

"Maaring sa susunod na linggo ay magpapakasal na kami."

Hindi ko napigilan ang aking sarili. Tumakbo ako papabalik sa aking silid, hindi ko na pinansin ang pagkasagi ko sa isang plorera at nabasag ito. Hindi ko hahayaang matuloy ang kasal o kung hindi ko man mapigilan, nais ko siyang masilayang muli.

Pagkapasok ko sa aking silid ay hinanahap ko kaagad ang isang itim kong maria clara at ang isang na balabal. Inayos ko kaunti ang aking sarili bago mapagpasiyahang lumabas.

"Saan ka pupunta?" maawtoridad na tanong ni Ama sa akin.

"Gusto kong masilayan siya sa huling pagkakataon."

Umiling siya sa akin. "Hindi maari, masasaktan ka lang!" tumaas ang kaniyang tono ng pananalita.

"Ama, nasaktan na ako." bulong ko habang nagmamakaawa sa kaniyang payagan niya ako.

"Tiyo, ako na po ang bahala sa kaniya." wika ni Miranda na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.

Napahilot si Aama sa kaniyang sentido bago tuluyang tumango. Hindi ko maipaliwanag ang aking saya dahil sa kaniyang pagpayag. Umalis din kami kaagad ni Miranda upang mapanood ang seremonya. Nakaramdam ako ng kaunting kirot nang makita si Vicente na nakangiti habang nakatayo sa labas ng simbahan. Paano niya nagagawang ngumiti habang ako'y patuloy dito sa pagluha?

"Dito ka lang. Huwag kang aalis. May bibilhin lamang ako saglit." bilin sa akin ni Miranda bago ako iwanan sa harap ng mga tindahan dito sa harap ng simbahan.

Napaangat ang aking tingin nang biglang kumulimlim ang kalangitan na animo'y nakikidalamhati sa akin ngayon. Mabuti na lamang at may suot akong itim na balabal kaya walang masiyadong nakapansin sa akin.

"Narinig mo ba ang balita? Kasintahan ni Heneral Vicente ang dalagang bunsong anak ng gobernador. Kawawang dalaga," narinig kong wika ng isang ale.

"Nasaan na kaya iyon neh? Kung ako sa kaniya pipigilan ko ang kasal." sabi naman ng isa.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at lumakad ako patungo sa harap mismo ng simbahan nang marinig ko ang pagtunog ng kampana,hudyat na ang seremonya'y magsisimula na. Nasa loob na nga si Soledad naglalakad patungo sa altar.

Nakatayo lamang ako rito habang pinapanood ang kasalan. Kasalan na dapat ay sa akin. Napahikbi akong muli nang makita ko ang pagmano ni Vicente sa mga magulang ni Soledad bago niya akayin ang dalaga at sabay silang magtungo sa altar. Nanghina ako nang tuluyan at napaluhod na lamang sa harap ng simbahan.

Kasabay ng aking pagluhod ay ang pagbagsak ng malakas na ulan. Napatingin ako sa loob ng simbahan at nagulat ng magtama ang aming paningin ni Vicente. Akala ko'y lalapit siya sa akin ngunit hindi, ibinaling niya sa iba ang kaniyang atensiyon.

Napahagulgol na lamang ako. Bakit ko nga ba ito ginagawa? Alam kong marami nang nanonood sa akin ngunit hindi ko magawang tumayo. Hindi ko magawang lumaban para sa aking sarili. Ikinakasal ang aking kaibigan sa lalaking mahal ko. Isang bagay na kahit kalian ay hindi ko magawang naisip.

Dinadama ko ang ulan habang pinapanood na ikinakasal sa ibang babae ang lalaking nagpangako sa akin ng isang kasal.

"Izabelle!" rinig kong sigaw sa akin ni Miranda. "Tumayo ka riyan," mariing wika niya sa akin at pilit akong pinatayo ngunit iniiwas ko lang ang aking sarili sa kaniya.

Akala ko'y pipilitin niya akong muli ngunit hindi. Umalis siya sa aking tabi at bumalik sa kalesa.

Nakaramdam ako ng pamamanhid sa katawan pagkalipas ng ilang minutong pagkakaluhod doon at pagkakaulan kaya pinilit ko ang aking sarili na tumayo. Hindi pa man ako nakakatayo'y biglang may umalingawngaw nan a putok ng baril. Bago pa man ako makalingon sa pinanggalingan nito ay nakaramdam na ako ng pagkahilo at unti unti nang bumagsak ang aking katawan. Ngunit bago ako mawalan ng malay, naaninag ko ang isang lalaking tumatakbo papalapit sa aking pumwesto.


"Vicente........."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Epilogo is next! Kung hindi man po maganda ang plot nitong story, sorry naman HAHAhA. Babawi ako sa aking mga susunod na kwento. Keep Safe Y'all! 

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now