Kabanata 17

229 22 1
                                    


Giliw

Lumipas ang isang buwan ng paghihintay ko bago muling makasama si Vicente. Ngayon ay ang araw kung kalian sila babalik dito sa bayan. Maaga akong nagising upang magtungo sa pamilihan para kunin ang biniling tela ni Ina.

"Ito na ang telang binili ni Donya Isabela." wika ni Aling Martha at iniabot sa akin ang mga tela.

Nagpasalamat lang ako saglit bago umalis at magtungo sa pamilihan ng gulay. Kinuha ko lamang ang ibinilin muli ni Ina na isang dosenang bulaklak ng kalabasa. Habang hinihintay ko ang aking sukli ay narinig ko ang dalawang binibining humahagikgik sa aking tabi.

"Napaka-gwapo naman niya," wika ng isa.

"At mas lalong siyang gumwapo dahil sa kaniyang uniporme." isang impit na tili ang kanilang ginawa. Napailing na lamang ako sa kanila at itinuon ang atensiyon sa mga gulay.

"Nakatingin dito," rinig kong sinabi ng isa sa kanila.

"Nagchismosa ken nag-garampang kayon." (Napaka-chismosa at harot niyo naman.) wika nang kung sino dahilan kung bakit napatahimik ang dalawa at mapalingon ako. Si Miranda.

"Kasintahan iyan ng isang Ycasiano kaya," tumingin siya sa direksiyon ng dalawang dalaga. "Marapat na kayo'y dumistansiya." pagtataray niya.

Tumaas naman ang kilay ng isa sa mga babae, ang dalagang nakasuot ng pulang baro't saya. "Humanga lang naman kami. Wala naman kaming sinabing lalandiin namin." depensa niya. Nakilala ko na ang babaeng ito, siya ay si Ivona, dating kasamahan ni ate Olivia sa kumbento.

Napalingon ang ilang nakaramdam ng tensiyon sa aming direksiyon. Sumingit naman ang kasama niyang babae, "Tama, huwag mo kaming itutulad sa iyo. Malandi na mamatay tao pa. Hindi ba't dahil sa ipinalaglag mo ang ipinagbubuntis mo at nung nalaman ito ni Ernesto nagpakamatay siya." matapan nitong wika.

Narinig ko ang pagsinghap ng ilang mamimili dahil sa gulat. Hinawakan ko ang braso ni Miranda at hihilahin na sana siya para umalis doon pero ngumiti siya sa akin at dahn dahang tinaggal ang kamay ko sa kaniyang braso.

"Naniwala ka naman?" natatwa niyang tanong. "Nagkarelasiyon kami ni Ernesto at nakabuo ng anak. Pero hindi ko ito ipinalaglag. Isa akong rebeldeng anak ngunit alam kong kasalanan ang pagpapalaglag ng bata na nasa iyong sinapupunan," wika niya.

Natahimik ang lahat. "Nalaglag ang bata dahil sa aksidente at ang akala ng namayapang si Ernesto ay ipinalaglag ko ito. At ang kaniyang pagkamatay, walang kinalaman ang pagkamatay ng aking dinadala doon. Matagal na niyang alam ang nangyari," patuloy ni Miranda.

"Kahit na. Malandi ka pa rin." nalaglag ang aking panga sa narinig kong sagot ng babaeng kasama ni Ivona. Nagpaliwanag na nga itong si Miranda mukhang hindi pa niya naintindihan.

Akmang susugurin ko siya nang humalakhak si Miranda na parang baliw. Heto na naman ang kaniyang tawa na kahit kalian ay ayaw kong marinig dahil kapag sumeryoso na siya tiyak na may sasabihin itong ikasisira ng iyong pagkatao. Nang tumigil na siya ay tumahimik ang paligid at umihip ang malamig na hangin. May lahi bang mangkukulam ito?

Hinawi niya ang kaniyang nakalugay na buhok bago tumingin sa akin at ngumiti bago bumaling sa dalawang dalaga. Hanggang ngayon ay marami pa ring nag-aabang sa mga susunod na mangyayari kagaya ko. Tinitiyak kong makakarating ang mga nangyayari ngayon sa mga kalapit na bayan, dahil dito sa amin wala pang trenta minutos pagkatapos ng isang pangyayari'y kalat na agad ito sa buong bayan.

"Oo, malandi ako kung iyan ang alam mo. Ngunit huwag mong kakalimutang," ngumisi siya. "Mas malandi ka." mariing wika ni Miranda.

"P-paano mo naman iyan masasabi. Nanggaling ako sa isa sa mga pinakonserbatibong pamilya dito sa Ilocos." namumula ang mukha ng kasama ni Ivona samantalang siya'y walang imik.

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now