Kabanata 2

526 35 5
                                    

Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili dito sa silid na aking tinutuluyan. Mamaya ay dadating na rin sina Ama upang ako ay sunduin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung magtatagpo pa ba ang landas namin ni Vicente upang mapasalamatan siya pero sana'y oo.

Alas sais y media pa lamang ng umaga pero gising na ang lahat upang salubungin ang pagdating ng mga panauhin. Hindi lamang ang pagsundo sa akin ni Ama ang magaganap dito kundi pati na ang pagpupulong ng ilang opisyal ng hukbong pandigma ng bansa. Akala ko'y dadalo rin si Vicente ngunit hindi daw dahil pinatawag siya ng señor presidente.

"Izabelle....bumaba ka na nariyan na si Don Diosdado." wika ni Imelda sa akin. Tumango lamang ako sa kanya at sinabing susunod na ako.

Habang pababa sa hagdan ay kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung galit ba siya sa akin. Alam kong malaki ang kasalanan ko dahil hindi ako nagpaalam sa kanila ni Ina na ako'y sasama kay ate Olivia papuntang Bulacan.

"A-ama..." nauutal kong tawag sa kanya nang makarating na ako sa salas. Agad siyang tumayo at nagulat ako nang yakapin niya ako. Ang buong akala ko ay sasampalin niya ako pero hindi pala.

"Oh aking anak. Lubos mo kaming pinag-alala ng iyong Ina." wika niya sa akin. Naiyak na naman ako dahil baka nagkasakit si Ina dahil sa paga-alala.

"Pasensya na po. Hindi ko na po iyon uulitin." ani ko nang makahiwalay na ako sa kanya habang nakayuko.

Lumapit sa amin si kuya Alejandro. "Sa susunod magpa-alam ka ng maayos hindi yung mag-iiwan ka lamang ng liham. Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sa iyo." wika nito.

Napakunot naman ang noo ko dahil parang wala silang pakialam kay ate Olivia. "Ama...Kuya Alejandro..may nais po akong sabihin sa inyo." kinakabahang wika ko.

"Ano iyon?" tanong sa akin ni Ama habang si kuya naman ay kunot noo akong tinignan.

"S-si ate Olivia po ay wa----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumabat si kuya Alejandro.

"Huwag kang mag-alala kay Olivia ligtas na siya. Nabalitaan kong nakabalik na siya sa ating tahanan kahapon ng gabi dahil sa ginawang utos ni Kol. Enriquez na hanapin siya." wika nito. Nagulat ako pero nakahinga rin ng maluwag sa pag-aakalang wala na ang aking kapatid.

"Malaki ang tinatanaw kong utang na loob kay Vicente. Iniligtas ka na ni------" wika ni Ama pero hindi niya ito naituloy dahil may binulong sa kanya si Kuya.

"Gobernador Ycasiano, maligayang pagdating sa Hacienda de Jose-del Pilar." bati ni Inang Amanda kay Ama.

"Buenaz diaz Doña Amanda." bati rin sa kanya ni Ama.

"Doña Amanda, maraming salamat sa ginawa niyong pagkupkop sa aking kapatid. Ibibigay namin kahit anong kapalit." wika ni Kuya sa kanya.

Ngumiti naman si Inang Amanda sa kanila bago mag-salita. " Huwag kayong mag-alala wala kaming hinihintay na kapalit. Dahil ang pagtulong na aming iginawad sa kanya ay bukal sa aming kalooban. Ang pagtulong sa kapwa ay walang hinihintay na kapalit."

"Sadyang napakabuti ng iyong kalooban Doña Amanda. Maraming salamat muli." wika sa kanya ni Ama.

"Walang anuman iyon Gobernador Ycasiano."

Nagkwentuhan pa sila saglit doon habang kami ni Kuya ay lumabas muna upang tumungo sa kubo na kanilang pagpupulungan.

"Kuya...hindi ba talaga darating si Kol. Enriquez?" tanong ko.

"Bakit mo siya hinahanap?" tanong niya sa akin habang nakataas ng kilay pero agad din niya iyon binaba at nginitian niya ako ng nakakaloko.

Sasagot na sana ako nang maunawaan ko bigla ang kanyang iniisip. 'Halah! Baka ang akala niya'y may gusto ako kay Vicente!'

"Kuya! Kung ano man ang iyong iniisip ay mali ito. Wala ako gusto kay Vicente." wika ko sa kanya.

Tinaasan niya lamang ako ng kilay. "Wala naman akong sinabing gusto mo siya." sabi nito sa akin.

Nagkibit balikat lamang ako at iniba na lamang ang aming usapan. " Kuya Alejandro. Uuwi ka na ba sa Ilocos?" tanong ko sa kanya.

"Baka sa susunod na buwan pa." tugon niya. Nakarating na kami sa harap ng kubo pero bago siya pumasok sa loob ay may sinabi pa siya.

"Kung si Vicente ang iyong napupusuan ay.....payag akong maging bayaw siya."

Namula ako dahil sa sinabi nito. Hahabulin ko sana siya pero agad siyang pumasok sa loob. Wala na akong nagawa kundi ang bumalik na lamang sa mansiyon upang hintayin doon si Ama.

Hindi ko naman gusto si Vicente ah. Hinahanap ko lamang siya dahil nga nais ko siyang paslamatan. Sadyang iba lang talaga ang pag-iisip nitong kapatid ko.

"Maraming salamat pong muli." wika ko kina Imelda habang hinahatid nila kami sa harap ng mansion.

"Walang anuman Izabelle. Bukas anumang oras ang aming pintuan para sa inyo." wika niya sa akin. Niyakap ko siya dahil mukhang matagal pa bago kami muling magkita.

"Nga pala, inaanyayahan ko kayong dumalo sa kaarawan ni Izabelle sa susunod na buwan. Ika-siyam ng Abril." wika sa kanila ni Ama.

"Asahan niyo po na kami ay makakadalo Don Diosdado." tugon sa kanya ni Inang Amanda.

"Maraming salamat at aasahan ko ang muli nating pagkikita. Mauuna na kami." paalam sa kanila ni Ama.

"Mag-iingat po kayo sa daan." wika ni Carmela sa amin.

Mga isang araw ang itatagal ng biyaheng ito at tiyak na ako ay matutulog lang dahil wala naman akong pwedeng pagkaabalahan sa byahe.

"Izabelle..." tawag sa akin ni Kuya pero hindi ko siya pinapansin.

"Josefina...." tawag niyang muli.

"JOSEFINA IZABELLE YCASIANO."

Napatingin agad ako sa kanya at napaayos ng upo dahil sa binaggit na niya ang aking buong pangalan. Nagsisisi agad akong hindi siya pinansin kanina.

"Po?" inosente kong tanong.

"May sorpresa ako...pero sa susunod na linggo ko sasabihin." wika niya at ibinalik na ang pagbabasa sa kaniyang libro.

"Sana naman ay may maidudulot na maganda sakin iyan." saad ko sa kanya.

Tumingin muli siya sa akin at kinindatan ako na para bang may ipinapahiwatig. "Sobrang ganda ng maidudulot nito sa iyo, diba Ama?" wika niya sabay tingin kay Ama.

"Oo naman." sagot naman ni Ama at ngumiti sa akin ng nakakaloko.

Nagkibit balikat na lamang ako sa kanila at ibinaling ang aing tingin sa daang aming tinatahak. Kung anuman ang tinutukoy nilang sorpresa ay sana naman maganda talaga ang dulot nito sa akin.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

: p

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now