Kabanata 7

329 24 3
                                    

Regalo


"Napakaganda naman ng iyong suot na maria clara, Iza."

Napangiti ako sa papuri ni Angelita sa aking suot na kulay gintong baro't saya. "Maraming salamat. Nasaan si Miguel?" tanong ko sa kanya nang mapansing siya lang ang nagtungo sa aking silid. Kapag kaarawan ko kasi ay palaging nagtutungo ang dalawa sa aking silid upang batiin ako.

"Ang sabi'y susunod nalang siya."

Nagpatuloy kaming dalawa sa pagkwekwentuhan dahil alas singko pa lamang ng hapon at mamayang alas sais pa magsisimula ang pagdiriwang ko ng aking kaarawan. Isang magarbong pagdiriwang ang magaganap dahil sa kagustuhan ng aking lolo at lola, ang mga magulang ni Ina.

"Feliz cumpleaños, mi nieta." bati sa akin ng aking Lolo Ignacio, ang ama ni Ina.

"Feliz cumpleanos, nieta." bineso naman ako ni Lola Asuncion, ang nanay ni Ina.

"Gracias, abuelos."

Nagsimula na ang kainan ngunit mayroon akong hinihinintay na panauhin. Inimbita ko naman siya kahapon kaya sigurado akong hindi niya iyon makakalimutan. Maaring mayroon siya'y abala sa trabaho kaya't hindi siya makakadalo.

"Ang akala ko'y magtutungo ka sa Europa sa susunod na linggo, Miguel.Hindi ba't sinasabi mong magtratrabaho ka roon upang mag-ipon at mayaya ng kasal ang babaeng natitipuhan mo? Pero bakit parang balisa ka naman ngayon?"

Napatingin kami ka'y Miguel na nakatitig lang sa kanyang plato. Napapansin ko ring balisang-balisa siya ngayong araw, dati rati naman ay siya pa ang maingay.

"Tama ka nga. Pero baka para sa sarili ko na lamang muna dahil....." napatigil siya saglit at napatingin sa akin.

"Wala lang. Maligayang kaarawan nga pala Isay."

Hinampas ko siya sa kanyang braso ngunit tumawa lamang siya. Pakiramdam ko'y may nais siyang sabihin ngunit pinipigilan niya. Napatigil lang ako sa paghampas sa kanya nang makita kong papasok na ang pinakahihintay kong bisita ngayong gabi.

"Alam mo bang napakagand-----"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ni Miguel dahil tumayo agad ako upang salubungin si Vicente. Nakasuot siya ng kanyang puting uniporme ngayon nalaman ko lamang kanina sa aking tiyahin na noong nakaraan ay naitaas bilang heneral ang kanyang ranko.

"Maligayang kaarawan, Izabelle." bating bungad niya sa akin.

"Maraming salamat, akala ko'y hindi ka na dadalo.........Heneral Enriquez."

Napatawa kaming dalawa dahil sa itinawag ko sa kanya. Pinagtinginan kami nang ibang bisita pero kalauna'y tumigil din iyon. Gustuhin ko mang asikasuhin si Vicente ng mas matagal pero hindi maari dahil baka kung ano pang isipin ng mga bisita.

"Anong meron sa inyo nung gwapong heneral na iyon?"

"Oo nga Iza. Bagay kayo."

Napangiwi na lamang ako sa aking mga kaibigan dahil sa mga paratang nila. Ramdam kong namula ako nang magtama ang mga mata namin ni Vicente habang nakikipag-usap siya sa kanyang mga kakilala.

"Mag-kaibigan lamang kami. Huwag niyo ngang lagyan ng malisya." depensa ko.

"Nakita ko nga kayong nagtatawanan sa ilalim ng punong niyog sa Lawa ng Nangguyudan kahapon ehh." Napabaling muli sa akin ang tingin dahil sa sinabi ni Angelita. "Akala ko ba'y ikaw ang kasama ni Miguel kahapon?"

"Ipinasyal ko lamang siya upang maging pamilyar siya sa bayan. At isa pa kapag kami naman ni Miguel ang mag-kasama'y hindi kayo ganyan." wika ko. "Ang sabi niya'y bebentahan lamang niya ako ng buto ng ylang-ylang kaso mayroon na kami kaya hindi ako bumili."

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now