Kabanata 9

309 22 1
                                    


Mateo at ang masamang panaginip



Kagaya nitong mga nagdaang araw ay nakatanggap muli ako ng isang puting rosas at liham. Nakakasanayan ko na rin ito dahil umaga,tanghali at gabi'y nakakatanggap ako.

'Magandang umaga. Ngumiti ka lamang at huwag mong kakalimutan ang magdasal. Mi amore.'

-Alyas Leon-

Nag-ayos ako ng aking sarili dahil alas sais na at alas singko akong nagising. Medyo natagalan pa ako dahil hindi ako makapili ng aking susuoting baro't saya. Sa huli'y isang asul na baro't saya ang aking kinuha.Ipinaayos ko ang aking buhok kay Osmeng upang mas mabilis na rin. Pasado alas siete'y natapos rin ako.

"Señorita Izabelle, nasa ibaba na po ang heneral Vicente."

Agad akong tumayo at pinasadahan sa salamin ang aking itsura. Lumabas ako sa aking silid na may ngiti sa labi. Pagkababa ko sa hagdanan ay nagtungo ako sa aming kusina upang kunin ang isang bilao ngg suman na ipapamigay ko mamaya sa mga tauhan namin sa asukarera.

"Magandang umaga, Vicente!" masiglang bati ko sa binatang nasa harap ko ngayon.

Napansin kong nakatulala siya sa akin kaya tinawag ko ulit siya.

"M-magandang umaga, Iza."

Nginitian ko lamang siya at iginaya patungo sa likod ng aming mansiyon kung nasaan ang mas mabilis na daanan patungo sa aming tubuhan. Binabati kami ng iilang tao na aming nadaraanan sa sakahan ng aming hacienda.

"Magandang umaga po aling Berta!" bati ko sa tagapa-mahala ng sakahan.

"Magandang umaga rin Izabellle at heneral!."

Tinignan ko si Vicente na kanina pang tahimik at ngumingiti lamang sa mga tao. 'May problema kaya ang ginoo?' tanong ko sa aking isipan.

"Vicente? Ayos ka lang? Bakit mukhang matamlay ka yata ngayon. May sakit ka ba?" sunod-sunod kong tanong.

Isang mahinang tawa lamang ang kanyang isinagot at umiling. Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Mahigit sampung minutong lakaran lamang ay nakarating na kami sa tubuhan.

"Ate Isay!!!" narindi ako nang marinig ko ang tawag sa akin ni Manuel.

"Huwag mo akong tatawaging Isay kung ayaw mong ipakain kita sa alagang buwaya ni Leandro." banta ko sa kanya.

Narinig ko naman ang halakhak ni Vicente sa aking likuran kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Napatikhim lamang siya at ngumiti.

"Ate, kanina ka pa po hinihintay ni Mateo."

"Tara na Vicente, kanina pa pala naghihintay si Mateo sa atin."

Napansin ko ang pag-ngisi niya at paghalipkip doon. Ipinahawak ko kay Manuel ang bilao at hinila ko naman ang braso ni Vicente patungo sa kinaroroonan ni Mateo. Ano bang problema niya?

"Mateo!!" sigaw ko nang makita ko siyang kasama ni Leandro.

Agad namang tumahol ang aking alagang aso sa akin at tumakbo ito papalapit sa aming kinaroroonan. Kumaway rin sa amin ang aking pinsan bago ito sumunod.

"Vicente, ipinakikilala ko nga pala sa iyo ang aking alagang aso, si Mateo."

Nanalaki naman ang kanyang mata na parang gulat na gulat. "S-si M-mateo ay isang aso?" naguguluhan nitong tanong.

"Oo," tipid kong sagot at hinagod ang likod ng tuta.

Nakita kong lumapit sa kanya si Leandro at may binulong. Pabiro namang sinuntok siya ni Vicente. Kunot noo ko silang tinignan.

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now