Kabanata 8

319 23 3
                                    


Puting Rosas



'Sino naman kaya ang nagbato 'non sa aking bintana?'

Tanong ko sa aking sarili. Kilala ko ang sulat kamay ni Miguel kaya sigurado akong hindi siya iyon. Nagtanong ako sa mga guwardiyang nag-iikot kagabi ngunit ang sabi nila'y wala naman daw tao doon.

Mi Sueño. Aking Panaginip ang ibig sabihin ng katagang iyon. Sino naman kaya ang misteryosong tao na ito. Dahil paborito ko naman ang puting rosas ay inilagay ko ito sa isang plorera.

Buong araw akong nanatili sa aking silid. Tapos ko nang i-burda ang pangalan ni Miguel sa isang puting panyo na ipinabili ko kay Shanang kaninang umaga. Dahil wala na naman akong gagawin at hindi na ganon kataas ang araw dahil alas tres na ay napag-pasyahan kong magtungo sa hardin.

Mahilig akong magbasa ng mga libro, magburda at mag-alaga ng halaman. Ang sabi nila ay maganda daw ang aking kamay sa pag-aalaga ng mga halaman kaya nga ako ang namamahala sa aming hacienda. Ang aming hacienda ang pinakamalawak ang sakop dito sa probinsya ng Ilocos. Madami kaming mga trabahador lalo na sa tubuhan dahil maganda ang pagpapa-sahod ni Ama at Ina sa kanila.

Kilala ang aming mga magulang bilang mapag-bigay at tapat sa serbisyo. Si Ama ay limang taong gobernador na ng probinsya at hanggang ngayon ay gustong-gusto pa rin siya ng mga kababayan namin dahil sa katapatan at kabaitan nito. Bago siya maupo sa posisyon niya ngayon ay bumagsak noon ang ekonomiya ng probinsya dahil kinamkam ng mga Salvador ang pondo ng bayan na naging dahilan kung bakit pinatapon ang mag-anak sa isla ng kasinungalingan. Sana lang ay hindi na mangyari ito sa hinaharap.

Nagdilig lamang ako ng halaman gaya ng mga pulang rosas. Masarap sigurong maging halaman dahil palagi itong nadidiligan. Nang papasok na ako sa bahay ay tinawag ako ni manang Carlotta ang mayordoma ng bahay. Masungit siya kung titignan ngunit mabait talaga siya.

"Izabelle!"

"Bakit po?" tanong ko.

"Umay mo ramanan daytoy inluto mi nga sumallatik." (Halika at tikman mo ang niluto naming suman.)

Nagliwanag ang mukha ko dahil sa narinig. Iniabot ko sa isang guwardiya ang hawak kong balde at tabo at agad na nagtungo papunta sa kusina. Paborito ko ang suman lalo na kapag may mga niyog sa ibabaw nito.

"Masarap po." wika ko sa aming mga kusinera.

Kumain muna ako doon bago magtungo sa aking silid. Nagulat ako dahil may isang puting rosas na naman na nakalagay sa aking kama. Kagaya nung kagabi ay mayroon ulit itong sulat.

'Magandang hapon. Kumain ka ng tama sa oras, mi sueño.'

-alyas leon

Agad akong nagtungo sa aking bintana sa pagba-baka sakaling naroon pa ang alyas Leon na ito. Ngunit nadismaya lamang ako dahil wala ni isang bakas ng tao ang nasa ibaba.

Sa buong araw na iyon ay tanging pagbabasa lamang ng mga nobela o di kaya pagbuburda ang aking ginawa. Hindi din kami nagkita ni Vicente dahil ang sabi niya'y magtutungo siya ngayon sa bundok. Lumabas lamang ako sa aking silid nang kami'y maghahapunan na.

"Isay!" sigaw ni Kuya Alejandro sa akin dahilan upang magulat ako at mabitawan ang hawak kong baso.

Dali dali naman nagsilapitan ang aming mga kasambahay at inalis ang bubog na nagkalat sa sahig. Lumapit din sa akin ang aking kapatid at sinuri ako ngunit siya'y aking kinurot lamang. "Bakit ka ba kasi naninigaw Kuya?"

"May naghihintay sa iyo sa labas. Magtungo ka na sa hardin at nakakahiya pang paghintayin mo siya."

Pinagtulakan ako ng aking kapatid sa pintuan at isinara iyon bago pa ako makapagreklamo. Tahimik akong nagtungo sa hardin at nakita ko ang isang ginoo na nakasuot ng unipormeng pang-sundalo.

"Magandang hapon po." magalang kong bati. Napawi ang ngiti ko nang makita kung sino ito.

"Magandang hapon, Iza." bati niya sa akin.

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa pagka-bigla at hiya. Bakit ba hindi siya nagsabing magtutungo siya rito? Nakakahiya dahil nakalugay ang aking buhok at napakasimple lamang ng aking suot. Hindi pa ako nakapagsuklay at alam kong pagod ang aking mga mata dahil sa pagbabasa.

"Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli sa akin na siyang dahilan upang ako ay matauhan.

"A-ayos lang ako. Bakit ba hindi ka nagsabi na pupunta ka ngayon?"

Iginaya niya akong maupo sa isang bangko bago ako sagutin.

"Napadaan lamang ako rito." wika niya.

May kinuha siya sa kanyang bulsa at inilagay ito sa aking palad. Isa itong puting panyo na may burda ng aking pangalan.

"Ipinabibigay nga pala iyan ni Imelda. Nagtungo sila kanina rito ngunit agad ding umalis."

Pinagmasdan ko ang mga detalye ng pagkakaburda at masasabi kong magaling si Imelda. "Susulatan ko na lamang siya upang makapag-pasalamat ako."

Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Magtutungo ako don sa susunod na linggo." wika niya.

"Gusto ko sanang sumama ngunit maraming dapat asikasuhin sa hacienda lalo na doon sa azucarera," matamlay kong wika."Kaya susulatan ko na lamang siya at ipapabigay ko sa iyo." ngumiti ako sa kanya. Tumango naman siya sa akin at nag-iwas ng tingin.

"Mabuti pa nga. May gagawin ka ba bukas?" tanong niya sa akin.

Napaisip naman ako saglit. "Ang alam ko'y magtutungo ako bukas sa azucarera upang tignan ang mga nangyayari doon at kakamustahin na rin si Mateo."

Napansin ko ang pagkunot ng kanyang noo at ang pag-igting ng kanyang panga. "Sasamahan kita bukas. Wala namang masama doon diba dahil mag-kaibigan na naman tayo?"

"H-ha? Oo naman. Alas siete ako papanhik bukas." wika ko sa kanya.

Nagkwentuhan lamang kami saglit tungkol sa ginawa niya ngayong araw bago siya umalis. Nagtungo ako sa terasa ng aking silid pagkatapos naming maghapunan. Naalala ko yung sinabi kanina ni Vicente.

"Kamusta naman ang araw mo?" tanong ko sa kanya.

Ang kanina'y kunot niyang noo ay napalitan ng isang matamis na ngiti.

"Maganda at masaya dahil nakita ko ang babaeng aking sinisinta." wika niya habang nilalaro ang kanyang sumbrerong pangheneral.

Napakagat ako sa aking labi. "Ganun ba? Tiyak na masaya din ang binibining iyon."

"Sana nga. Masaya siyang makita rin ako at nagugustuhan niya ang mga ipinapadala ko sa kanyang regalo." nakangiti pa ring wika nito.

Siguradong masayang masaya ang dalagang iyon ngayon dahil isang Vicente Enriquez ang nagkakagusto sa kanya. Sino naman kaya siya? Maganda siguro siya dahil nga nagustuhan siya ni Vicente.

Mahihiga na sana ako nang makitang may isang rosas na naman sa aking bintana. Gaya ng dati ay puti ito at may sulat. Napangiti ako nang buklatin at mabasa ang nakasulat dito.

Magandang gabi, mi sueño. Sana'y makatulog ka ng maayos at ako'y iyong mapanaginipan.'

-Alyas Leon.

____________________________________________________________


A/N:


Short update for now! Bawi ako sa susunod hehe. Don't forget to vote and don't hesitate to dm me your thoughts about my stories on my IG account (missjxryl).

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now