Kabanata 3

439 33 1
                                    

"Por dios por santo! Izabelle." sigaw ni Ina nang bumaba ako sa kalesa.

Kakarating lang namin dito sa Norte at talagang kami'y sinalubong pa ni Ina. Nanlumo ako nang makita ang aking ate Olivia na puno ng mga gasgas at sugat ang katawan.

"Akala ko'y wala na ang aking bunsong anak." niyakap ako ni Ina habang siya'y humahagulgol. Hindi ko naman siya masisisi dahil nag-alala siya sa akin.

"Tahan na po Ina. Narito naman na po ako, buhay na buhay at maganda pa rin." biro ko sa kanya habang pinapatahan ko siya.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at pinanlisikan ako ng kanyang luhaang mata pero sa huli'y ngumiti rin siya. "Pilya ka pa rin talaga Isay." wika niya sa akin.

"Muntik na ngang mamatay pero mahangin pa rin talaga." nanunuyang wika ng aking Kuya.

"Manahimik ka riyan Alejandro!" sigaw ni ate Olivia sa kanya kaya siya'y napaayos ng tayo.

"Ina, huwag niyo na po akong tawaging Isay napakabaho po pakinggan." natawa naman siya saka ako niyakap muli.

"Tama na ang drama. Pumasok na tayo't kumain bago pa man lumamig ang mga pagkain." wika sa main ni Ama.

Nagtungo kaming lahat sa kusina upang kumain. Parang may piyesta kung maghanda si Ina sa araw na ito. Nasasabik akong makapiling silang muli dahil napakatagal rin bago kami muling magkita-kita.

"Ate Olivia, ano pong nagyari sa inyo pagkatapos ng pagnakaw na naganap?" tanong ko sa aking nakakatandang kapatid. Kasalukuyan kami ngayong narito sa aming balkonahe.

"Nagising ako sa tabi ng isang ilog sa bayan ng Sinait. Hindi ko alam noon kung ano ang gagawin ko dahil si Mang Nestor ay sugatan rin at walang malay sa mga oras na iyon. Wala kaming mahihingan ng tulong dahil wala rin namang dumadaan doon. Hanggang sa magkamalay na si Mang Nestor at kami'y naglakad-lakad at nang makarating kami sa isang bayan nakasalubong namin ang mga sundalo na itinalaga ng isang Kolonel na nagngangalang Vicente. Tinulungan niya kami at balita ko'y tinulungan ka rin niya." kwento nito.

Napangiti ako nang maalala ko na naman ang pangalan ni Vicente. Nasaan na kaya siya? Nais ko na siyang makita para pasalamatan lang ngunit hindi ko alam kung paano at kung saan. Nakalimutan ko na aking katabi pa pala si Ate kaya't nagulat ako nang tapikin niya ako bigla.

"Narining mo ba ang aking sinabi?"

"A-ano po ulit iyon?" napailing siya dahil sa aking tanong.

"Ang sabi ko dapat natin siyang pasalamatan. Kahit sa isang liham manlang at ating ipadala sa kanya bukas." wika niya.

"Magandang ideya nga iyan Ate." nakangiti kong wika.

"Oh siya. Ako'y papasok na sa aking kwarto upang magbasa ng libro at gumawa ng sulat." paalam niya.

Ganun din ako. Ako'y nagtungo sa aking silid upang magsulat sana kaso'y naubusan na pala ako ng tinta. Naisip ko naman kaagad ang opisina ni Ama, doon ako palaging pumupuslit ng tinta o di kaya'y papel. Nagtungo ako doon nang dahan dahan dahil medyo malalim na rin ang gabi baka makaistorbo ako.

Sinilip ko muna ang mga pasilyo upang masigurong walang ibang tao roon. At nang makumpirma ko na walang ibang tao na umiikot ay dali dali akong nagtungo sa pintuan ng opisina ni Ama. Pero napatili ako nang may makita akong lumilipad na ipis sa harap ko.

"Ahhh!!!!!" Agad na lumabas si Kuya Alejandro na sobrang gulo ng buhok parang kagigising lang niya at agad na dinaluhan ako.

"Anong nangyari?!" sigaw tanong nito. Kaagad kong itinuro ang ipis na kasalukuyang naka-dapo sa pihitan ng pinto.

Akala ko'y papatayin niya ito pero tumakbo siya sa likod ko na parang diring-diri at takot na takot. "Lintik yan!" sigaw pa niya.

"Anong kaguluhan ito?!Izabelle?!Alejandro?!" nabigla ako nang biglang lumabas si Ama galing sa loob ng opisina.

"Ama!m-may i-ipis po!!"sigaw ni Kuya na nasa likod ko kaya't napatakip ako ng tainga. Buti na lang at mukhang kaming tatlo lang ang tao dito sa pasilyo.

Napahawak naman si Ama sa kanyang batok. "Punyeta! Alejandro. Heneral kang naturingan ngunit takot ka sa napakaliit na ipis na iyan?" natatawang wika sabi ni Ama.

"Pasensya na po Ama ngunit nagising ako dahil sa sigaw nitong bunso."paliwanag pa niya. Ibinaling ni Ama sa akin ang kanyang tingin at tinaasan ako ng kilay na para bang tinatanong kung ano ang ginagawa ko doon.

"Hihingi lamang po sana ako ng tinta..." wika ko.

"Aanhin mo naman ang tinta? Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo nalang iyan?" napayuko ako bago sumagot kay Ama.

"Gagawa po sana ako ng sulat para kay Vice—sa kaibigan ko po."

Napasipol naman ang aking kapatid bago nagpaalam na babalik na siya sa kanyang pagtulog. "Oh siya, kumuha ka nalang riyan sa aking opisina at ako'y aalis na. Isarado mo nalang pagkatapos." aniya.

Tumango lamang ako at nagpasalamat bago dali daling pumasok sa loob ng opisina. Kumuha nalang ako ng isang bote at lumabas na. Nagtungo kaagad ako sa aking silid upang gumawa ng sulat.

Una ay gumawa muna ako ng tula dahil ito ay akin nang nakasanayan, ang pagbibigay ng liham na may kasamang tula. Medyo nahirapan akong gumawa ng tula dahil mahirap basahin ang pagkatao ng kolonel. Sana ay magustuhan niya ito.

Pagkatapos kong magsulat ay binasa ko muna ang mga ito bago isilid sa loob ng sobre. Marami akong nasayang na papel dahil hindi ko alam ang aking sasabihin. Ngayon lamang ako nahirapan ng ganito at ang masama ay sa isang lalaki pa.

Kolonel Vicente Enriquez,

Sa pamamagitan na lamang ng liham kita mapapasalamatan dahil pagkagising ko ay wala ka na.Nabalitaan kong ikaw ang nagbitaw ng utos na ipahanap ang aking nakakatandang kapatid sa buong probinsya ng Ilocos at sa mga karatig pang probinsya. Maraming salamat sa iyong tulong kung hindi dahil sa iyo ay marahil wala na ako at ang aking kapatid sa mundong ito. Isa kang anghel para sa akin. Nabalitaan ko ring kaarawan mo kahapon kung kaya't ika'y aking binabati ng isang maligayang kaarawan. Sana'y magtagpo muli ang ating landas upang ika'y akin manlang mapasalamat ng personal.

Josefina Izabelle Ycasiano.

Napangiti ako pagkatapos ko itong basahin. Inilagay ko ang liham kasama ang tula at ang isang kwintas na may nakasulat na 'Nascenter morimur finisque ob origine pendet' sa palawit nito. Isa itong latino na kasabihan, ang kwintas na ito ay nagmula pa sa aking Tatang ang ama ni Ina. Sana'y magustuhan ito ni Vicente.

Kadiliman ang siyang aking nakikita.

Kawalan ng pag-asa ang aking nadarama.

Kamatayan ang aking akala na malapit na.

Sa kakahuyan ako'y nakahandusay na.

Takbo at walang pahinga ang aking ginawa.

Hanggang sa gitna ng daan ika'y aking nakita.

Matipunong ginoo,

Sa iyong braso ako'y nagkapag-asa.

Ang kadiliman na siyang bumalot.

Napalitan ng liwanag ng sansinukob.

Buhay ko'y utang sa iyo

Bayaning Bulakenyo.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

For more updates about my story you can follow my instagram account that i create personally for wattpad :



An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now