Kabanata 16

237 19 1
                                    

A/N:

Ang kabanatang ito ay tungkol kay Miguel at sa kanyang pagtingin kay Izabelle. Malapit na rin matapos ang kwentong ito kaya maraming salamat sa ibinigay niyong suporta!!

--------------------------------------------------------------------------

Ang kanyang pagmamahal

3rd Person's PoV

Nakasimangot ang anim na taong gulang na batang si Miguel. Hindi niya gustong sumama sa kaniyang mga magulang patungo sa mansiyon ng mga Ycasiano upang dumalo sa pagdiriwang ng kaarawan ng bunsong anak ni Don Diosdado Ycasiano na si Josefina Izabelle.

"Umayos ka, Miguel." maawtoridad na wika ni Don Geronimo sa kaniyang anak.

Umiling naman si Doña Estrelita sa kaniyang asawa at niyakap na lamang ang anak. "Ngumiti ka na lamang anak. Napakagwapo mo pa naman kapag ika'y nakangiti." bulong ni Estrelita.

Tumango ang bata sa kaniyang ina at ngumiti. Nang makarating na sila sa mansiyon ay namangha ang bata sa diseniyo nito. Hindi maipagkakaila ang kaniyang interes sa arkitektura. Elegante ang mansiyon na dinisenyo ng isang sikat na italyanong arkitekto.

"Don Geronimo," bati ng isang matipunong lalaki na sumalubong sa kanila, si Don Diosdado Ycasiano. Nakahawak sa kaniyang braso ang esposa nitong si Doña Isabella.

"Amigo!" masayang bati ni Don Geronimo sa kaniyang matalik na kaibigan.

Nagkamustahan ang kaniyang mga magulang at ang mag-asawang Ycasiano kaya't nilibang na lamang ni Miguel ang kaniyang sarili sa pagtingin sa paligid. Napadapo ang kaniyang tingin sa isang batang babaeng nakasuot ng kulay pulang baro't saya na nakakandong sa isang matandang lalaki. May ibinulong ang matanda sa batang babae bago niya ito hawakan at sabay na naglakad patungo sa kinaroroonan ng pamilya Hernandez.

Nanlaki ang mata ni Miguel sa gulat nang magtama ang kanilang mata ng batang babae. Iniiwas kaagad ni Miguel ang kaniyang paningin dahil inirapan siya ng batang si Izabelle. Pilya at masiyahin si Izabelle kaya marami ang naaliw sa kaniya. Bukod sa matalino at maganda, relihiyoso rin ang bata.

"Geronimo at Estrelita," sabay na napalingon ang mag-asawa sa gobernador. "Maligayang pagbabalik!"

"Gobernador Esteban." kinamayan ni Don Geronimo ang gobernador.

Samantalang si Izabelle naman ay nahihiyang nagtago sa likod ng kaniyang ina. Napansin ni Miguel ang pasimpleng pagsilip sa kaniya ng bata kaya't napangiti ito.

"Izabelle, siya si Miguel. Ayain mo siyang maglaro." wika ni Doña Isabella sa kaniyang anak. Dahil masunurin naman ang bata at palakaibigan ay agad niyang sinunod ang mungkahi ng ina.

Naging matalik na magkaibigan ang dalawa simula noon. Noong sila'y nasa elementarya nahulog ang loob ni Izabelle sa kaibigan ngunit natakot siyang umamin dahil siya'y bata pa at baka masira lamang ang kanilang pagkakaibigan kaya't kinalimutan na lamang niya ang nararamdaman para kay Miguel. Lingid sa kaniyang kaalaman na pareho sila ng nararamdaman ni Miguel ngunit torpe rin naman ang lalaki kaya't hindi niya maamin amin ito sa kababata at tanging sina Angelita lamang ang nakakaalam.

Minsan nang sila'y nagkita-kitang magkakaibigan noong bakasiyon nila sa kolehiyo. Napag-usapan nila ang kani-kanilang mga napupusuang binibini at ginoo.

"Isang estudiyante sa kolehiyo ng mga inhinyero, isa sa mga kaklase ni Leandro. Ang aking napupusuan." nakangising wika ni Izabelle habang nakatitig sa kinakaing lumpia.

"Isa naman ginoong kumukuha ng kursong literatura ang aking gusto."-si Angelita na ang tinutukoy ang kanilang kaibigan na si Ernesto. Sa mga panahong iyon ay may lihim na nobya si Ernesto ito ay si Miranda ang pinsan ni Izabelle.

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now