Kabanata 12

259 25 3
                                    


Selos


Isa....

Dalawa....

Tatlo...

Tatlong beses akong napakurap sa harapan ni Vicente. Tinampal ko pa ang aking pisngi upang siguraduhing hindi ako nananaginip. 'Totoo ba ito?'

"Paki-ulit nga ang iyong sinabi," wika ko sa kanya.

Natawa siya ng mahina bago huminga ng malalim at ngumiti. "Maari ba kitang ligawan, Josefina Izabelle Ycasiano?" pormal niyang tanong.

Hindi pa ba siya nanliligaw sa kanyang mga ipinapadalang liham. "Bakit? Hindi ka pa ba nanliligaw sa mga liham na iyong ipinapadala?" tanong ko.

Umiling lamang siya at ibinaling sa mga alitaptap na ngayon ay nagsisimula nang mag-silabasan.

"Si Leon iyon," muli siyang tumingin sa akin. "Kaya gusto kong pormal na manligaw bilang si Heneral Vicente Enriquez."

Hindi ko maiwasan ang mapangiti habang nakatingin sa kanya. Kung ganoon ay liligawan na niya ako ng pormal. Napaka-swerte ko nga naman.

"Pumapayag ako." sagot ko sa kaniya atnauna nang tumayo.

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Tayo na?"

Tumawa ako dahil sa huli niyang tanong. "Manliligaw ka pa lang diba? Hindi pa kita sinasagot kaya naman hindi pa tayo magka-sintahan."

Napatigil siya at tinitigan ako. "Alam ko. Ang ibig kong sabihin ay pupunta na ba tayo sa inyong tahanan?" wika niya.

Ako naman ngayon ang natigil sa aking pagtawa. Tumikhim ako at iniwas ang aking tingin sa kanya dahil sa kahihiyaan. 'Minsan tanga ka rin, Izabelle.' mura ko sa aking sarili.

"Oo. Magtungo na tayo roon." nauna na ako sa paglalakad.

Hindi pa ako nakakalayo sa kanya nang muli niyang higitin ang aking kamay. Dahilan kung bakit ako napatingin sa kanya.

"M-may problema ba?" tanong ko.

May kinuha siya sa kanyang bulsa at inilagay ito sa aking palad. Salamat sa liwanag ng lampara na aking hawak kaya nakita ko ang bagay na iyon. Ang gintong pang-ipit ng buhok.

"P-para sa akin ito?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Para sa nag-iisa at pang-huling binibining muling nakabihag sa aking puso." sagot niya.

Iniabot ko sa kanya ang hawak kong lampara at binuklat ang dala kong pitaka. Kinuha ko ang maliit kong salamin doon na palagi kong dala-dala. Ipinahawak ko rin sa kanya ang aking pitaka.

Tinanggal ko ang gintong pang-ipit ko ng buhok na may disenyong paru-paro at ipinalit dito ang ibinigay niyang may disenyong pulang bulaklak. Napakaganda.

"Bagay ba?" mahinhin kong tanong.

"Hindi," napalitan ang aking ngiti ng isang busangot. " Kundi bagay na bagay sa iyo."

Uminit ang aking pisngi dahil sa ibinigay niyang papuri. Mabuti na lamang at madilim ang paligid kaya hindi niya ito pansin.

"Akin na nga iyang pitaka ko." inagaw ko sa kanya ang aking pitaka at tumalikod na.

Muntik na akong nadapa dahil hindi ko tinitignan ang aking dinaraanan mabuti na lamang at na-balanse ko ang aking sarili. Pagkadating naming sa aming bahay ay nadatnan naming ang mga panauhin na naka-upo sa aming sala at ang iba ay nakatayo habang umiinom ng mamahaling alak na galing pang Europa.

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now