Kabanata 14

247 21 0
                                    

Panibagong Simula


Mahigit isang linggo na ang nakakalipas simula nang mamatay sina Angelita at Ernesto. Mahirap man ay kailangan ko itong tanggapin.

Si Vicente ay palagi pa ring dumadaan dito sa bahay upang bigyan ako ng bulaklak at kuwentuhan tungkol sa kanyang mga ginagawa. Nakakatulong din naman siya upang malibang ako at gumaan ang aking pakiramdam.

Nalaman din naming na nagpakamatay si Angelita sa pamamagitan ng pagpapakalunod. Natagpuan ang kanyang bangkay na nakalutang sa Lawa ng Nagguyudan sa araw ng burol ni Ernesto.

Ngayong araw ay makikipagkita ako kay Vicente. Nais ko na ring magsimula muli, hindi naman palaging iikot ang mundo ko sa pagluluksa. Hindi tayo mabubuhay kung ikukulong natin sa kalungkutan ang ating sarili.

"Señorita, nasa ibaba na po si Heneral Enriquez."

Narinig kong wika ni Shanang mula sa labas ng aking silid. Pinasadahan ko sandali ang aking sarili sa salamin. Hindi na masyadong namumugto ang aking mata at nakasuot lang ako ng isang puting baro't saya.

"Magandang hapon," bati ni Vicente sa akin pagkarating ko sa kanyang tabi.

"Magandang hapon din." masigla ang aking tono kaya napangiti siya.

Nagsimula na kaming mag-lakad patungo sa hacienda, inaya ko kasi siyang mamasiyal sa sapa kung saan kami pumunta noong nakaraan. Inutusan ko sina Armando na maglagay ng lamesa at bangkong upuan doon kahapon.

"Pinalagay mo ang mga ito?" tanong sa akin ni Vicente habang tinitignan ang mga bagong upuan doon.

"Oo," sagot ko. "Walang kabuhay-buhay ang lugar."

Tumango siya at inaya akong maupo na doon. "Maayos na ba ng iyong pakiramdam?" tanong niya sa akin.

"Maayos na ako," ngumiti ako sa kanya. "Hindi na naman maibabalik ang nakaraan kapag ako'y magmumukmok sa aking silid."

Tumingin siya sa akin. "Tama," bumuntong hininga siya. "Kailangan mo ng panibagong simula."

Yung nga ang kailangan ko, panibagong simula. Panibagong simula kasama siya.

"Vicente," kinakabahan ako. "Oo." agad kong iniiwas ang aking tingin.

"Oo?" nagtataka niyang tanong. Hindi ba niya naiintindihan.

"Uulan yata. Bumalik na tayo sa mansiyon." nauna akong tumayo at agad naglakad na hindi siya nililingon.

Hindi pa ako nakakalayo sa kanya ay agad niyang hinawakan ang aking kamay dahilan kung bakit ako nasubsob sa kanyang dibdib. Umayos ako ng tayo pero nakatagilid ang aking mukha.

"Tayo na?" tanong niya sa akin.

"Oo, tayo na at baka maabutan pa tayo ng ulan." sagot ko at tumalikod.

Muli niya akong hinigit pabalik. "Ang ibig kong sabihin ay magkasintahan na tayo?" pagtatama niya.

Dahan-dahan akong tumango. "Sinasagot na kita." wika ko.

Tumingin ako sa anya at nakita ko ang malaking ngiti niya kaya ako rin ay napangiti na. Hindi ko akalain na magkasintahan na kami.

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Hindi ako makapaniwalang nakamit ko na ang iyong matamis na oo." natatawa niyang wika.

Hinaplos niya ang aking buhok habang yakap yakap niya ako. "Ako rin naman." pabalang kong wika at sabay kaming natawa.

Pagkatapos ng tagpong iyon ay bumalik na kami sa mansiyon. Napatigil kami sa pag-uusap nang makita namin si Ama na kausap ang dalawang heneral. Si Heneral Alejandrino at ang aking kapatid.

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now