Kabanata 1

856 37 14
                                    

"Binibini?"

Agad akong natauhan dahil tinapik niya ako sa aking balikat. Natulala ako dahil sa kagwapuhan niya, halah! nakakahiya Izabelle baka sabihin niyang wala akong delikadeza.

Napatikhim naman ako bago magsalita. "Medyo maayos na ang aking pakiramdam ginoong..." napatigil ako dahil hindi ko alam ang kanyang pangalan.

"Kolonel Vicente Enriquez. Vicente na lamang binibini." wika nito.

"Vicente. Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin." nakangiti kong ani sa kanya. Kung tutuusin ay utang ko na sa kanya ang aking buhay dahil kung siguro hindi siya napadaan doon ay hanggang ngayon palaboy pa rin ako o baka wala na rin ako.

Iginaya niya ako papunta sa mga upuan dito at doon ay naupo kaming dalawa. Nang makaupo na ako ay pumunta siya sa upuang nasa harap ko at duon siya naupo, kaya magkaharap kami ngayon.

"Ano ang iyong pangalan binibini? At bakit ka nasa gubat?" tanong niya.

"Ako si Josefina Izabelle Ycasiano nagmula ako sa Norte. Pabalik na kami noon sa Norte galing Bulacan kasama ko ang aking nakakatandang kapatid nang tambangan kami ng mga tulisan sa Candon. Kinamkam nilang lahat ang aming mga gamit pagkatapos nun ay hindi ko na alam ang nangyari . May ipinaamoy sila sa aking panyo na naging dahilan ng pagkawala ng aking malay." pagsasalaysay ko sa mga nangyari sa amin.

"Kung ganoo'y, nasaan ang iyong kapatid?" tanong nito. Napabuntong hininga ako bago siya sagutin.

"Hindi ko alam. Nang magising ako ay nasa gitna na ako ng gubat at hindi ko na siya kasama. Noong hinarang kita sa gitna ng kalsada ay hinahanap ko siya pero may humabol sa aking baliw na matanda kaya tumakbo ako at napadpad sa daang iyon." sagot ko. Napahawak naman siya sa kanyang baba na parang nag-iisip.

"Josefina? Izabelle? Binibining Ycasiano? Kapatid mo si Kolonel Alejandro tama?" nais kong mtawa dahil sa binigkas niyang lahat ang aking pangalan pero pinipigilan ko ito.

"Izabelle na lamang. At oo kapatid ko siya." sagot ko rito.

Napatikhim siya. "I-izabelle, bukas ay pupunta rito si Alejandro para sa isang pagpupulong at mabuti iyon dahil makakauwi ka na sa iyong tahanan." wika niya.

"Mabuti naman." tugon ko sa kanya habang nakatingin ako sa sahig. Tumayo siya at akmang aalis na pero pinigilan ko ito.

"Vicente..." tawag ko sa kanya kaya lumingon siya sa akin.

"May kailangan ka ba, Izabelle?" tanong niya sa akin. Dahan dahan akong lumapit sa kinatatayuan niya at nahihiyang inabot ang aking panyo.

"Maraming salamat sa pagligtas at pagtulong mo sa akin. Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan, Kolonel. Ngunit sana'y t-tanggapin mo itong panyo ko. Alam kong nakakatawa pero wala akong maibigay na regalo sa iyo bilang gatimpala." nakayuko kong wika sa kanya. Narinig ko ang munting tawa niya pero sa huli'y kinuha niya pa rin ang panyo.

"Wag kang mag-alala kahit hindi ka na magbigay pero tatanggapin ko pa rin ito dahil. Espesyal ang taong nagbigay nito." wika niya pero hindi ko naintindihan ang huling katagang sinabi niya dahil parang bulong lamang ito.

"Ano?" tanong ko pero ngumiti lamang siya sa akin.

"Wala, magpahinga ka na muna sa iyong silid. Sasabihin ko na lamang kina-Imelda na dalhan ka ng pagkain duon." ani niya bago umalis.Nang makabalik na ako sa aking kwarto ay deretso agad ako sa aking kama dahil inaantok na naman ako.

Nagising lang ako nang may marinig akong katok mula sa pintuan nitong kwarto. "Izabelle, saan mo gustong kumain, dito o baba ka?" tanong niya sa akin.

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now