Kabanata 5

397 31 4
                                    


"Binibining Izabelle, magandang umaga ho." bati sa akin ni Aling Martha, siya ay ang pinagkukuhanan ni Ina ng mga tela para sa kanyang tinatahi.

"Magandang umaga rin po Aling Martha. Akin lang po sana kukunin ang telang seda na bibilhin ni Ina." magalang na wika ko sa kanya.

Pumasok siya saglit sa kanilang bodega at kinuha ang tela. "Pakisabi kay Doña Isabella, nariyan na rin ang........" tumigil siya saglit na siyang ipinagtaka ko.

" Ang alin po?" tanong na rin ni Angelita na kagaya ko ay nagtataka rin.

"Yung...buto ng pakwan. Tama, ang buto ng pakwan na hinihingi niya." alanganing wika niya.

Kahit nagtataka ay tumango na lamang ako. "Ganun po ba? Maraming salamat po. Kami'y papanhik na." paalam ko sa kanya.

Nagpatuloy kami sa pamimili ngunit sa huli'y naiwan ako mag-isa dahil pinapatawag sina Angelita at Miguel sa munisipiyo. Napakabigat ng aking dala at kung minamalas nga naman ang anak ng gobernador ng probinsya ay walang sasakyan pauwi.

Wala akong nagawa kundi ang maglakad na lamang. Isang oras akong maglalakad. Bakit nga ba hindi ko naisip na magpasundo o magpahintay na lamang sa kalesa, kasalanan ito ni Miguel eh. Maraming bumabati sa akin sa daan dahil medyo kilala ako dito sa amin.

"Binibining Izabelle!! Magandang umaga po!!" bati sa akin ng isang bata na biglang sumulpot galing sa kakahuyan.

"Manuel?!" gulat kong tawag sa kanya. Anak siya ni Osmeng ang aming kasambahay at sa pagkakaalam ko'y isang linggo na siyang nawawala. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at sobrang dungis niya.

"Saan ka nanggaling?!Alam mo bang pinag-alala mo kaming lahat sa mansiyon." wika ko sa kanya. Parang anak na rin sya ni Ama at Ina dahil palagi nila itong isinasama kung may pupuntahan sila.

"Naligaw po ako eh." tugon nito sa akin. Mga bata talaga.

"Oh siya, tara na. Umuwi na tayo." wika ko sa kanya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at wala ni isa ang dumadaang kalesa. Ang akala ko'y isang oras ay mahigit tatlong oras pala. Hingal na hingal kaming dumating sa mansiyon at kulang na lang ay himatayin na ako dahil hindi ako makatungtong sa aming hagdan papasok kahit na limang baitang lang ito.

Sumalampak ako don na parang mahihimatay anumang oras. "Ate Iza!! tumayo ka riyan. Mapapagalitan ka ni Inay Isabella." wika sa akin ni Manuel ngunit sinenyasan ko lang itong manahimik dahil pagod talaga ako.

Tinignan ko ang aking suot na saya, sobrang dumi na nito. "Binibini,ayos ka lang ba?" tanong ng pamilyar na boses ngunit wala akong oras na tignan siya.

"Manahimik ka. Bigyan mo ako ng tubig." nakapikit kong utos. Narinig ko naman ang mga yabag niya papunta sa loob.

Inabutan naman ako ni Manuel ng pamunas at ginamit ko ito pangpuunas sa aking pawis. Maryosep! Hindi hindi ko na kayang ulitin iyon. Ang daming bumati sa akin ngunit ni isa walang nag-abalang tulungan ako.

Inilapag ng kung sino ang isang basong tubig sa tabi ko. Agad ko itong kinuha at ininom ng diretso. "Maraming sala-----" hindi ko naituloy ang aking sinasabi.

Mula sa kanyang sapatos ay tinignan ko siya patungo sa kanyang mukha. Nakasuot ito ng pangmilitar na uniporme. Parang tumigil ang oras nang magtama ang aming paningin.

"Vicente?!" gulat na gulat kong wika habang nakasalampak pa rin sa sahig.

"Magandang umaga, binibining Izabelle." bati niya. Hindi ko alam ang aking gagawin dahil sa hiya. Kahihiyaan dahil inutusan siya at kahihiyaan dahil sa aking postura.

"Izabelle?!" sigaw ni Ina na nasa pintuan na pala nasa likod niya si Ama na umiiling sa akin.

"Ina." alanganin kong wika at tumayo doon kahit masakit pa rin ang aking paa.

"Anong nangyari sa iyo? at bakit ganyan ang iyong itsura? Nakakahiya kay Kolonel Vicente." sermon niya sa akin.

"Ina, galing po ako sa pamilihan ngunit nang pauwi na po ako'y wala po akong sasakyan. At Kol. Vicente...paumanhin po sa aking inasal." nakayuko kong wika sa kanila.

"Oh siya. Ika'y magtungo na sa taas at ayusin mo ang iyong sarili bago ka bumaba." 

Tumalon talon ako doon na parang baliw dahil sa kahihiyaan. Naligo lang ako saglit at nagsuot ng kulay rosas na baro't saya. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan at nagtungo ako sa silid kainan ngunit bago ako tuluyang magpakita ay pinasadahan ko muna ang aking itsura.

'Umayos ka Izabelle.' wika ko sa aking sarili.

Nakangiti akong umupo sa tabi ng aking ina kung saan ay kaharap ko si Vicente. "Mabuti naman at bumaba ka na. Kanina ka pa namin hinihintay." bulong sa akin ni Ina.

"Kol. Enriquez akin nga palang pormal na ipinakikilala ang aking bunsong anak na si Izabelle." wika sa kanya ni Ama.

"Ikinagagalak kong ika'y aking muling makita, binibini."

"Ikinagagalak ko ring muli kitang makita, kolonel." nakangiti kong bati sa kanya.

Nagsimula kaming kumain ng tahimik. Pagkatapos namin kumain ay nagtungo ako sa aming hardin. "Kumusta ka na?" napatalon ako sa gulat dahil kay Vicente.

"A-ayos lamang ako ginoo. Ikaw? Kumusta ka na?"

"Sa awa ng diyos ay maayos naman ako." sagot niya. Tumango lamang ako at nagsimula nang lumakad kasabay siya. Walang umiimik sa amin hanggang sa makarating na kami sa tuktok ng maliit na burol.

Naupo kaming dalawa doon sa kubo kung saan natatanaw naming ang mansiyon at ang sakop ng hacienda Ycasiano.

"Maraming salamat nga pala sa kwintas na iyong ibinigay." pagbasag ni Vicente sa katahimikan.

Napatingin naman ako sa kanya at namula ng makitang suot niya ito ngayon. "Walang anuman." nakangiti kong sambit.

"Dito nga pala ako sa bayan niyo nakadestino hanggang sa nobyembre." wika niya. Hanggang nobyembre pa siya? Kung gayun ay malaki ang tiyansang makita ko siya araw-araw.

"Mabuti kung ganun." napataas ang kilay niya sa akin.

"Ang ibig kong sabihin mabuti na rin yun upang ....malayo ka sa kapahamakan? Tama, kasi dito sa amin wala masyadong krimen." pagpapalusot ko dahil baka mamaya ibang ideya ang pumasok sa isip niya.

"Tama ka, Izabelle. Nga pala maari mo ba akong ipasyal bukas dito sa hacienda at bayan niyo? Upang ako'y maging pamilyar sa aking magiging tahanan."

Napaisip ako saglit pero agad ding sumang-ayon. "Oo naman. Sunduin mo ako bukas dito ng alas nuebe ng umaga." napangiti naman siya dahil sa aking isinagot.

"Aking aasahan iyan."

Nagkwentuhan kami sa mga bagay-bagay. Nalaman kong tatlo silang magkakapatid ngunit namatay ang bunso nila dahil sa isang sakit. Nalaman ko rin na mahilig siya sa palaso at magsulat ng tula.

"Maraming salamat sa paglaan ng oras, Iza." wika niya sa akin.

"Maraming salamat rin, Vicente. Mag-iingat ka." pagpapaalam ko sa kanya. Nakatulog akong may ngiti sa aking labi sa gabing iyon.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi everyone! Please send me your feedbacks about my stories here in wattpad on my facebook account Jezryl Dianne Flores-Domingo kailangan ko po iyon para alam ko kung ano ang i-improve ko sa stories. Don't forget to vote and keep safe y'all.

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now