Kabanata 19

231 17 0
                                    


Bangungot

"Miranda!" sigaw ko habang niyuyugyog ang braso ni Miranda. Siya'y binabangungot.

Napabangon siya at hingal na hingal. Iniabot ko sa kaniya ang isang basong tubig upang siya'y mahimasmasan. Laking gulat ko nang hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

"Magpakatatag ka." wika niya sa akin. Naguguluhan man ay tumango na lamang ako sa kaniya at ngumiti. Inalalayan ko siyang humiga muli bago ako humiga sa kaniyang tabi.

Nagising na lamang ako na wala na si Mianda sa aking tabi. Hindi ko na siya hinanap dahil baka umuwi na siya sa kanilang tahanan. Naligo na muna ako at nag-ayos ng sarili bago bumaba.

Hindi na rin ako nagulat nang madatnan si Vicente na nakaupo sa aming sala. Halos araw-araw siyang ganiyan, bago siya pumasok sa trabaho ay dadaan muna siya rito.

"Magandang umaga." bati ko sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi.

"Magandang umaga rin."

Nag-agahan muna kami sa bahay bago napagpasiyahang maglakad-lakad muna. Nagtungo kami sa hardin ng aming tahanan at hinintay ang tuluyang pagsikat ng araw.

"Sa tingin mo'y hindi tayo mapaghihiwalay ng anumang problema?" pagbasag ni Vicente sa katahimikan.

"Tanging kamatayan lamang ang makakapag-hiwalay sa atin, mahal ko." tugon ko sa kaniya.

Sisiguraduhin kong walang makakapaghiwalay sa amin bukod sa kamatayan. "Kung gayon, ipangako mong hinding hindi mo tatanggalin ang singsing na iyan hangga't hindi pa tayo ikinakasal." wika niya sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at hinalikan ito.

Nanatili kami doon ng mahigit kinse minuto bago siya tuluyang magpaalam at pumasok sa trabaho. Bago siya tuluyang sumakay sa kaniyang kabayo ay bumalik siya sa akin at niyakap ako.

"Tandaanan mong mahal na mahal kita kahit anong mangyari." bulong niya sa akin at parang pinipiga ang aking puso sa dahil doon.

"Mahal na mahal din kita." tugon ko sa kaniya. 

Ngumiti siya sa akin bago tuluyang umalis. Ang mga ngiting iyon ay alam kong may itinatago. Bigla ko na lamang naalala ang masamang panaginip ko noong nakaraang buwan. Hindi kaya........

"Izabelle, pinapatawag ka ng iyong Ina," natauhan ako nang biglang sumulpot si Shanang sa aking tabi. Agad akong nagtungo sa silid nina Ina upang tanungin kung anong ipapagawa niya.

"Ina," tawag ko sa kaniya. "Ipinapatawag niyo raw po ako?"

"Halika rito. Tulungan mo akong burdahan ang kumot na ito." nakangiti niyang wika sa akin.

Buong araw kaming nasa silid upang burdahan ang napakalaking puting kumot na iyon. Mga bulaklak at paru-paro ang ibinurda namin. Nang mag-aalas siyete na'y bumaba na kami upang sumabay sa hapunan.

"Akala ko'y magdamag na kayo sa silid," biro sa amin ni Ama.

"Akala ko rin ay matutulog ka na sa iyong opisina." mataray namang wika sa kaniya ni Ina.

Natawa na lamang ako sa kanila dahil para silang mga bata. Habang pinapanood sila magbangayan ay bigla kong natanong sa aking sarili. 'Ganito rin kaya kami ni Vicente balang araw?'

Hindi kami produkto ng kasunduang kasal kagaya nina Ama at Ina, kaya maaring ganito rin kami pagtanda. Nang maihain na lahat ng putahe ay nagsimula na kaming kumaing tatlo dahil si ate Olivia ay may dinaluhang pagtitipon samantalang si Kuya Alejandro ay nasa ibang probinsiya ngayon. Tahimik ang buong mansiyon dahil wala ang aking mga pinsan.

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now