Kabanata 11

248 24 0
                                    


Kabanata 11

Alyas Leon

Nakatulala lamang ako sa pagkain na nakahain sa aking harapan. Hindi ako makakain dahil hindi ko alam kung sisiputin ko ba si Leon kung sakaling maipadala na niya ang ika-labing limang rosas bukas o mamaya.

Kaninang umaga at tanghali ay natanggap ko ang pang-labing tatlo at apat na rosas. "Sabihin mo lamang Josefina kung hindi mo kakainin iyang danggit mo at kukunin ko na lamang." wika sa akin ni Kuya Alejandro.

"Sa akin mo ibigay kung ayaw mo," si Leandro naman.

Inirapan ko lamang sila at sinimulan nang kainin ang aking hapunan. Pagkatapos naming kumain ay nagtungo agad sila sa sala upang pag-usapan ang nalalapit na pagdating ni Aguinaldo sa aming bayan. Kahit papaano'y sumali rin ako dahil ako ang naka-toka sa mga dekorasyon sa bayan.

"Izabelle, alam kong may ideya ka na. Iguhit mo na lamang at ika'y magahinga na muna." si Ina.

"Tama nga Izabelle. Magpahinga ka na muna sa iyong silid." si Ama.

"Tama ang Tiya at Gobernador. Ika'y matulog nang maaga upang madagdagan ang iyong tangkad." si Leandro na mapang-asar.

Bakita ba pakiramdam ko'y ipinagtatabuyan ako ng aking pamilya. "Masusunod po." iyan lamang ang aking sinabi at nag-paalam na sa kanila.

Gaya ng sinabi ni Ama ay iginuhit ko ang aking plano para sa dekorasyon ng harapan ng simbahan ng San Agustin dito sa Paoay. Doon kasi mismo sa harap nito ipapatayo ang entablado kung saan magtatanghal ang mga napiling mananayaw para sa mga panauhin. Mahigit dalawang oras ko din ito iginuhit at pagkatapos nun ay nakatulog agad ako.

Nagising na lamang ako sa mga tilaok ng manok at sa isang bagay na tumama sa aking paanan. Iminulat ko kaagad ang aking mata at bumangon. Ang ika-labing limang rosas! Binuklat ko ang papel na naka-ipit dito.

'Pagkatapos ng misa. Sa ilalim ng pinakamataas at matandang puno sa inyong hacienda.'

-Leon-

Natulala kaagad ako sa aking sarili sa salamin. Ibig sabihin mamayang alas siete kami ng gabi magki-kita. May mga panauhin mamaya dito sa bahay kaya naman madali lamang akong makakatakas.

"Naayos nap o ang lahat, Señorita." wika sa akin ni Amor. Isa siya sa mga tumutulong sa paglalagay ng mga dekorasyon dito sa harap ng simbahan.

"Mabuti naman. Magpahinga na muna kayo." nakangiti kong wika sa kanya bago siya iwanan doon.

Halos buong araw kamming nag-ayos ng mga palamuti dito at buong araw na din akong lumilinga sa paligid at nagba-baka sakaling makita si Vicente.

Napagdesisyunan kong mamasyal muna sa mga pamilihang nakapuwesto sa likod ng simbahan. Habang naglalakad ako at nagtitingin ng mga paninda ay nakaramdam ako ng gutom. Bibili na sana ako ng pagkain ngunit naalala kong nakalimutan ko ang aking pitaka sa opisina ni Leandro sa munisipyo.

"Kaya ka naman pala namamayat dahil nalilipasan ka ng gutom." isang baritonong boses ang nagsalita sa aking likuran.

Hindi ko ito pinansin dahil akala ko'y hindi ako ang kinakausap nito ngunit nabigla ako nang higitin ng lalaking iyon ang aking braso. "Teka lamang ginoo." palag ko pero nanlaki ang mata ko nang makilala ang taong ito.

Tumigil kami sa harap ng isang tindahan ng mga kakanin at bumili siya ng limang klase na kakanin. Suman, bibingka, tinupig, putong bungbong at ube halaya. Muli niya akong hinila patungo sa hardin ng simbahan kung saan wala masyadong tao.

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now