Kabanata 18

230 18 0
                                    


Ilog (Meet the Luna-Ycasiano cousin's)


"Kailan ang kasal kung ganoon?" masayang tanong ni Ama sa amin ni Vicente.

Kahapon ay sinabi ko na kina-Ama at Ina na inaya ako ni Vicente upang magpakasal. Hindi naman sila nagalit nasiyahan pa nga sila.

"Sa susunod na taon na lamang po. Nais ko lang naman pong maitali na sa akin ang inyong bunsong anak." wika ni Vicente kaya natawa kami sa hapag.

"Kung iyan ang iyong plano. Hindi na kami tututol pa," wika ni Ama at itinaas ang kaniyang hawak na kopa ng alak. "Para sa kasalang Enriquez-Ycasiano!"

Itinaas na din namin ang aming mga kopa ng alak. Kumain kami ng masaya at pagkatapos ay nagtipon-tipon kami sa sala upang magkuwentuhan.

"Vicente, kailan namin makakausap ang aming mga balae?" tanong ni Ina kay Vicente.

"Baka sa susunod na buwan po. Kasalukuyan po kasing nasa Espanya ang aking ama at pumanaw na po si ina."

Napatango naman si Ina at ngumiti. Nagpatuloy sila sa pagkwekwentuhan hanggang sa kinailangan nang umalis ng aking mga magulang upang dumalo sa isang pagpupulong.

"Ilan ang gusto mong anak?" tanong sa akin ni Vicente. Napaisip naman ako. Bilang isang doktor alam kong masakit ang manganak.

"Dalawa lamang. Isang lalaki at isang babae." sagot ko sa kaniya. "Ikaw?"

"Iyong sagot mo rin." sagot niya.

Habang naglalakad kami papunta sa hardin ay biglang sumulpot si Leandro na nagmamadali.

"Izabelle!Vicente!" sigaw niya kaya gad kaming napatigil.

"Anong nangyari?" tanong ni Vicente.

"T-tulong. Nawalan ng malay si Miranda sa labas." nag-aalalang wika niya.

Napatakbo naman kami sa palabas ng tarangkahan upang tignan ang nangyayari. Nakahandusay sa daan si Miranda, agad namang nagtulungan si Vicente at Leandro upang buhatin siya.

Tinawag ko ang isang guwardiya upang utusan na sunduin si Mario sa kaniyang klinika. "Tawagin mo si Mario." utos ko.

"Masusunod po."

Sumunod ako kina Vicente papasok ng bahay. Dinala nila si Miranda sa aking silid. Pagkarating ko doon ay sinuri ko kaagad ang kaniyang kalagayan.

Napansin ko ang isang bakas ng dugo mula sa kaniyang tagiliran. Itinaas ko ang kaniyang suot na baro, nanlaki ang aking mata nang makita ang sugat niya. Parang isang saksak ito ngunit mayroong mga tahi.

"Iwanan niyo muna kami rito." utos ko sa dalawang lalaki na kasama ko na agad naman nilang sinunod.

Sinimulan ko ang paghugas ng aking kamay at gagamiting materyales. Mabuti na lamang at mayroon akong gamit dito para sa pantatahi ng sugat. Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos ko na ito at sakto namang dumating si Mario.

"Anong nangyari?" tanong niya sa akin.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan. Anong nanyari?" balik kong tanong sa kaniya. "Alam kong ikaw ang gumamot sa kaniya dahil ikaw ang pinakamalapit niyang kaibigan..."

Bumuntong hininga siya at inilapag ang mga dala niya sa aking lamesa bago umupo sa dulo ng kama.

"Noong gabi ng sabado, basang basa siya ng ulan na kumatok sa pintuan ng aking klinika. Gulat na gulat kami noon ni Ina dahil sa kaniyang hitsura, itatanong ko pa lang sana ang nangyari nang bigla siyang nawalan ng malay. Duguan siya noon at tinignan namin ni Ina ang dahilan at mukhang dahil sa kaniyang saksak sa tagiliran ay nawalan siya ng dugo kaya ganiyan." paliwanag niya.

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now