Epilogo

574 29 7
                                    

Ang Pagtatapos

"Kolonel Vicente, uuwi na po ba kayo?" tanong ni Ismael, isa sa aking mga sundalo.

"Oo," sagot ko bago ipinagpatuloy ang pagbutones sa aking uniporme.

"Dumaan po kayo sa bandang gubat, Señor. Nasira po ang tulay." paalala niya sa akin.

Tinignan ko siya mula sa salamin bago tumango. Alam ko naman ang nangyari sa tulay ngunit akin itong nakalimutan. Lumabas kaagad ako sa aking tinutuluyan at nagtungo sa kuwadra upang kunin ang aking kabayo. Muli akong nagpasalamat sa mga may-ari sa bahay panuluyan bago ako tuluyang umalis.

Habang ako'y papabalik sa mansiyon ng mga Nable-Jose kung saan kami nakatira ay nakarinig ako ng isang sigaw nagmumula sa kakahuyan. Nagkibit balikat lamang ako dahil baka isa lamang iyong baliw. Nagpatuloy ako sa pagpapatakbo ng kabayo hanggang sa nagulat ako dahil may isang binibining humarang sa aking daanan. Itinaas nito ang kaniyang kamay upang patigilin ako na siya namang aking ginawa.

"Señor, ayúdeme por favor!" wika niya sa akin at lumuhod. Nagulat ako sa kaniyang ginawang pagluhod kaya naman ako'y bumaba mula sa kabayo.

"Binibini anong--------" hindi ko na natapos ang aking sinasabi nang bigla siyang mawalan ng malay. Mabuti na lamang at mabilis ang aking kilos kaya nasalo ko siya bago pa man siya mahulog sa lupa.

Wala akong nagawa kundi ang dalhin siya sa mansiyon. Noong makarating kami sa mansiyon ay wala pa rin siyang malay. Ano bang nangyari sa kaniya at sino siya? Siya ba yung baliw na sumigaw kanina?

"Por Diyos, por Santo. Vicente, quién es esta chica y qué pasó?" tanong sa akin ni Imelda.

"Hindi ko siya kilala. Hinarang lamang niya ako upang humingi ng tulong pero nawalan siya ng malay." paliwanag ko at tinignan ang babaeng walang malay na karga ko. Mabuti na lamang at hindi siya mataba.

"Ganoon ba? Dalhin na natin siya sa itaas sa bakanteng silid." wika ni Imelda at nauna nang umakyat. Dinala namin siya sa silid ni Veronica upang maipahiga sa kama.

"Ayos lamang ba na dito siya sa silid ni Veronica? Baka multuhin siya." bulong ko kay Imelda na siyang ikinatawa niya ngunit nanatili akong seryoso.

"Mabait si Veronica. Hindi niya gagawin iyon."

Tumango na lamang ako at iniwan siya doon upang asikasuhin ang dalaga. Dumeretso ako sa kusina upang sabihing maghanda sila ng pagkain kung sakaling magising na ang babaeng iyon. Nagpalipas muna ako ng oras sa hardin hanggang sa nakita kong lumapit si Imelda sa akin.

"Vicente, gising na siya," wika niya sa akin. "Napag-alaman kong anak siya ng gobernador sa Ilocos Norte."

Kung ganoon ay nagmula siya sa isa sa mga pinakamakapangyarihang angkan sa Norte. "Salamat sa impormasiyon." ngumiti ako kay Imelda.

"Walang anuman. Magluluto muna ako." saad niya bago siya tumalikod.

Kung may kaya ang pamilya nila, malaki ang posibilidad na tulisan ang may gawa noon sa kaniya. Napailing na lamang ako nang maalala kong pinagkamalhan ko siyang baliw kanina. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumeretso sa ikalawang palapag pumasok ako sa loob ng bahay at dumeretso sa ikalawang palapag. Naabutan ko siyang nakatalikod lamang sa akin at pinagmamasdana ng malaking litrato nina Goyo at Veronica.

"Maayos ka na?" tanong ko na mukhang ikinagulat nito dahil nabitawan niya ag hawak niyang panyo.

Nang lumingon siya sa akin ay nagulat ako sa itsura niya. Mapupungay na mata, mapupulang pisngi at labi, makapal na kilay at ang kaniyang matangos na ilong. Maganda siya. Mabuti na lamang at agad akong natauhan nang may kumagat na lamok sa aking batok.

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now