Kabanata 4

399 24 0
                                    

"Naipadala na ba ang sulat?" tanong ko kay ate Olivia na kakarating lang galing sa bayan.

"Oo, saktong aalis na ako nang paalis na rin ang kartero." sagot niya. Napabaling ang tingin namin sa pintuan nang pumasok ang aming nakakatandang kapatid.

"Olivia, ika'y mag-handa na dahil mamayang gabi ay sasabay ka na sa akin na bumalik sa Bulacan." napatingin ako kay ate Olivia dahil sa balita.

"Aalis ka?" tanong ko. Tumango lamang siya at ngumiti bilang sagot.

"Ngunit kaarawan ko na sa Martes." wika ko. Lumapit siya at umupo sa aking tabi.

"Huwag kang mag-alala, ako'y babawi sa pasko. Kailangan ko na kasing bumalik sa kumbento." paliwanag niya.

Wala akong nagawa kundi intindihin ito dahil na nga sa isa siyang madre at may ginagampanan siyang tungkulin. Lumapit rin sa amin si Kuya Alejandro upang sumali sa yakapan.

"Sabihin mo nalang kasing nais mong sumama upang makita mong muli si Vicente." bulong nito sa akin.

"Manahimik ka nga Kuya, sinong may sabing nais ko siyang makita huh?" pagtataray ko rito.

"Tignan lang natin."

Natawa lang siya at umiling bago lumabas. Naiwan akong mag-isa sa salas dahil pati si Ate Olivia ay kailangan niyang umakyat upang mag-impake. Maiiwan na naman akong mag-isa dito sa hacienda.

"Señorita Izabelle, narito po si Don Maximo Luna." wika ng aking tagapag-silbi na si Shanang.

Agad akong tumayo upang salubungin ang pinsan ni Ina, si Tiyo Maximo.

"Tiyo." tawag ko sa kanya at ako'y bumeso.

"Maligayang kaarawan, Iza." bati nito sa akin. Tumawa naman ako ng kaunti bago mag-salita.

"Tiyo Maximo, sa martes pa lamang ang aking kaarawan." napakamot naman siya sa kanyang ulo at ngumiti sa akin.

"Pasensya na iha, aking nakalimutan." tumawa nalang kaming dalawa at napatigil lang nang bumaba na si Ina.

"Insan Maximo!" nagagalak na tawag sa kanya ni Ina.

"Isabella!" niyakap niya si Ina nang mahigpit. Matagal na silang hindi nagkita dahil sa nanirahan ng tatlong taon sa Espanya ang pamilya ni Tiyo Maximo.

May narinig kaming tumikhim sa may pintuan kaya napatingin kaming lahat dito. "Baka gusto mong ipatapon kita sa Bulacan at hindi na papasukin sa probinsyang ito?" pabirong banta ni Ama ngunit tinawanan lang ni Tiyo Maximo ito at nilapitan siya upang yakapin.

"Hayop ka Maximo!" tawang tawa kaming lahat dito sa balkonahe nang buksan ni Ama ang pasalubong na ibinigay sa kanya ni Tiyo.

"Matanda ka na kaya't iyan ang naisipan kong ibigay sa iyo." natatawang wika ni Tiyo habang iniaabot ang baston na pasalubong niya kay Ama.

Gabi na nang umuwi si Tiyo dahil napasarap ang kanilang kwentuhan kanina. Nandito na naman ako sa balkonahe ng aking silid habang minamasdan ang mga bituin. Sobrang ganda pa rin nila kahit napakarami nang mga nangyayari sa lupa.

Napatingin naman ako sa mga guwardiya sibil na nagiikot sa paligid, may iilan rin mga amerikano at pilipinong sundalo. Kahit papaano'y medyo payapa pa rin ang bansa kahit nasa ilalim na ito ng pamahalaang Estados Unidos.

"Heneral Ycasiano!!" rinig kong sigaw ng isang guardia. Nakita ko namang lumabas mula sa bahay ang aking kapatid.

"Dumating na po ang Kolonel..."

Hindi ko na narinig ang usapan nila nang biglang tawagin ako ni Ina mula sa labas ng kwarto. "Iza!! halika na't ihahatid na natin ang iyong mga kapatid sa labas."

Wala akong nagawa kundi ang lumabas na lang at sumama sa paghatid kahit mabigat pa rin ang aking loob.

"Izabelle, huwag ka nang malungkot ako'y babawi sa pasko." wika sa akin ni Ate Olivia habang niyayakap ako.

"Oo na po. Basta Ate mag-iingat ka at ikamusta mo ako kay Elena." nakangiti kong sambit.

"Makakarating iyan." aniya bago sumakay sa kalesa.

Pinag-masdan namin ang pag-layo ng kalesa na kanilang sinasakyan. Gusto ko rin sanang mag-madre kaso ayaw ni Ina at Ama dahil daw dapat isa sa mga anak nilang babae ay magkaroon ng isang pamilya.

Gabi na nang makatulog ako dahil sa dinami-dami kong naiisip at isama mo na rin si Kol. Vicente.Nagising na lamang ako nang biglang may tumamang maliit na bato sa aking ulo. Saan naman ito nanggaling?!

Mainit ang ulo kong bumangon at tinignan ang bato, napansin kong may papel na nakabalot dito. Tinanggal ko ito at nanlaki ang mga mata ko sa nabasa.

'Ang malalim mong tulog ay dapat lang istorbohin ng isang guwapong nilalang na tulad ko.'

At sino naman kayang baliw na nilalang ang magbabato ng sulat na ganito sa aking kwarto?! Isang tao lamang ang pumasok sa aking isipan. Si Miguel!!

Agad akong naligo at nag-ayos ng sarili bago bumaba upang mabigyan ng kurot si Miguel. Siya ay aking kababata at kilala siya sa bayang ito hindi lang sa kagwapuhan kundi pati na rin sa pagiging palikero. Kagaya ko'y nag-aral rin siya ng medisina sa Escuela Municipal de Manila na noong nakaraang taon ay pinalitan bilang Ateneo de Manila.

"Señorita nasa baba po si ginoong Miguel Hern---" nilagpasan ko lamang si Osmeng na aming kasambahay.

"Magandang Umaga!! Izabelle!!" masayang bati sa akin ni Miguel ngunit isang kurot ang iginawad ko sa kanya.

"Aray ko!!" reklamo nito pero hindi ko siya pinansin.

"Sinong may sabi sayo na ako'y isturbuhin mo sa aking tulog?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko naman ideya iyon. Iyang si Angelita ang may ideya." ibinaling ko ang tingin ko kay Angelita na aking matalik na kaibigan kaklase namin siya ni Miguel noong kolehiyo.

"Isang oras na kasi kaming narito sa inyong salas." wika niya.

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito ng sobrang aga?" tanong ko.

Nagkatinginan naman sila ni Miguel at sabay tumawa. Napatingin naman ako ng pabalik-balik sa kanilang dalawa.

"Binibini, hindi po ba'y kahapon pinasabi niyong pupunta kayo ng maaga sa pamilihan sa bayan ngayon?" bulong sa akin ni Shanang.

Napasapo naman ako sa aking noo bago mag-salita. "Tara na."

"Ulyanin." pang-aasar sa akin ni Miguel nang kami'y nasa kalesa.

Hindi ko na lamang siya pinansin at ibinaling na lamang ang aking atensiyon kay Angelita.

"Balita ko'y may gwapong kolonel na nakadestino ngayon sa ating bayan." kwento niya.

"Eh sino naman?" tanong ko.

"Hindi ko alam ang pangalan pero sa pagkaka-alam ko ay mula siya sa Bulacan." dagdag pa niya.

Mula sa Bulacan? Hindi kaya??

"Narito na po tayo." wika sa amin ng kutsero.

"Manong huwag niyo na po kaming hintayin." nakangiting inabot ni Miguel ang bayad sa kutsero.

Rinig na rinig mula sa mga tao ang usapan tungkol sa gwapong kolonel na mananatili sa aming bayan. Sino nga ba siya? Tama ba ang kutob ko?


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

: )

An Unexpected Love [BATC SERIES #2] (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now