CHAPTER 1

2.7K 42 2
                                    

Nasa labas kami ng room ng mga tropa ko. Grade 8 pa lang kami sa pinapasukang public school. Well, di naman kami ganon kaangat sa buhay para pumasok sa private school. Hindi naman kase basehan ang school eh basta matalino ka, isa ng malaking bagay yon para maabot mo ang pangarap mo.

Nasa labas kami at nagkwekwentuhan dahil first day of school year ngayon.By the way, Ako nga pala si Janica Hernandez,Nica for short, 14 years old pa lang.

"Luh?Diba yun yung Transferee?"agad kaming napalingon sa taong itinuro ni Lee Colien.Naglalakad ang isang lalaki na nakasuot ng malinis na uniform. Matangkad. Agad akong napalunok dahil shet! ang pogi.Walanjo!

"ah!Oo bago lang yan dito.Grade 10.Galing nga daw yan sa private pero nakick out kase gago daw.Walang siniseryosong bagay.Ang alam ko, Prince ang pangalan nya." Nakatingin pa din ako don sa lalaking naglalakad ng cool.

Isipin nyo. Naka Army cut na may lining na zigzag sa gilid. May ahit din sya sa makapal nyang kilay sa.Mabuto--May adams apple,pointed nose,maugat ang kamay at payat.Kahit naman payat sya ay may kaunting muscle ang mga braso nya. Malakas din ang hatak ng karisma nya. Hype beast kung tawagin.

Shet nag init ang dalawa kung pisngi. Grabe ang lakas ng appeal ng gunggong na to. May kwintas din sya na ang pendant ay skull.Belt bag lang ang gamit nya at imbis na blackshoes ay pang basketball na sapatos ang gamit nya na Nike.

"Oy,nica?angyare sayo?tulala ka na jan? Nalove at first sight ka sis?" Nanunuksong sinundot ni alliyah ang bewang ko.

"luh?namumula?"Paggatong ni Rose.

Inirapan ko na lang sila at hinawakan ang pisngi ko.Talaga bang namumula ako?Oh my!!! Kanina kase!ang lakas ng tibok ng puso ko nung makita ko yung bwiset na Prince na yon! Nakakakilig! ang cool nya maglakad! Grabe! Mamamatay ako sa kilig mga sis!

Kinabahan ako lalo ng lumapit sya sa akin. Matangkad syang tao pero pandak naman ako--atleast cute!hmp! Hanggang balikat nya lang ako. Nanlaki ang mata ko ng hawakan nya ang kamay ko at tanggalin iyon mula sa pagkakatabon sa muka ko.Shet! hinawakan nya ko mga sis!Nakakakilig!!ohmy!

Tumungo sya at pinagpantay ang muka naming dalawa.Namula ako lalo dahil sa lapit ng muka nya. Natawa sya na ikinataas baba ulit ng adams apple nya!

"Crush mo ko?" kinakabahan akong napatango. Ang bilis ng tibok ng puso ko. "Ilang taon ka na nga ulit?"

"ah--14 pa lang."sagot ko.Tumaas ang sulok ng labi nya.

"14 ka pa lang.17 na ako.Tapos crush mo ko?Pwede na nga kitang maging bunsong kapatid eh" Natawa ang mga kaibigan nya sa likod nya. May kirot akong naramdaman.Bunsong kapatid? gago ba sya? 2years lang agwat namin oy! Napahaba ang nguso ko habang namumula.

"Eh crush nga sabi kita"Nakapout na ako sa harap nya.Kita ko namang sumeryoso ang tingin nya sa akin. Umayos na din sya ng tayo at tinitigan ako mula ulo hanggang paa na ikinailang ko.

"Tss.Alam mo,ne?Wag puro crush ang intindihin mo.Matulog ka na lang ng matulog sa inyo.Kain ng madaming gulay. Sa height mo kase nagmumuka kang grade 3." Nagulat ako sa sinabi nya. Inilagay nya ang dalawang kamay sa bulsa at naglakad na papunta sa mga kabarkada nya.

What!?pang grade3 ang height ko?At tinawag nya pa akong 'NE' Means NENE!? shete! Grabe! kahit naman pandak na ko sa paningin nya ay cute ako!

"HOY KUYANG PAYATOT!PANDAK AKO PERO CUTE!IKACRUSHBACK MO DIN AKO!NOT NOW BUT SOON!" Sigaw ko.

Naghiyawan nanaman ulit ang mga tropa nya. I swear, mahuhulog din sya! Eh ano naman kung second year pa lang ako? duh! bat? grade 6 nga sa panahon ngayon, may mga jowa na! Tsaka age doesn't matter ika nga nila! Ipaglalaban ko tong feeling ko no!

"OO IKACRUSHBACK KITA"natigilan ako ng sumigaw sya pabalik. Lumakas lalo ang tibok ng puso ko.Ano daw? I kacrushback nya talaga ako? "NOT NOW BUT NEVER!"

Agad akong napasimangot.

CB lang,damot

At dahil naamin ko naman na na crush ko sya.Edi panindigan na!Naku!sa panahon ngayon di na pwede ang pamaria clara! Nasa loob kami ng canteen para ibili ng distilled water ang prince ko.Yep you read it right.Prince KO lang.

Pagkalabas namin ng canteen ay dumeretso na kami sa court dahil naglalaro sila ng basketball.Ilang araw na din ang nakalipas ng umamin ako at kalat na kalat na agad yon sa buong campus. Malamang issue agad yon. Maraming nagalit sa akin.Ang lakas daw ng loob kong umamin kay prince.Pake ba nila.

Time out na nila kaya naglakad ako papalapit sa mga tropa nya.Hindi naman intram pero araw araw silang dito nakatambay.Naglalaro lang basketball.Di ko nga alam kung pumapasok pa sila sa klase nila.Mga bulakbol kase eh!

"KUYA!"agad silang napalingon.Kita ko naman sa muka ni prince na medyo nainis sya. Akala nya siguro titigilan ko sya no? "Binilihan kita ng tubig."

Napasimangot sya "Tss.Bakit ka pa bumili? may sarili na kaming tubig dito."

"Eh ano naman!Inumin mo tong binili ko! Dali na! "nagpout at nagpuppy eyes ako sa harap nya.

"Ayoko,baka nilagyan mo pa yan ng gayuma"

"Luh?Bat naman kita gagayumahin,kuya?Di ko na kailangan yon!Sapat na ang kakyutan ko para mafall ka ng kusa sakin" banat ko.

Agad namang naghiyawan ang mga barkada nya.

"Kunin mo na pre.Masamang magpaiyak ng bata." Inirapan ko lang yung isa nyang tropa na ang lakas makapang asar sa akin.

Sinamaan nya ako ng tingin."Tatanggapin ko yan pero titigilan mo na ko.Deal?"

Medyo nagisip isip muna ako bago ngumisi sa harap nya. "Deal!" Agad nyang kinuha ang bottled water.

"Kuya inumin mo na para di ako lugi." Umiling iling naman sya at binuksan ang bote sabay inom non. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.Ang hot nya uminom!

Tumigil sya sa pag inom.Nasa kalahati na ang laman non kaya inagaw ko na. Nagulat naman sya sa ginawa ko. Sabi kase ni alliyah kapag parehas naglapat ang labi namin ni prince sa bunganga ng bote o baso parang nagkahalikan na din daw kami nun.

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon