CHAPTER 3

1.3K 22 1
                                    

Nakapangalumbaba lang ako sa kanya habang nagluluto sya ng ulam.Kanin lang kase ang binili namin kanina sa karinderya. Hindi ko nga alam kung bat Hotdog ang niluluto nya e tanghalian na.

"Kuya,nagugutom na ko!"Reklamo ko.

"Bat ba excited kang kainin ang Hotdog ko?" Ngiting aso nyang sabi. Mabilis naman akong namula.Shet? hotdog nya? Napalunok ako.

"Kuya,ano yung Hotdog mo? Jumbo ba o yung tig 3 lang na maliit?" Lumingon sya sa akin at ngumisi.

"Shempre,Jumbo."

"Ah--masarap yan kuya,Mabubusog ako."Medyo natigilan sya na ikinataka ko. Umupo na sya sa harap ko at naglagay na din ng plato.Naglagay sya ng ulam sa plato ko.

"Ang dapat sa Hotdog.Tinutusok."Nagulat sya sa sinabi ko at napainom ng tubig."Tapos pinuputol!"Agad kong pinutol ng kutsara ang hotdog. Bigla syang nabilaukan.

"Hanla,kuya!Ok ka lang?" Pumunta ako sa likod nya at hinagod iyon.Nang ayos na sya ay tiningnan nya ako ng Masama.

"Ang dapat sa hotdog.Isinusubo.Dinidilaan!" Bumalik ako sa upuan ko.

"Luh?Di mo lulunukin?Grabe.Kawawa naman yung Hotdog.Hanggang bibig lang hindi makakarating sa tiyan." Nagulat nanaman sya.Ano bang nakakagulat sa sinabi ko?

"Tss.Kumain ka na nga!"Agad nyang isinubo sa akin ang hotdog na nasa tinidor nya.Halos mabilaukan naman ako.

"Kuya,ang laki!"Namula sya sa sinabi ko.Kinilig ba sya don?Nasa bibig ko yung kalahati ng hotdog kase di ko manguya ng buo.Lumapit naman yung muka nya sa akin at kinagat yung kalahati ng hotdog na nasa labas ng bibig ko.

Namumula ako.Ang lapit ng muka nya sa akin.Habang paikli ng paikli yung hotdog na kinakain nya ay palapit ng palapit yung bibig nya.Hanggang sa maabot na ng labi nya ang labi ko.

Agad kong nginuya yung hotdog na nasa bibig ko at nilunok.Nagulat na lang ako ng ilapat nya ang labi ko sa labi nya.Natigilan ako at hindi makapagreact! Nagkiss kami! Patuloy lang sya sa pagsakop ng labi ko.Sinisipsip nya iyon.Grabe ang lambot at ang banayad ng paghalik nya.

Nung kumain kami sa kanila.Agad nyang binitawan ang labi ko kase late na daw.Sayang naman.Di ko sya nagantihan ng halik.

Biyernes ng hapon na at tinitingnan ko kung dadaan ba sya sa harap ng room namin.Wala ng masyadong estudyante kase bukas na ang gate pero heto ako hinihintay sya.Nakita ko namang dumaan yung kaklase nyang babae.

"Ate si prince po?"tanong ko sa kanya.

"Absent sya ngayon eh,bat? inaantay mo?" tumango ako. Bat sya absent? Ang bulakbol nya talaga!Yari sya sakin!

"bat po sya absent?"

"Ang alam ko,Birthday nya ngayon.Kasama nya yung iba pa naming kaklase sa kanila.Mag papainom daw sya."Nagulat ako. Bat hindi ko alam na bday nya? At hindi nya man lang sinabi sa akin?Mayayari talaga ang gunggong na yun sakin!

Nagpasalamat na lang ako kay ate at naglakad na.Umuwi muna ako sa bahay. Nagpalit agad ako.Nagsuot lang ako ng Over sized na shirt at itinak-in sa Maong na short.Nagsapatos na din ako.Pupunta ako sa bahay nya.Birthday nya pala ngayon ah!Nagpaalam ako kina mama na pupunta sa bahay ng tropa ko at magssleep over doon.Shempre.Palusot yun!

Nag tricycle lang ako papunta sa kanila. Di naman panget ang bahay nya.Nakatiles at maayos.Nasa tapat na ako ng bahay nya at rinig ko ang ingay sa loob.Siguradong yun yong mga barkada nya.

"Bat ka andito?ha?"Nagulat ako ng lumitaw sa gilid ko yung isa nyang tropa.

"Pake mo ba!Pupuntahan ko si prince!"

"Gago di ka pwede dito!"Napakamot sya sa ulo.

"Bakit naman ha?"Umiling iling na lang sya.

"Kulit mo!Lika sa loob.Andon sila.Nag iinuman."Hmp!lasenggo talaga ang lalaking yon! Yari sya sakin! Inakbayan nya naman ako.Hindi na ako pumalag kase baka pauwiin nya ako.Binuksan nya ang pinto at nabungaran namin sa sala nila ang mga case ng beer.Marami sila.Napadako ang tingin ko kay prince na may katabing babae.Lahat sila may mga katabing babae!

Nakapulupot yung kamay nya sa bewang nong babae at hinahalik halikan nito ang leeg nya.Parang may tumusok sa puso ko.

"Pre,may bisita ka."Sabi nung tropa nya.

Shet!ang saklap nung maabutan mong may pokpok syang nilalandi!Nagmumuka ng Club ng mga prosti ang bahay nya! Mga bastos!

Nahiya naman ako ng tumingin silang lahat sa akin.Nakaakbay pa din sa akin yung isang tropa nya.

"Pre.Ibalato mo na lang sakin to!tutal meron naman na kayo jan e"Mabilis na itinulak ni prince yung katabi nyang pokpok at tumayo.Madilim ang muka nyang lumapit sa amin.

"Gago!"Agad nya akong hinila.Mabilis naman akong nadala dahil maliit lang ako. Kinaladkad nya ako sa may kusina.Hindi ako umiimik dahil galit ako!Iba magalit ang pandak!Rinig ko naman ang kantyawan ng mga barkada nya.

"Pre.May condom pa dito sa box!Baka kailanganin nyo!"

Walang tao sa kusina dahil lahat sila nasa sala.May mga handa din sya doon.Agad nya akong hinila paupo sa monoblock nyang upuan.

"Tangina naman Janica!Ano nanamang pumasok sa kokote mo at pumunta ka pa dito!?"Galit na sigaw nya.Agad akong napayuko.Parang pinupunit ang puso ko.Ang sakit!Nanginginig na ako.

"Hindi naman kita inimbita!"Napahampas sya sa mesa.Hindi ako makapagsalita kase galit sya."Alam mo namang marami akong barkada pero-tangina lang! Pumunta ka dito ng ganyan lang suot mo!? Ang ikli ng short mo!"

"Bakit? may mahaba bang short!?"Agad na sagot ko.Nagsisisi akong sumagot pa ako dahil nagdilim lalo ang muka nya.

"Kumain ka na"Pinagsandok nya lang ako ng pagkain.Nakatiim bagang lang sya habang pinanonood akong kumain.Masama pa din ang tingin nya. Nang matapos akong kumain ay inilagay ko na yun sa lababo.

Tumingin ako sa relo ko.Alas-6 na ng gabi.

"Uuwi na ako."Sabi ko at tumalikod.Agad naman nya akong hinila.

"Ihahatid na kita."Nagsalubong ang kilay ko.

"Kaya kong umuwi ng magisa!"

"Isa,Janica wag mo kong sagarin!" Inirapan ko sya.

"Wag na sabi!Dun ka na lang sa babae mo!Uuwi na lang ako ng magisa!Mukang naabala ko kayo eh!"Galit syang napahilamos sa muka nya.

"Ano bang problema mo ha!?Ihahatid kita dahil delikado na sa daan!"

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Where stories live. Discover now