CHAPTER 40

848 17 0
                                    


Kanina pa umalis si vinz.Nakakalungkot pero hindi naman natin pwedeng turuan ang pusong magmahal ng iba diba? kung sino ang piliin nito,sa taong yun ka lang sasaya at magiging kompleto.

Nakaupo ako sa kawayan na upuan habang pinapanuod si prince at king na mag ihaw ng barbeque.Natawa ako dahil nakabusangot silang dalawa.

Lumapit ako sa kanila. "Bat kayo nakasimangot jan?"

Umirap si king. "Tss!Hindi kase magawang lutuin ni papa ang barbeque!"

Tumingin sakin si prince."pinapaypayan nya kase yung charcoal kaya umaapoy!"

Natawa ako at nagpresintang ako na lang ang magluluto ng barbeque.Umalis naman si king at pumunta kay venom.

Napailing na lang ako ng maramdaman ang pagpulupot ng braso ni prince sa bewang ko.Hinalikan nya ang balikat ko.

"Nagugutom na ako,asawa ko."Napangiti ako at kinilig.

"Opo,mister ko.Wait lang kayo."Hanggang sa matapos akong magluto ay nakayakap pa din sya sa bewang ko.

Tinulungan nya akong maghanda ng pagkain at tinawag ang mga anak namin para mananghalian.

"Alam na ba ni king?"napatingin silang tatlo sakin at nagkatinginan.Hindi umimik si prince kaya pinanlakihan ko sya ng mata. Sumenyas sya kay king.

"Yes,ma.Noong nasa Thailand pa kami nina papa,alam ko ng mama po kita.Pero sinabihan ako ni papa na wag munang ipaalam sayo na alam ko na."Nanlaki ang mata ko.Nagkibit balikat na lang si prince.

Binato ko ng stick si prince."Walanjo! at pinahirapan mo pa talaga ako noon ha!"

Natawa sya."Sorry na.Ilove you na."

Nagsalubong ang kilay ko habang namumula.Padabog ko syang sinubuan ng pagkain.

"Ayan!mabulunan ka sana!"

"Wag ah!Kapag natuluyan ako,mabubyuda ka ng maaga." inirapan ko sya.Inilapit nya naman ang kutsara sakin at sinubuan ako.

"May binili akong damit sayo.Andon sa loob,suotin mo yun mamayang gabi." Umirap lang ako.

"Di mo suotin."

"Kung ayaw mong suotin,edi ako magsusuot sayo.Walang problema sakin basta may premyo."kumindat pa sya na ikinalaki ng mata ko.Ang manyak! "Isang piraso ng damit katumbas ay 1 round"

"King!Saluhin mo dali!"sigaw ko ng paluin ni prince ang bola at pumunta ito sa gawi ni king.

Naglalaro kami ng volleyball.Si prince at venom ang magkakampi at kami naman ni king.Hindi ako makapag concentrate dahil nakahubad ang pangitaas si prince.

"Baby ko,kapag nanalo kami ni venom!Kayo ang magsisilbi samin hanggang mamayang gabi." napasimangot ako.Kinakabahan ako sa salitang 'silbi'

"At kapag nanalo kami ni king,wag kang tatabi samin matulog!"Napangisi sya.

"Lets see.Wala na kayong pagasa dahil mas lamang kami ng score."Napaseryoso ako.

Nagpatuloy ang paglalaro at ano pa bang aasahan nyo.Nanalo ang team ng mag amang payat! Lumapit sakin si prince at ninakawan ako ng halik sa labi.

"Ang yabang nito ay!bat mo ko ninakawan ng halik!Di naman tayo bati!" natawa sya at niyakap ako.

"Anong hindi bati.Natalo ka lang sa laban,napikon ka na."Sinimangutan ko sya.

"Dapat hinayaan mo na kaming manalo!nakakainis ka!"Humiwalay sya ng yakap.

"Kung natalo ako,edi hindi kita makakatabi?"Inirapan ko lang sya at tiningnan ang mga batang ngayon ay lumulusong na sa tubig.

"Intindihin mo yung mga anak mo!Pag yun nalunod,ikaw ang lulunurin ko!"

"Lulunurin saan?sa pagmamahal mo?"Hinampas ko sya.

"Maging seryoso ka naman!"

"Bakit?seryoso naman ako sayo ah.Ikaw lang hindi--"

"isa pang banat mo,babanatan kita jan! Puntahan mo na yung mga anak mo!dali! bago pa kita mapa--"

CHUP!

nanlaki ang mata ko ng mag'smack' sya sa labi ko.Mabilis syang tumakbo papunta sa mga bata.Namula ako.

"Mamaya mo na ko banatan!Yung banat na mapapaungol ako."Nanlaki ang mata ko at lalo akong namula.Kahit kailan talaga,ang manyak nya! Nakakainis!

Tinaasan ko sya ng kamao "Ipapakulong kita!magnanakaw ng halik amp!"

"Magpapakulong ako!Basta sa puso mo!" Kinindatan nya ako.Inirapan ko sya para itago ang kilig.para akong teen-ager! "Asawa ko!"

Tumingin ako sa kanya.

"oh bakit nanaman!?"

"wala!tawag lang."

"Asawa ko!"

"ANO!?"

"Iloveyou one hundred thousand million billion trillion!"

Sinuot ko na ang bistidang kulay puti na pinasuot sakin ni prince.Gabi na rin at nasa labas sina prince.Lumabas ako ng cottage ng makitang si venom lang ang nasa labas.

"Venom,asan ang papa mo?" tumingin sya sakin at ngumiti.

Hinila nya ako papaluhod sa kanya at naglabas ng panyo.Itinali nya ito sa mata ko.

"Teka?bat kailangan nakablind fold ako?" hindi sya umimik at hinila ako.Naglakad kami sa buhanginan.Sobrang tahimik ng paligid at kinakabahan ako. "Venom saan mo ba ko dadalhin ha?"

hindi sya umimik.Ilang minuto lang ay tumigil na sya sa paglalakad.Kinabahan ako lalo ng bitawan nya ang kamay ko.

"Venom?asan ka?!" tinanggal ko ang piring ko at unti unting iminulat ang mata ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang isang maliit na cottage.May kalayuan ito sa resort.Wala itong dingding at puting kurtina na silag lang ang nagsisilbing dingding nito. May kama sa loob at lampshade. May bonfire sa harapan at binakuran ang palibot ng cottage ng bakod na gawa sa puting tela.

Nanlaki ang mata ko ng makita si prince na may hawak na gitara.Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.Nagpluck na sya ng string at nagsimulang tumugtog.

"Oh kay sarap sa ilalim ng..kalawakan..
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan.."

Maganda ang boses nya.Mas lalo akong nahuhulog sa kanya.Para akong maiiyak na ewan sa sobrang saya.

"Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan..nating dalawa..nating dalawa ah.."

Itinaas ko ang mukha ko para pigilin ang luha.Sobrang daming bituin sa langit at maaliwalas ang gabi.

Kinakanta nya ang paborito kong kanta na 'KALAWAKAN'. Ang sarap sa pakiramdam kapag kinakanta ng taong mahal mo ang paborito mong kanta. Titig na titig sya sakin.

Nakita ko naman si king at venom na kinukuhaan kami ng video.Kilig na kilig sila.

"Tanaw pa rin kita sinta..kay layo ma'y nagniningning..mistula kang tala.."

Nililipad ng hangin ang dress ko.Nakangiti ako ng matamis sa kanya.Tama nga si vinz.Magiging memorable ang gabing to para sakin.Sana di na to matapos pa.

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon