CHAPTER 12

1K 12 0
                                    


agad kong idinial ang no. ni prince. Sinagot naman nya agad iyon.Grabe.Miss na miss ko na sya! Gusto ko na syang yakapin.

"H-hello?"

"Baby ko?Ok ka lang ba?sinaktan ka ba ng papa mo?Baby ko..miss na miss na kita! Kung pwede lang akyatin ang bahay nyo Gagawin ko makasama ka lang ulit!" Mas lalo akong kinilig.Ang lalaking to! Nasa ginta na nga kami ng pagsubok kung ano ano pang kalokohan ang sinasabi.

"Prince..miss na miss na miss na kita."Napaiyak na ako.

Rinig ko din ang basag nyang boses sa kabilang linya. "Nica.Ipangako mo sakin na hanggat hindi ako sumusuko,wag na wag ka ding susuko. alam ko mahirap to dahil pamilya mo ang kalaban natin dito pero tangina--ayokong mawala ka sakin!"

Tulo na ang luha at sipon ko.Deserve ng lalaking to ang ipaglaban.Ipaglalaban ko sya! kahit anong mangyari! Deserve ng mga daks ang ipaglaban!

"Prince..wag na wag kang susuko sakin! Mahal na mahal kita.Gusto na kitang makasama."

"Mahal na mahal din kita." Shet! Yun ung salitang matagal ko ng inaantay mula sa kanya!

"Prince..ano ng gagawin natin?" Tanong ko.

"Mag impake ka na." Nanlaki ang mata ko.

"h-ha? a-anong sabi mo?"

"Pupunta ako mamaya sa labas ng bahay mo. Itatanan kita." Kinabahan ako sa sinabi nya.

"Prince! Alam mo ba yang sinasabi mo ha?delikado yun---"

"Wala akong pakialam! kahit pa ikamatay ko! Kukunin kita!Ayokong ilayo ka ng mga magulang mo sakin! Ikakasira ng ulo ko pag nangyari yun!" bumilis ang tibok ng puso ko.

Kahit nagdadalawang isip ay pumayag ako." okay. Aantayin kita dito mamaya."

Pinatay nya na ang tawag. Nanghihina akong sumandal sa dingding. Magtatanan kami? Saan naman kaya nya ako dadalhin? Paano na sina mama pag nawala ako? ayoko silang iwan dahil mahal ko sila at malaki ang utang na loob ko sa kanila

pero

Paano naman si prince? Paano ang lalaking sobrang mahal na mahal ko at pinag alayan ko ng kainosentehan ko?

Paano na kami?

Agad akong tumayo at kinuha ang bag ko. Kumuha ako sa cabinet ng konting damit.

12:58 na ng gabi. Biglang tumunog ang cellphone ko.Kahit na antok na antok ako ay inantay ko pa din sya.Nabuhayan ako ng loob ng makitang tumatawag sya. Agad ko yung sinagot.

"Ready ka na?" Agad na bungad nya sakin. Napakagat labi ako.

"O-oo,san ka na?"

"Nasa labas ng bahay nyo." Agad akong tumayo at sinakbit ang bag ko.

"Antayin mo ko jan.Lalabas na ko." Bukas ang pinto ng kwarto ko kaya madali akong nakalabas. Walang ingay akong naglakad. Doon ako dumaan sa pinto sa likod para hindi ako mahuli.

Sana maintindihan nina mama to.Alam ko mali, pero kung ilalayo nila ako kay prince. Baka buong buhay ko magtanim ako ng sama ng loob sa kanila.

Agad kong nakita si prince sa may kalsada kung saan walang street light. May bitbit din syang bag. Nakahoody Jacket, cap at Jogging pants na sya.

Agad akong tumakbo sa kinaroroonan nya. Sinalubong nya ako ng yakap. Shet! ang bango nya! Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Miss na miss na kita,baby ko." Napangiti ako.

"Imissyoutoo" Agad nya akonf hinila at isinakay sa motor.

"San tayo pupunta?" Tanong ko. Sinimulan nya ng paandarin ang sasakyan. Lumingon sya.

"Iuuwi kita samin." Naguluhan ako.

"San yun?"

"Malalaman mo din. Iyakap mo yang braso mo sa bewang ko,baka mahulog ka." Sinunod ko naman ang utos nya.

Ilang oras din syang nagdadrive at nakasandal ang ulo ko sa likod nya. Napapapikit din ako pero di ko hinahayaang makatulog ako dahil baka ako mahulog sa motor.

Nagsisimula na ding lumiwanag ng itigil nya ang sasakyan nyang motor sa isang bahay. Maganda ang pagkakagawa nito at second floor. May nakaparada ding sasakyan doon at mukang may kaya ang nakatira.

"Bumaba ka na." Antok na antok akong bumaba ng motor. Pinahawakan naman nya sakin yung bag nya at bumaba din. Binuksan nya yung gate at ipinasok yung motor.

"Kaninong bahay to prince?" Ngumiti lang sya at hinila ako papunta sa loob. May kinuha syang susi sa bulsa at binuksan ang pinto.

"Pasok ka,baby ko."

Naglakad kami sa kusina at nadatnan namin ang isang lalaki doon na nagtitimpla ng kape. Siguro ay nasa 40+ na ang edad nito. Masasabing gwapo ito nong kabataan nya.

"Pa!" Nanlaki ang mata ko.Papa nya yun!

Gulat namang tumingin sa amin yung papa nya.Napangiti ito ng malawak.

"Prince!Sa wakas!Umuwi ka na!" Niyakap nila ang isat isa. So? May kaya naman talaga si prince? muka lang hindi?

Napayuko ako ng bumaling ang tingin nung papa nya sa akin. Nakangiti ito. " Oh, anak. Girlfriend mo ba?"

Lumapit sa akin si prince at inakbayan ako. Shet nakakahiya!

"Hindi po,pa." Parang tinusok ng kutsilyo ang puso ko. Hindi nya ko jowa pero mahal nya ko? "ASAWA ko po."

Nanlaki ang mata ko.Luh? Asawa? eh hindi nga kami kasal! may saltik na sya sa utak!

Tumango tango ang papa nya. "Hmm,manang mana ka talaga sakin,nak. Magaling ka pumili ah! Ano? Naka bull's-eye ka na ba?"

Namula ako. Ang awkward!

"Shempre naman,pa!" Namula ako sa hiya.At talagang sinabi nya pa ha! yari sya sakin mamaya.

"Hmm."Tumingin sa akin ang papa nya. "Welcome ka sa family,iha. Itatanong ko lang sana kung dinadala mo na ba ang apo ko?"

Mas lalo akong namula! Shet! agad agad!?

"Haha.Wala pa,pa.Antayin nyo lang.Sige,pa.Akyat na kami sa kwarto ko.Gagawa pa kami ng apo nyo eh!" Kinurot ko sya sa Bewang.

At talagang hindi man lang sya nahiya sa papa nya!Jusko!

"Hmm.Okay.Gusto ko quadruplets na agad ha?Galingan mo,nak." Pinalo sya ng papa nya sa balikat.

Hiyang hiya na ako! Eeeh!

Nang naglalakad na kami sa hagdan ay sinamaan ko sya ng tingin.

"Bakit nanaman,baby ko?"

"Alam mo bang nakakahiya ka kanina! Masisipa talaga kita!" Tumawa sya at ginulo ang buhok ko.

"Wag kang mag alala.Alam na ni papa to.Tsaka totoo naman lahat ng sinabi ko kanina." Namula ako. Kainis sya!

"Eeh!Nakakahiya!"

"Pft!Inaantok ka na ba?" Tumango ako.

"Bakit?"

"Gawa muna tayo ng apo ni papa." Nanlaki ang mata ko.Ang Manyak nya talaga!

"Tigil tigilan mo ko,flores!"

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon