CHAPTER 21

807 17 0
                                    

Makita ang papa mo na nag hihirap dahil sa katigasan ng ulo mo ay parang pinapatay ka na sa sakit.

Magkaharap na kami ni papa ngayon. Seryoso syang nakatingin sa akin.Nahihiya ako sa ginawa ko.Nang dahil sa akin! naging miserable ang buhay nya!

"Pa.."

"Ano't may mga pasa ka sa katawan!? Wag mong sabihing kagagawan yan ng lalaking sinamahan mo! Hindi ko alam kung saan kami nagkulang.Pinalaki ka namin ng maayos hindi para saktan lang ng lalaking yun!" Napaiyak ako.

"pa..sorry po." Ayoko munang sabihin sa kanila na may anak na ako.Ayoko silang biglain! Natatakot ako.

"Kung nakakalakad lang ako!Papatayin ko ang lalaking yun!" mas lalo akong naiyak. "Ilang buwan kitang inintay.Nagbabaka sakaling uuwi ka.Hindi mo ba namiss ang papa?hindi mo ba ako yayakapin?"

Gulat akong napatingin sa kanya.Nakadipa na ang mga braso nya at sinasabing yakapin ko sya.Agad akong napaluha at niyakap sya ng mahigpit.

"papa.." Natawa sya at hinimas ang ulo ko.

"Akala ko kinalimutan mo na kami,nak. Patawarin mo ako.Nang dahil sa kagustuhan kong ilayo ka sa lalaking yun ay nagawa nyong magtanan.Sobrang nag sisisi ako.Kung hindi ko lang kayo hinadlangan--" Naiyak na sya.

"papa..Ako po ang may kasalanan.Nang dahil sa katigasan ng ulo ko ay naaksidente kayo.Sorry talaga pa.." Humiwalay sya ng yakap.

"Babalik ka pa ba sa kanya?" Kinabahan ako.Baka pigilan nanaman ako ni papa. " Kung babalik ka na sa kanya ay isama mo sya rito.Hindi na ako hahadlang sa inyong dalawa.Kakausapin ko lang sya at pagsasabihan dahil umuwi ka dito ng may mga pasa.Ikakasal ko kayo."

Doon na bumuhos ang mga luha ko. Sobrang saya ko.Hindi ko to maimagine na mangyayari to.

"papa.thank you! salamat po papa!mahal na mahal po kita!" Niyakap ko ulit sya.

"Pero pwede bang dito ka muna ng isang linggo? namiss ka namin ng mama mo." Tumango ako. Natatakot ako kay prince at nag aalala kay king pero sa ngayon, malaki pa ang atraso ko kana papa kaya uunahin ko muna sila lalo na at okay na kay papa ang lahat.

"PA!MA!LALAKAD NA PO AKO!" paalam ko kana mama.Ngayon na ang araw na

babalik ako kana prince.Sobrang excited ako dahil sa wakas!wala ng hahadlang saming dalawa.

Mabubuhay na kami ng masaya kasama si king.

"Ge nak!ingat ka ha!" Lumabas na ako ng bahay.Agad akong sumakay ng tricycle at nagpahatid papunta sa bahay ni prince.Kinakabahan ako at masaya.Halo halong emosyon ang nararamdaman ko.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay nina prince ay mukang tahimik ito. Kinakabahan ako na baka galit sa akin si prince dahil sa ginawa kong pag alis ng walang paalam.Pero okay lang na bulyawan nya ako dahil magandang balita naman ang sasabihin ko sa kanya.

Bukas naman ang gate at pinto na ipinagpasalamat ko.Walang tao sa kusina. Umakyat ako sa kwarto dahil baka natutulog lang sila.

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay hinawakan ko na ang door knob at pinihit iyon.

"ooooohhhh...ahhhh..sige pa...prince... harder!"

Napatigil ako sa akmang pagpasok.Nanginig at tumindig ang balahibo ko dahil sa narinig.

"shit! Im near! baby ahhhh..faster! oohhhh ang sarap nyann..ahhhh"

Ramdam ko ang pagkawala ng luha ko. Parang sinaksak ito ng isang daang beses ng kutsilyo dahil sa sakit.

Hindi ako makapaniwala na kayang gawin to ni prince sa akin.Kaya pala pinatuloy nya si vanessa dito ay para sa kataksilan nila!?

Nanghihinang napasandal ako sa pader. Paano nya nagawa ang bagay na to sakin?

Ang maingay na ungulan nila ay parang pinapatay ako.Sobrang sakit! Akala ko mahal na mahal nya ako.Bakit nga ba ako nagpakatanga!?

Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan. Ayokong makita pa ang kababuyan nila!

Mabilis akong nakauwi ng bahay at si mama agad ang sumalubong sa akin.

"Nak? anong nangyari? bat umiiyak ka?" Umiling iling ako at niyakap sya ng mahigpit. Ang tanga ko!

"ma!Ang tanga ko!sana naniwala na lang ako kay papa!ang sakit sakit ma!Naabutan ko sya na may.." mas lalo akong napahagulgol hindi ko kayang sabihin kay mama. "Niloko nya ako ma! Niloko nya ako!"

Bumalik ako sa bahay nina prince para kunin ang anak ko.Desidido na akong hiwalayan sya.Ayoko ng magpakatanga pa sa kanya! kaya kong buhayin mag isa ang anak ko kahit walang ama ang magsusustento sa amin.

Kinakalabog ko ang gate at tinatawag ang pangalan ni prince pero agad nag init ang ulo ko ng lumabas ang higad na vanessa na yun!

"Oh?andito ka na pala?Bat ka bumalik?Sana hindi ka na lang bumalik,duh! ang saya na namin eh!" Binuksan nya ang gate at ngumisi sa akin. "Ang tanga mo din kase. Umalis ka pa---"

PAK!

sinampal ko sya na ikinagulat nya. "Hindi ikaw ang kailangan ko! nasaan si prince! kukunin ko na ang anak ko sa kanya!"

Natawa sya. "Hmm..wala sila dito.Namasyal sila.Tsaka bakit mo ilalayo ang anak nya sa kanya?Wala ka talagang kwentang ina! Iniwan mo na nga si prince, kukunin mo pa ang anak nya sa kanya. Hayst! Ganyan ang mga napapala ng mga maagang lumalandi eh!"

Galit ko syang tiningnan.

"Wala akong panahon para makipagtalo sayo!sabihin mo na lang sakin kung nasaan sila!" Tumawa lang sya.

"At Anong akala mo?Sasabihin ko? oh come on! Umalis ka na nga! Masaya na kami ni prince at hindi ka namin kailangan! Umuwi ako dito para makasama sya tapos maabutan ko na lang na may asawa na sya! Bat ba ang landi mo! Kami sana ni prince ngayon! Umalis ka na sa buhay namin!" Tinulak nya ako.

"Hindi ako aalis! aantayin ko sila dito!" matigas kong sabi. Dumilim ang muka nya.

"Umalis ka na!Hindi ka na mahal ni prince!Sinabi nya na saakin lahat! Ang tanga mo gurl!Pinag pustahanan ka lang ng mga kaibigan nya! Hindi ka nya mahal! Kaya umalis ka na at wag ka ng magpapakita!" Tinulak nya ako palabas ng gate.

Shit!dobleng sakit! pusta? Pumusta lang sya!?tangina! sobrang sakit!

Napaiyak na ako.Hindi ko alam pero parang nawalan na ako ng pag asa na muli pa kaming mag kakaayos! ang sakit!

Umuwi ako sa bahay ng hinang hina.Pagod na pagod ako.Pakiramdam ko mamamatay ako kapag hindi ko sila nakasama.

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Where stories live. Discover now