CHAPTER 29

823 16 0
                                    


Alam nyo yung gustong gusto kong sabihin kay prince na 'Demonyo ka!Kung alam mo lang na may anak ka pa sakin!' pero nakakaduwag!baka kunin nya si venom sa akin.

Hindi muna ako dumalaw kay king dahil mas inuuna ko muna si venom.Parang nahahati na kase ang oras ko sa kanya. Habang sinasabayan kong maglaro si venom sa sala ng bahay namin ay may kumatok na lang.

Si mama na ang nagbukas nun at pinagpatuloy lang namin ni venom ang paglalaro.

"oh,nak.andito yung manliligaw mo."Nanlaki ang mata ko.Huli na ng mapigilan ko pa ang pagpasok ni vinz sa bahay namin.

Nabitawan nya ang dala nyang bulaklak at gulat na nakatingin sa amin ni venom.

"Ma,sino sya?" Tanong ni venom.Di ako makapagsalita.Buti na lang at pumunta si mama sa kusina.

"V-vinz!anong ginagawa mo di--"

"may anak ka?"Gulat pa din sya.Hindi naman siguro masama ang umamin diba? totoo naman.

"o-oo.Sorry,vinz hindi ko agad sinabi sayo."

"Okay lang.Tsaka wala naman akong karapatang magalit.Hinding hindi magbabago ang pagtingin ko sayo. Nakaka amaze ka." napangiti ako.Akala ko magagalit sya at huhusgahan nya ako.

"V-vinz!thank you!" nayakap ko sya sa sobrang tuwa.Niyakap nya din ako pabalik kaya napahiwalay naman ako sa gulat.

Lumapit sya kay venom. "Hi! anong name mo?" Tiningnan sya ni venom.

"My name is lord Venom Flores."kumunot ang noo ni vinz.

"Flores?" Yung apelyido pa rin ni prince ang ginagamit ni venom kahit hindi kami kasal. Sya pa din kase ang ama ni venom kahit pagbalikbaliktarin ang mundo.

"uhmm oo,wag ka sanang mabibigla pero" kinagat ko ang labi ko. "anak namin sya ni prince." Parang natahimik sya.

Hinila ko sya palayo kay venom.Ayokong itago ito sa kanya. Sinabi ko lang na anak namin ni prince si venom at hindi ito alam ni prince dahil may iba ng mahal si prince.

Ngumiti lang sya. "Tanggap kita." parang hinaplos ang puso ko.

Tumingin sya kay venom."hanggang kelan mo sya itatago?"

"hindi ko alam."napangiti ako ng mapait. "natatakot akong ilayo sya sakin ni prince."

Lumapit si vinz kay venom at nginitian ito.

"Venom,im Tito vinz.Gusto mo bang mamasyal?" nanlaki ang mata naming dalawa ni venom.Hindi ako makapaniwala na gagawin to ni vinz!

"Talaga,tito vinz!?kasama ba si mama?" Tumingin sa akin si Vinz.

"Oo naman.Ano tara?" bago pa ako makapag react ay nasa harap ko na si vinz at venom.Buhat nya na ito. "Magbihis ka na. Let's pretend na asawa kita at may anak tayo.Ipapasyal ko kayo."

Mas nadoble ang gulat ko.Gusto ko mang kiligin pero ayaw ng puso ko! Bwiset!sana si vinz na lang!

Nagbihis na ako at lumabas.Sumakay kami sa kotse nya.Sobrang saya ni venom dahil papasyal kami.Ilang minuto pa ay itinigil ni vinz ang sasakyan nya sa isang perya.

"Ma,gusto kong sumakay ng ferries wheel!" itinuro agad ni venom ang nakita nyang ferries wheel. Bumaba na kami at inalalayan ni vinz si venom.

"Gusto mo don?o sige.Dun tayo sasakay mamaya pero punta muna tayo don!" Itinuro ni vinz yung roller coaster.

Buhat nya si venom.Nagulat na lang ako ng hawakan nya ang kamay ko.Pinapakiramdaman ko ang puso ko kung bibilis ba ang tibok nito pero hindi!

"AAAAAHHH!!!"

"WOOOOOOHHHH!" nang dumigil ang roller coaster ay doon ko pa lang napansin na sobrang higpit ng kapit ko sa kamay ni vinz.

Tatanggalin ko na sana ito ng higpitan nya pa lalo. "Please,imagine,ako ang asawa mo.Kahit ngayong araw lang."

Tumango ako kahit nagdadalawang isip.

Pumunta din kami sa isang photo booth at nagpa picture kaming tatlo.Masayang kasama si vinz pero mas masaya kung si prince at ang mga anak namin ang narito.

Marami pa kaming pinuntahan.Naglaro din kami ni vinz nung may pana at nakuha nya yung medium sized na panda at binigay nya yun sakin.

Kumain din kami ng mga street foods at panghuli ay ang ferries wheel.Nasa loob na kami nito.

"Janica?" Tumingin ako kay vinz.Katabi nya si venom. "are you still inlove with prince?"

Hindi ako nakaimik.Napaiwas ako ng tingin. Ayoko namang paasahin yung tao.Oo,mabait sya pero mas mahal ko si prince.

"yung totoo?oo,sya pa din.Mahirap kalimutan yung taong pinaglaban mo ng sobra.Pinagkatiwalaan mo at pinagbigyan mo ng lahat.Ika nga nila 'First love never dies' Mahirap nga talaga kalimutan yung mga first.Sorry talaga,vinz"

Ngumiti lang sya ng mapait.

"Naiintindihan kita.Nasaktan ako?oo kase yung taong ultimate crush ko noong high school ay may iba ng mahal.Nag aral akong mabuti para mapansin mo at nung araw na nabangga kita,sinadya ko yun para mapansin mo ko." Nagulat ako. "Sana naman janica,hayaan mo lang na iparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal.Kahit hindi mo na suklian. Ang tagal ko tong tinago,at pagsisisihan ko talaga na di ko to maiparamdam sayo." napaluha na sya.

Kahit ako ay naiyak.Sinong mag aakala na may isang taong minahal na ako noon pa? may taong inantay at tinanggap ako ng buo?

"Vinz.Salamat sa lahat.Sobrang laking pasasalamat sayo." Niyakap ko sya.

NASA loob na kami ng kotse nya at papauwi na kami sa bahay.Tulog din si venom.Kagaya sya ni gwight noong pumasyal kami ng mall.Parehas silang tulog pag galing sa pamasyal.

Nang bumaba kami ng kotse ay si vinz na ang nagbuhat kay venom. Binuksan ko ang gate at pumasok na kami ng bahay. Binuksan ko ang pinto at ganun na lang ang gulat ko ng makita si prince sa sala.

Napaatras ako.Nasa likod ko si vinz at venom. Napatingin din sa akin si prince at nagdilim ang muka nya.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang itsura nya.Dumudugo ang ilong nya at putok ang labi. Mukang nabugbog sya.

"Anong ibig sabihin nito?!" Hindi ako makagalaw.Parang napako ako sa kinatatayuan ko.Kahit si vinz ay nagulat din. Nakita ko namang sumilip si mama at papa sa pinto ng kusina pero agad ding umalis.

"p-prince.."

"hanggang kailan mo ko gagaguhin,janica!?"

Hindi ako nakaimik.Kinabahan ako na baka alam nya na! na baka kunin nya saakin si venom at ilayo din ito sakin gaya ng ginawa nya kay gwight.Halo halong emosyon ang naramdaman ko.

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Where stories live. Discover now