Epilogue 1

968 16 0
                                    


"Noong araw na sumigaw ka ng 'kuya,crush kita' alam ko na sa sarili ko na ikaw na yung babaeng ihaharap ko sa altar.Marami mang nangyari satin.Marami mang humadlang sa pagmamahalan natin,lumaban pa din tayo. Alam ko naging makasarili ako pero masisisi mo ba akong gusto ko lang na makasama kita.Binago mo ang buhay ko. Ako na ata ang pinaka swerteng lalaki sa mundo dahil nasakin ka.Mahal na mahal kita,baby ko." naluluha akong tumingin sa kanya.

Pinunas ko ang luha ko dahil baka masira ang make up ko.Nagispeech na sya. Ngayong araw ang pinaka espesyal na ganap sa buhay ko.Ang kasal ko kasama ang lalaking makakasama ko habang buhay.

Ginawa namin tong Beach wedding sa resort din na pinagstay-an namin nina prince bago ang kasal nila ni vanessa na hindi natuloy.

Ibinigay nya sakin ang mic.Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Hindi ko inakalang yung unang lalaking minahal ko ay ang maghaharap din pala sakin sa altar.Alam kong sobrang hirap ng pinagdaanan natin bago tayo makatungtong dito.Maraming nangahas na paghiwalayin tayo pero pinaglaban natin. Salamat sa lahat.Salamat dahil kahit nadisgrasya mo ako ng maaga,ikaw yung naging aral at inspirasyon ko.Mula noong unang araw na nakita kita hanggang sa huling araw ko sa mundong ito,ikaw lang ang mamahalin ko."

Naluha na sya.Sobrang gwapo nya sa suot nyang tuxedo.Mahaba na din ang dating army cut nyang gupit.Marami ng nagbago sa kanya pero hindi ang pagmamahal nya sakin.

Hanggang sa matapos ang kasal ay kasiyahan lang ang pumuno sa puso ko. Kumpleto ang buong pamilya namin.Hindi din alam ni prince na inimbita ko ang nanay nya.Alam kong galit sya dito pero alam kong mahal nya ito at kaya nya itong patawarin.

Lumapit na samin ang mga magulang namin.Nanlaki ang mata ni prince ng makita ang mama nya.

"Iho."may luha sa mga mata nito pero bakas ang saya. Hindi nakapagsalita si prince.Kaya hinawakan ko ang kamay nya.

"Hindi habang buhay,kailangan mong magtanin ng sama ng loob sa isang tao."

Pinunasan ko ang luha ni prince sa mata.Tumango ako sa kanya.Naiiyak nyang niyakap ang kanyang ina.

"Thank you,ma.Akala ko hindi na mahalaga sayo kung ikasal ako."natawa ang kanyang ina habang umiiyak.

"Hindi pwedeng hindi ako um-attend ng kasal ng pinakapaborito kong anak.Patawarin mo ako dahil iniwan ko kayo ng papa nyo." Tumalikod na ako sa kanila at hinarap si papa na nakawheel chair.

"pa.."ngumiti sya sakin.

"Kasal na ang prinsesa ko.Magiging dalawang lalaki na kami sa buhay mo,nak." niyakap ko sya ng mahigpit.

Nagpicture-an lang kami kasama ang mga abay pati na rin ang mga ninong at ninang.Mga flower girl,ring bearer at mga bisita.

Pero may isang taong gusto ko ng makasama at makita.Ang taong minahal ako ng buo,nagsakripisyo at naging daan para maikasal kami ni prince.

Napatingin ako sa dulo ng red carpet na nagsisilbing entrance.Nanlaki ang mata ko ng makita si vinz na nakasakay sa wheel chair.Nakangiti sya sakin.

Nangilid ang luha ko at tumakbo papunta sa kanya.Agad ko syang niyakap.

"Akala ko hindi ka makakapunta!" natawa sya.

"a-aray!wag mong higpitan ang yakap! masakit pa yung inoperahang sugat ko." Agad akong humiwalay sa kanya.

"sorry!" Lumapit na din samin si prince.

"Bro,late ka na."natawa si vinz ng sumimangot si prince.

"sorry naman!kinulit ko lang yung nurse ko na pumunta dito.Buti pinayagan kami ng doctor."inakbayan ako ni prince.

"Pano ba yan.Reception na lang,honey moon na namin." natawa si vinz.

"gago,pare!akala ko ba honeymoon na ninyo yung gabi bago kayo ikasal ni vanessa." nanlaki ang mata ko.Shit!? honeymoon na namin yun!? so pinlano nila to!?

"shempre,honeymoon part 1 namin yun.Yung part 2 mamaya pang gabi." kumindat si prince na ikinabusangot ko.

"Honey moon ka mag isa!" natawa silang pareho.

"Pano ba yan,vinz.Mukang excited na si misis gumawa ng magiging inaanak mo." naiiling itong pinaandar ang wheel chair.

Nang kaming dalawa na ni prince ay tinampal ko sya.

"Ano nanaman,misis ko?!"

"ewan!jan ka na"

Nang matapos ang reception ay agad akong isinakay ni prince sa kotse.Medyo gabi na rin.Pinag impake pa ko ni mama queen,ang mama ni prince ng damit.

Nang tumigil iyon sa isang village ay nanlaki ang mata ko.Pinapasok kami ng guard at ipinarada nya ito sa harap ng isang magandang bahay.

"prince!?bakit andito tayo?kanino to!?" ngumiti sya ng matamis.

"Edi bahay natin."nanlaki lalo ang mata ko.Nakabili na sya ng bahay agad agad!? Bumaba na sya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.Nang masakbit ko ang bag na hinanda ni mama Queen ay agad nya akong binuhat.

"prince!ibaba mo na nga ako!"tumawa lang sya at binuksan ang front door.Agad syang umakyat ng hagdan at dinala ako sa isang kwarto na may queen size bed. Dahan dahan nya akong inihiga.Akma nya akong hahalikan sa labi ng pigilan ko sya.

"Wait,baby boo.Maliligo muna ako.Remember?pagod tayo sa reception kaya nanlalagkit ako.Wait ka lang jan." napabusangot sya.

"Sabayan kita maligo,usto mo?" natawa ako at tumayo.

"wait ka lang jan..hmmm?" kinagat ko pa ang labi ko.kinuha ko ang bag at Naglakad na ako papunta sa isang pinto.Sunod lang ang tingin nya hanggang sa makapasok ako.

Huminga ako ng malalim.Jusko!parang nakakailang pala kapag bagong kasal kase hindi lang desire ang hawak nyo kundi love and desire.

Nagshower ako at nilinisan maigi ang katawan ko.Nang buksan ko ang bag ay halos manlaki ang mata ko ng makita ang nightie doon na kulay itim.Tinitigan ko lang ito at nagdadalawang isip na isuot.Kahit naman ata suotin ko yun ay makikita at makikita pa din ang tinatago ko.

Mas pinili ko na lang suotin yun at lumabas na.

Ang ilaw lang ng lampshade na kulay pula ang bukas.Nakita ko naman si prince na naka bathrobe na at nagsasalin ng champagne.

"prince..."mapang akit na tawag ko sakanya.Lumingon naman sya.Nanlaki ang mata nya at napaawang ang kanyang labi.Kulang na lang ay lumuwa ang mata nya.

"N-nica.."paos nyang tawag sakin.Kinagat ko ang labi ko at kinindatan sya.

"are you ready to rumble?"

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang