CHAPTER 11

1K 17 2
                                    

(Mamadaliin ko na pong tapusin to.Ilang kabanata na lang. Tapos na tong kina Nica at prince.Good luck!)

Ilang buwan na din.Hanggang ngayon tinatanong ko pa din sa sarili ko na Ok lang bang ganto na lang kami ni prince? Nasasaktan na ako pero hinihintay ko na lang muna sya na sabihin sakin yun.

Iniisip ko kung ano ba ko sa kanya? Kung laruan nya lang ba o parausan? Daig ko pa ang pokpok tangina!

Heto at tulog na tulog sya sa tabi ko dahil pagod na pagod kami sa ginawa namin kagabi. Nakaboxer lang sya habang ako ay nakashirt lang ng malaki.

Pinapayagan din ako ni mama na dito matulog,ewan ko kung bakit. Buti na lang nagtatrabaho si papa at lingguhan umuwi ng bahay.

Akma akong babangon ng yakapin ako ni prince at isiksik ang muka nya sa leeg ko.

"mmhh..good morning." Napangiti ako at hinaplos ang ulo nya. Hinalikan ko sya sa pisngi.

"Bumangon ka na!" Rinig ko syang umungol at lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

"Mm..maya na."natawa ako at tinampal ang braso nya. Sinimulan nya ng halik halikan ang dibdib ko ket may damit akong suot

"Naku kang lalaki ka.Katatapos lang natin kagabi ah! Di mo nga ko pinatulog." Natawa sya.

"Nakakaadik ka kase." Bigla akong natawa. Bumangon na din kami ng biglang May kumalabog sa pinto.

"JANICA!LUMABAS KA DYANG BATA KA!" agad nanlaki ang mata ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"s-si p-papa!" Parang hihimatayin ako sa takot. Nakita ko namang nagbihis bigla si prince at pinagsuot ako ng damit.

Niyakap nya ko at hinalikan sa noo. "Jan ka lang. Ako ng haharap sa papa mo."

Tumango ako. Anong gagawin ko!? galit na galit si papa.Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Baka mapatay ni papa si prince!

Pumunta si prince sa may pinto. Sumilip ako sa siwang ng pinto ng kwarto.Pagkabukas ni prince sa may pinto ng sala ay agad syang sinapak ni papa.

Nanlaki ang mata ko.

Natumba si sya at napahawak sa pisngi.

"DEMONYO KA!NASAAN ANG ANAK KO HA!?TANGINAMO IPAPAKULONG KITANG HAYOP KA!"

Tumakbo ako papunta sa pwesto nila ng makita kong binubugbog na ni papa si prince.

"PAPA!TAMA NA PO!"

Galit na galit ang matang nakatingin sa akin si papa. Inalalayan ko si prince na tumayo. Dumudugo na ang ilong nya.

"KELAN KA PA NATUTONG LUMANDI,JANICA!? NAGTATRABAHO AKO PARA MAPAG ARAL KA TAPOS ITO LANG ANG ISUSUKLI MO HA!? HINDI KA NAMIN TINURUAN NG MAMA MO NA MAGING GANYAN!" napapikit ako.

Pumapatak na din ang luha ko.

"AT IKAW!?" bumaling sya kay prince " PAG NADISGRASYA MO TONG ANAK KO!? MAY MAIPANGBUBUHAY KA BA!? NI WALA KA PA NGANG TRABAHO! ANG LAKAS NG LOOB MONG BATA KA! SOBRANG BATA NYA PA PARA MAGING INA! HINDI MO BA YUN NAIISIP,IHO!? "

nakayuko lang ako at umiiyak.Nang dahil sa kalandian ko.Napunta kami sa sitwasyong ganito! Pati si prince nadamay.

"papa, mahal ko po si princ---"

PAK!

halos umikot ang paningin ko ng sampalin ako ni papa. Nasalo naman agad ako ni prince.

"MAHAL!?SOBRANG BATA NYO PA PARA JAN!SANA NAMAN NAG ARAL MUNA KAYO BAGO KAYO GUMAWA NG MGA GANITO!"

"sir, kaya ko pong buhayin ang anak nyo." Nanlaki ang mata ko ng sumagot si prince kay papa. Kahit takot na takot ay nagawa ko pa ding kiligin."Mahal na mahal ko po ang anak nyo at wala po akong balak na takasan sya sakali mang makabuo kami."

Nagulat ako. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Bakit ngayon lang nya sinabi!? Nakakainis sya!

"ABAT BASTOS ANG BIBIG MONG BATA KA!" akmang sasampalin ni papa si prince ng pigilan ko sya.

"PAPA TAMA NA!"

"Sir,alam ko pong bata pa ang anak nyo. Pero kaya ko po syang panindigan. Ipaglalaban ko po sya hanggang kamatayan. Mag aaral po akong mabuti para patunayan sa inyo na kaya ko syang buhayin ng mag isa. At kung sakaling mag ka apo po kayo. Ako na hong bahala sa kanila. Wag po kayong mag alala dahil makakapagtapos pa din po si janica kahit na magkakaroon na kami ng pamilya." Napaluha ako sa sinabi ni prince.

Handa syang ipaglaban ako? Shett.

Hinila ni papa ang braso ko. "HINDI! hinding hindi ko ibibigay ang anak ko sayo! Wala akong tiwala sa pagmumuka mo! Mag kamatayan muna tayo bago mo sya makuha samin! Wag na wag mo ng lalapit ang anak ko kung ayaw mong ipapatay kitang hayop ka!"

Nagulat ako.Naiinis!Natatakot!nalulungkot! Nagagalit ako dahil ang sakit nung ang daming hadlang sa love story namin! Ang daming salitang 'hindi pwede!"

Tanong lang.Mararanasan ko rin ba yung salitang 'Pinagtagpo pero hindi tinadhana'?
I mean 'Nagkatikiman pero di tinadhana'?

shett ang sakit!

Kinaladkad ako ni papa palabas ng bahay. Lumingon ako kay prince at umiiyak na sya. Ayoko pa syang iwan pero kailangan.

Nang makauwi kami sa bahay ay doon na sumabog lahat ng galit ni papa. Ikinulong nya ako sa kwarto ko at dinig na dinig ko ang pag aaway nila ni mama. Umiiyak pa din ako dahil ilang ulit nya akong sinaktan ng makauwe kami.

Gusto kong tumakas at pumunta kay prince. Gusto kong umiyak sa kanya at tanungin sya kung bakit hindi kami pwedeng magsama?

Paano nga kung iwan nya na ako? Na hindi nya na ako ipaglaban? Na makahanap na sya ng iba at kalimutan na lang ako. Shet! Hindi ko maatim na isipin ang mga bagay na yun!

Maghapon lang akong nagkulong sa kwarto. Hindi ako kumain kahit pa tinatawag na ako ni mama. Kinuha nila ang phone ko kaya di ko macontact si prince.

"Janica?" napalingon ako ng makita si mama sa may pinto.Agad akong napalingon ng makita ang pasa nya sa pisngi.

"Mama.." Nagsimula na akong umiyak.Pati si mama nadamay pa. Ngumiti sya at inilabas ang phone ko sa bulsa nya. Nanlaki ang mata ko.

"Tawagan mo na sya,anak.Alam kong mahal na mahal nyo ang isat isa at walang makakapigil sa inyo." Yumakap ako sa kanya.

"Baka saktan ka nanaman ni papa,ma" Umiling sya.

"wag mo na kong intindihin. Kung mahal mo sya Ipaglaban mo. Sige na baka magising ang papa mo" Tumango ako.

Lumabas na si mama ng kwarto ko.

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Where stories live. Discover now