CHAPTER 30

857 16 0
                                    


Nanginginig kong kinuha si venom kay vinz. Nakatingin lang sakin si prince. Nakaramdam na ako ng takot.

"Vinz,umuwi ka na lang muna.Salamat sa pagpasyal sa amin."Umiling ito.

"No,janica.Dito lang ako----"

"Bingi ka ba?ang sabi nya umuwi ka na!" Nagulat ako sa pagsingit ni prince. Tiningnan ko si vinz.

"Sige na,please.Bukas na lang tayo magkita--"

"Hindi na kayo magkikita." naginit ang ulo ko dahil singit ng singit si prince.

"Ok.janica.Basta tawagan mo na lang ako kapag nay nangyayaring masama dito." Tiningnan pa ni vinz ng masama si prince bago ito lumabas.Nang marinig ko ang ugong ng sasakyan nya palayo ay dali dali akong pumasok sa kwarto namin ni venom.

Isasara ko na sana ang pinto ng mabilis itong naharangan ni prince.Malakas sya kaya nagawa nyang makapasok sa loob ng kwarto.Galit pa din sya.

Mabilis akong pumunta sa kama at inihiga si venom.Nakatingin lang si prince ng palitan ko si venom ng damit.

Tumingin ako kay prince at nakatingin na sya sa human sized na teddy bear na binigay nya sakin noon.Nakatabi pa din ito sa kwarto ko.

Lumapit ako sa kanya at hinila sya palabas.

"Sa labas tayo mag usap!" Lumabas kami at hinarap ko sya sa may sala. "anong ginagawa mo dito!?"

Dumilim ang muka nya. "Ako ba ang tatay ng batang nasa loob ng kwarto mo!?" Napaiwas ako ng tingin.

"Hindi, si v-vinz" shet! magpapalusot na nga lang yung malabo pa!

"Sige,Itanggi mo pa!Kitang kita naman na anak ko yun dahil kamukang kamuka ko sya!" Nag init ang ulo ko.

"Eh ano ngayon kung anak mo!?Wala ka ng karapatan sa kanya dahil iniwan mo kami! kung tinanggalan mo ako ng karapatan kay king pwes tinanggalan na din kita ng karapatan kay lord!" napaawang ang labi nya.

"A-ano!?Hindi mo to pwedeng gawin sakin!"

"Oh ano?anong feeling ng ipagkait sayo ang anak mo?Yang nararamdaman mo,naramdaman ko din yan noong pinagkakait mo sakin si king!" Napaluha ako.

Galit syang sinabunutan ang sarili nya. Tangna! 8 years ko tong tinago! At heto! nalaman nya na!

"At ano!?gagantihan mo ko dahil pinagkait ko sayo si king!?Janica naman!Hindi mo ba naiisip yung bata!?karapatan nyang malaman na tatay nya ko!" Tiningnan ko sya sa mata.

"At karapatan din ni king na malaman na nanay nya ko!" natahimik sya. Umiiyak na ako sa harap nya. "ano,prince!?lagi na lang bang ako ang iintindi sayo!?tangina nakakagago na!"

Nanghihina na ako.Sobrang nalulungkot ako. "Janica,please.Hayaan mong makasama ang anak ko.Handa akong magpabugbog sayo."

Ganitong ganito ako magmakaawa sa kanya noon.

"Sige.Hahayaan kong makasama mo sya pero hinding hindi mo sasabihin sa kanya na ikaw ang ama nya hanggat hindi mo sinasabi kay king na ako ang nanay nya. Maging patas tayo,prince."

Tumingin sya sakin. "S-salamat."

"Jan ka lang.May kukunin lang ako." Bumalik ako sa kwarto at kumuha ng panggamot sa sugat.Nang bumalik ako sa sala ay nakaupo na sya.

Humarap ako sa kanya at sinimulan ko ng gamutin ang sugat nya. "Sinong may gawa sayo nito." Napangiti sya.

"Ang papa mo."nanlaki ang mata ko. "Pumunta ako dito dahil namimiss ka na ni king.Tinatawagan kita pero busy ka pala sa vinz na yun at naiinis ako dahil imbis na ako ang kasama ng anak ko ay ang walangyang yun pa!" Sinamaan ko sya ng tingin.

Nagpatuloy na sya sa pagsasalita "Pagdating ko dito.Humingi ako ng tawad sa mama at papa mo at binugbog na ako ng papa mo kahit ganun ang itsura nya." Napaiwas sya ng tingin. "Sorry janica kung pinigilan kita noon na Umuwi.Kasalanan ko dahil itinakas kita."

"noon ay noon." Tumingin sya ulit sakin.

"Pero hanggang ngayon,galit pa din ako sayo." Nagtaka ako.

"bakit?" Nagdilim ang muka nya.

"Alam mo na sa sarili mo kung bakit." Mas lalo akong nagtaka.Wala akong natatandaang may ginawa akong mali sa kanya.

Tumayo na sya. "Uuwi na ako.Babalik ako bukas para dalawin ang anak ko." mabilis syang lumabas.Nanlulumo akong umupo sa sofa.

Ano ang ginawa ko sa kanya noon? Bakit ganun na lang ang galit nya sa akin? Para akong pinapatay sa sakit.

Naalimpungatan ako ng yugyugin ako ni venom.Nakahiga pa ako sa kama at natutulog.

"ma,gising ka na.May lalaking naghahanap sayo."

"mmhh...maya na,tutulog pa ko." at ipinikit ko ulit ang mata ko.Napuyat ako kakaiyak kagabi.

Pasalamat naman at hindi nya ako kinulit pa.Maya maya ang naramdaman kong may umupo sa gilid ng kama ko at halikan ang balikat ko. Naimulat ko ang mata ko at tumambad sa harap ko ang muka ni prince.

"Good morning,baby ko."nanlaki ang mata ko at Nagtaklob ng kumot.

Shit nakakahiya!baka puro laway laway tas mutain pa ko!

Natawa sya. "Maslalo kang gumanda kapag natutulog ka."

Sinipa ko sya ng mahina. "Bat ka ba pumapasok dito ha!Lumabas ka na!Shit! nakakahiya!"

Hinila nya ang kumot pero pinipigilan ko sya."ano ba!Tigilan mo yan!lumabas kana!"

Mas malakas sya sakin kaya nahila nya ang kumot.Nanlaki ang mata ko ng kubabawan nya ko. "Bumangon ka na,nasa labas ang mga anak natin." nanlaki ang mata ko.

"A-andito si king!?" tumango tango sya.

"hmm.kaya bumangon ka na jan kung ayaw mong gumawa pa tayo ng isa pang bata." Agad kong sinipa ang 'bagay' na nasa gitna ng mga hita nya.

"manyak!" Napahiga sya sa kama habang nakalagay ang dalawang kamay sa 'bagay' na iyon. Bumangon ako at dinampot ang unan pang self defense.

"aww!ouchhh!Balak mo ba akong baugin ha?Aish!Pano pa kita makakabuo kapag nabaog ako!?" nanlaki ang mata ko.

Pinaghahampas ko sya ng unan.

"Lumayas ka sa kwarto namin! Kaaga aga binubwiset mo ko!alis!mabaog ka na sana!" Agad syang bumangon at hinila ang kamay ko. Natumba kami sa kama at nasa ibabaw nya ako.

"Pag nabaog ako.Iiyak ka."nanlaki ang mata ko. Babangon na sana ako ng hapitin nya ang bewang ko. "Wala bang morning sex jan?"

Mabilis ko syang tinulak.

"Wag mo kong anuhin jan lalaki!Di nakakatuwa!" namula ako. natawa sya.

"Ang cute mo pa din pag namumula." nanlaki ang mata ko at napanguso. "Wag ka sabing ngumuso dahil natutukso akong laplapin ka."

Parang bumalik lahat.Parang bumalik lang kami sa dati.

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Where stories live. Discover now