CHAPTER 19

817 14 0
                                    


Hindi nya na ako kinakausap.Naging cold na sya sakin simula noong sinabi ko sa kanya na uuwi na ako.Gusto ko syang kausapin at sabihin sa kanya na 'hoy lalaki! ng dahil sa kalandian natin,naaksidente si papa!' pero di eh.Di ko magawa dahil ayaw nya yung pag usapan.

Ayaw nyang mawala ako sa kanya.Nakakainis sya!bat kase ayaw nya ko pakinggan! Hindi na din sya sweet sa akin!

Nasa sala sina prince at papa hernan at nilalaro si king. Ako naman ay nasa kusina at nagtitimpla ng gatas ng biglang makarinig ako ng tawag sa may gate.

Lumabas ako ng bahay at binuksan ang gate. Napataas ang kilay ko ng may isang babae don na nakatayo. Matangkad sya at maputi.Maganda din at mukang Materialistic.

"S-sino po sila?" Tinaasan ako nito ng kilay.

"Anjan ba si prince?" Kinabahan ako. Parang gusto ko na syang palayasin!

"ahm.Opo,sino po sila?"pag uulit ko.

"Im Vanessa. Prince's childhood best friend.Di mo man lang ba ako papapasukin? god! Kakauwe ko lang galing bangkok at pagod ako!Let me in!" Nagulat na lang ako ng itulak nya ko at pumasok.

Napayuko ako.Nakaramdam ako ng insecure sa kanya.Maganda sya at sya yung tipo ng babaeng perfect kay prince.

May dala syang maleta at bigla na lang pumasok sa sala.Sumunod naman ako.

"prince?yuhooo?" Napalingon naman sina prince.

Parang tinusok ng sampung karayom ang puso ko ng lumawak ang ngiti ni prince. Ibinigay nya si king kay papa hernan at sinalubong ng yakap yung vanessa.

"Hey,baby girl! Welcome back! ang laki mo na ah!Gumanda ka lalo." Ouch! Baby girl? gumanda ka lalo? Tangina para akong papatayin sa sakit at selos.

"Nah nah!Baby boy! ikaw din! lalo kang pumogi. Its been 5 years since i last saw you! I miss you a lot!!"

Napayuko ako ng tingnan nila ako.

"Who's she ba? ang tagal nyang buksan yung gate kanina" Tumawa si prince.

"Ang mainisin mo pa din.Si Janica,Asawa ko." Nanlaki ang mata nung vanessa.

"WHAT!? at your age?are you kidding?17 ka lang and look at her!She looks like a 10 years old kiddo!"

Ang sakit

Mas napapansin kong mas lapit si vanessa kay prince.Sobrang bossy nito at parang bata kung maglambing kay prince.Naiinis na ako sa kanya.Di na sweet sakin si prince dahil naaagaw ni vanessa ang atensyon nya.

Hindi ko pinapansin si prince dahil nagtatampo ako sa kanya.Mula kaninang umaga ay hindi ko sya kinikibo.

Nasa loob na kami ng kwarto.Si king naman ay hiniram muna nina papa hernan at tito fernan.Nakahiga ako sa kama.Hawak ko ang phone ni prince at naglalaro na lang. Tinanggal nya kase ang sim card nito kaya di ko din makausap si mama.

"Bat hindi mo ako kinikibo?" Bumaling ako ng tingin kay prince.Kakaligo nya lang at nakaboxer short lang sa harap ko habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok nya.

Hindi ko sya inimikan. "Ano bang problema mo ha?"

Di ko pa din sya nilingon.Nagfocus ako sa paglalaro. "Tangina!"

Lumapit sya sakin at padabog na kinuha ang phone nya. Nainis naman ako.

"Ano ba!Kita mo namang naglalaro ako!" Sinamaan nya ako ng tingin.

"Kinakausap kita!Hindi mo man lang ako pinapansin?Ano nanaman bang kaartehan yan,janica?" Gusto kong umiyak! Bat ganto na sya!?

"Kausapin mo yang sarili mo."

"Ano!?tinotoyo ka nanaman!?Pota naman oh! Nakakasawa na yang ugali mo!" Parang piniraso piraso ang puso ko. Nagtubig ang mata ko.

"Sawa ka na sakin?Dapat sinabi mo na noon pa!Hindi yung manlalamig ka na sakin! Ano na? angyare satin? dumating lang yung vanessa na yun! Sampid na agad ako sa buhay mo!" naguluhan syang tumingin sakin.

"Anong pinagsasabi mo?!"

"Totoo naman diba?Lagi na lang vanessa! Nakakainis na! Prince naman! Simula nung dumating yun! nahati na yung oras mo sakin! Sabihin mo nga, Gusto mo ba sya?"

"ano?! Alam mo janica? ilagay mo sa lugar yang pagseselos mo!Kababata ko lang sya---"

"Un na nga eh! kababata lang! asawa mo ko! pero bat parang sya pa yung asawa mo?" Naluha na ako sa harap nya. Ang sakit! Peste na yan! bat ba kahit anong tapang ko! kahit lumaban ako! Wala din kung nasasaktan ako! "Bat parang wala na lang ako sayo"

"JANICA!" napairap ako ng tawagin ako ni vanessa.Nasa kwarto si prince at binabantayan si king.Nasa kusina naman ako at katatapos ko lang maghugas.

Pumunta ako sa sala at andon si vanessa habang nanunuod ng Tv. "bakit?"

"Pwedeng pakikuha ako ng Soft drink sa ref? nauuhaw ako." Gusto ko syang sigawan pero anong magagawa ko? Mas matanda pa din sya sakin at kelangan kong rumespeto.

Bumalik ako sa kusina.Binuksan ko ang ref pero walang softdrinks dun.Kumuha na lang ako ng tubig.Tutal naman nauuhaw sya.

Bumalik ako sa pwesto nya. "What the!? Sabi ko soft drink hindi water! Bingi ka ba o sadyang tanga ka lang?" Nag init ang ulo ko.

"Eh wala ngang soft drink sa ref.Diba sabi mo nauuhaw ka? Edi tubig na lang." Tumalim ang tingin nya sakin.

"Marunong ka pa sakin?ha?Malandi ka!" Mas lalong nag init ang ulo ko.

"Hindi ako malandi! Baka nga mas malandi ka pa sakin at isang araw malaman ko na lang na ginagapang mo na ang asawa ko!" Nagulat na lang ako ng sampalin nya ko. Namanhid ang parteng yun.

"You!Ang kapal ng muka mong pagsabihan ako ng ganyan!Hamak naman na mas malandi ka dahil may anak ka na agad! I swear laspag na yang sayo!" Sinabunutan ko sya.Naiinis ako sa mga sinasabi nya!

gumanti din sya ng sabunot sakin.Sinampal pa nya ko ng isa.Maliit lang ako pero di ko sya hahayaan na ganituhin ako. Sinampal ko din sya.

Dinampot nya yung baso ng tubig at akmang ibubuhos yun sakin ng harangan ko sya at sya ang nabuhusan nito.

"ANONG NANGYAYARI DITO!" gulat kaming napatingin ng sumigaw sa prince. Papababa na sya ng hagdan.

Magsasalita na sana ako ng sumingit si vanessa.

"Look,prince!Binuhusan nya ako ng tubig at sinabunutan!Wala akong ginagawa sa kanya.Sinabi ko lang naman na ikuha nya ako ng maiinom pero binuhusan nya ko." Nanlaki ang mata ko at nagdilim naman ang tingin ni prince.

"Prince..Hindi yun totoo--"

"Prince!sakin ka maniwala! I think nagseselos sya sakin kaya ginagantihan nya ko! You know me well,prince.Di ko ugaling manakit ng iba."

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Where stories live. Discover now