CHAPTER 22

802 16 0
                                    


At gaya ng ginawa ko kahapon.Bumalik ulit ako.Kukunin ko ulit si King.Bahala na sila ni vanessa sa buhay nila!Basta makuha ko lang ang anak ko kahit hindi na si prince!

Sarado pa din ang gate kaya nagtawag na ako.Lumabas si papa hernan.Binuksan nya ang gate.

"papa hernan si prince po?" Ngumiti sya ng malungkot.

"Ano bang nangyari sa inyo,iha?Hiwalay na ba kayo?" Kinabahan ako. "Kahapon pa sila umalis ni vanessa.Sinama sya ni vanessa sa bangkok, sa thailand.Tinanong ko nga kung sigurado ba sya sa desisyon nya ang sabi nya,kung kukunin mo din lang naman daw ang anak nya sa kanya ay mas mabuting ilayo na nya si king sayo."

Halos mawasak ang mundo ko.Napaluhod ako at parang hindi ako makapag isip ng maayos.Paano nya naatim na ilayo sa akin ang anak ko?

Ramdam ko ang paghagod ni papa hernan sa likod ko ng humagulgol ako.

"Im sorry,iha.Wala na akong nagawa." Niyakap ko sya.

Nanghihina akong umuwi.Umalis na sila. Wala ng saysay ang buhay ko kung wala na ang anak ko. Nang makarating ako sa bahay ay dumeretso na ako ng kusina. Nanghihinang tumingin ako kay mama. Nang makita ko ang pinakukuluan nyang munggo ay parang bumaliktad ang sikmura ko at napatakbo ako sa Cr at doon sumuka. Sumunod naman si mama.

"Anak!ok ka lang ba?Kumusta ang pinuntahan mo!?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni mama. Ang nasa isip ko ngayon ay posible kayang buntis nanaman ako!?

Natatakot nanaman ako! Natatakot na baka ikamatay ko na ang panganganak ko ulit! Hindi ko kaya dahil wala si prince sa tabi ko!

"ma..sorry sa lahat.." Napahawak ako sa pader at tuluyan na akong bumagsak sa semento.Narinig ko pa ang pagsigaw ni mama at ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.

Kakayanin ko ba ulit? Bagong bata nanaman ang nasa sinapupunan ko. Gusto kong magalit kay prince at itanong kung bakit nasundan na agad! Grabe ang mga sperm nya!

Parang namuo ang galit ko sa kanya. Niloko nya lang ako.Inilayo nya ang anak ko at ngayon!Iniwan nya akong mag isa na may laman ang sinapupunan ko!?

Siguro nga,pinagtagpo lang kami ni prince pero di kami tinadhana.Hindi ko pinagsisisihan na minahal ko sya, na sumama ako sa kanya, na nabuo si king. Di naman kase ng pagkakamali ay maiba, Yung iba kase, Kung ano pa yung mali, yun pa yung nagiging aral mo sa buhay.

Sa paglipas ng panahon, natututunan ko na lahat.Mas nag mamatured na ako. Mas naging pursigido ako.

8 taon ang lumipas.Kamusta na kaya ang mag ama ko na hindi ko man lang nakasama ng mahabang panahon? Nalulungkot ako, nanghihinayang na lumaki si king na walang inang gumagabay sa kanya.At kung meron man, siguradong kulang pa din.

At the age of 22, heto ako,Nagmamanage ng Grocery store na napundar namin ni mama.Nag aaral na din ako sa collage. Nag pursigi akong mag aral kahit pa sobrang daming pagsubok.

"Aayyy!Vegies!?Mama naman!Ayokong kumain ng gulay!" Pinandilatan ko ng mata ang pangalawa kong anak.

"Eat!Wag ka ng magreklamo jan!" Napanguso sya.Natawa naman ako at nagsandok ng gulay sa plato nya.

Manang mana sya sa ama nya.Sobra sya kung magpacute at pasaway din sya.Sana naman hindi nya mamana ang kamanyakan ng tatay nya.

Si Lord Venom ang pangalawa kong lalaki. 8 years old na sya at matalino pero malikot na bata.Pilit ko syang pinapakain ng gulay dahil kagaya din sya ni prince na payat!

Sobrang thankful ko kay god dahil nakayanan ko syang dalhin at iluwal. Walang naging problema. Tinulungan din ako ni mama at papa na mag alaga sa kanya. Pinagtapat ko na din na may panganay akong anak, Si King Gwight.

Shempre,Nagalit sila.Hindi ko naman sila masisisi kung magalit man sila.

"Ma?" napatingin ako kay lord.

"hm?"

"May papa ba ko?" Nanlaki ang mata ko at parang nabulunan ako.Agad akong kumuha ng tubig.

"Ahm--shempre meron!Lahat ng tao may papa." Tumango sya.

"So where is he? Bat wala sya?Yung ibang classmate ko may mga papa pero i haven't!" Nasaktan ako sa sinabi nya. Kawawa naman ang anak ko.Hindi sya lumaki ng may amang kasama.

Napaisip ako.Asan na kaya sila?

Pinatulog ko na si Lord sa kama namin. Katabi ko syang matulog.Gusto kong lagi syang katabi para hindi ako lumungkot kapag naiisip ko si King at prince.

Nakaupo ako sa tabi nya at nagtitipa ng keyboard ng laptop ko. Maya maya pa ay nag ring ang phone ko. Tumatawag si papa hernan. Alam na din nya ang tungkol kay lord pero hiniling ko na wag nyang ipaalam to kay prince dahil baka kunin nya din sa akin si lord.

Lagi syang dumadalaw dito sa bahay. Inaantay ko na lang na bumalik ng pilipinas sina prince at kukunin ko na sa kanya si king.Miss na miss ko na ang anak ko.

"Bakit po?"

"Kamusta ang apo ko,ija?" Natawa ako

"Tulog na po!Sobrang napagod sa pag aaral! Kayo po?Gusto nyo po bang dumalaw kami ni Lord jan bukas?" Agad syang natahimik sa kabilang linya.

"Janica.." Naging seryoso ang boses nya na ikinakunot ng noo ko. "Umuwi na sila."

Napamaang ako.Hindi ako makapagsalita. Kaba,gulat at saya ang naramdaman ko. Parang biglang tumigil ang pag ikot ng mundo ko.

"Kakauwe lang nila nitong tanghali.Iha, Ang laki na ni king.Ang dami ng nagbago sa loob ng 8 taon." hindi ako nakaimik. Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko.

"Ija?"

"Kasama po ba si Vanessa?" Pakiramdam ko bumalik lahat ng ala ala ko noon. May namuong galit sa dibdib ko.

"Hindi pero susunod din naman sya pauwi." Naiyukom ko ang kamao ko. Sobrang daming tanong ang nabuo sa isip ko. Katulad ng..

Sila na ba? Nabuntis nya ba si vanessa? Kasal na ba sila? Si vanessa ba ang kinilalang ina ni king? Kinalimutan nya na ba ako? at.. Mahal nya pa ba ko?

Parang pinupunit ang puso ko. Pinatay ko na ang phone at umiyak.San ako mag sisimula? umaasa ako na maayos pa namin to ni prince pero malabo dahil parang sila naman ni vanessa ang may forever.

"Ma,bat ka umiiyak?" Agad kong pinahid ang luha ko ng magising si Lord. Ngumiti ako.

"Wala to,baby.Matulog ka na ulit." Bumangon sya

"Who made you cry?Bubugbogin ko sya!sabihin mo lang sakin,ma! I will punch the face of that shitheaded---"

"Lord Venom!"

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang