CHAPTER 27

829 14 0
                                    


Hindi ako nagpatalo sa sakit na nararamdaman ko. Tumingin ako kay vinz na ngayon ay seryoso ng nakatingin sa amin. "Wala ba akong pasalubong, vanessa? I missed you." Peke ko syang nginitian.

Mukang nainis sya sakin. "Tsk!Prince lets go--"

"Oh?We can share a table,kung di nyo sana mamasamain." Ngumisi ako.

"No,thanks--"

"Natatakot ka ba,vanessa na maagaw ko ulit sya sayo?oh come on" Nasiyahan ako ng makita syang mairita.

Ngumiti sya ng peke "No im not. If that's what you want,who am i to refuse?"

Umupo silang dalawa sa harap namin at nagpa order pa ng marami si vinz.Nagsimula na kaming kumain at pansin kong tahimik si prince.

"Kamusta na kayong dalawa?kelan ba ang kasal?" Tumingin si prince sa akin ng masama ng magsalita ako.

"Actually,nagpaplano na kami.Ikaw,janica? wala ka pa din bang boyfriend?fiancee?or asawa?" Tumingin ako kay vanessa.

"Wala pa.Alam mo na, single..Ready to mingle!" Pansin kong lalong humigpit ang kapit ni prince sa kubyertos.

"oh talaga?baka single ka kase balak mo pang balikan ang EX mo." Natawa ako.

"why would i?Hindi sya kawalan and marami namang mas better jan,diba Vinz?" Lumingon ako kay vinz.Ngumiti sya.

"Yeah.At kung sino man yung ex nya.Ang tanga nya kase pinakawalan nya pa si janica." Napangisi ako. Tumingin ako kay prince at madilim ang tingin nya sa akin.

"Oh prince?Bat ang tahimik mo ata? Mukang di mo kami gustong kasama? Gusto mo bang masolo si vanessa?" natawa ako. "Hmm,sabihin nyo na lang sakin kung nakabuo na kayo, gusto ko sanang magninang sa anak nyo."

Nabulunan si prince kaya binigyan agad sya ni vanessa ng tubig.Tiningnan ko sya ng malagkit.

"Prince,are you okay?" Hinubad ko sa ilalim ng mesa ang heels ko at pinagapang sa paa nya pataas sa binti nya. Kita ko ang paglaki ng mata nya. "Hey, chill.Masarap ba....yung pagkain?"

Hinimas ng daliri ng paa ko ang balat nya pataas sa binti pababa sa paa. Napangisi ako.Napatigil sya sa pagkain.

Tumingin si vanessa kay vinz.

"Sino ka naman?Date ni janica?" Tumingin sa kanya si vinz.Lahat kami ay napatingin sa kanya.

Ngumiti sya. "Im Janica's date and her suitor too." nagulat ako.Naibaba ko ang paa ko sa ilalim ng mesa.

Napatingin ako kay vinz na nakangiti na at nakatingin sa akin. "I decided to court her when she said that she dont have a boyfriend nor a husband when we met in the drugstore last night."

Nagulat na lang kami ng ibagsak ni prince ang kubyertos sa mesa. Parang nakaramdam ako ng takot ng makitang masama ang tingin nya.

Ngumisi si vanessa. "Oh?Good luck.Sana sagutin ka na ni janica."

"Di ko naman sya minamadali.Nagsisimula pa lang naman ako ng panliligaw at papatunayan ko sa kanya na karapat dapat ako para makuha ang matamis nyang oo."

Hindi ako makapagsalita.Hindi ko alam kung bakit ako?!Naiinis ako sa sarili ko. Kung pwede lang na si vinz na lang! Sobrang worth it nyang mahalin!

"Sandali lang.Magbabanyo lang ako." paalam ni vinz.Napatanga ako.Tumayo na sya at umalis sa table namin.

"Excuse me."nanlaki ang mata ko ng sumunod si prince kay vinz sa banyo. Baka kung ano ang gawin ni prince sa kanya!

"So,may manliligaw ka na pala?Magandang balita yan para hindi mo na kami guluhin ni prince." Napatingin ako kay vanessa. Naiinis nanaman ako sa kanya.

"Nakakasiguro ka bang hindi ko na kayo guguluhin porke at may manliligaw ako? Baka nakakalimutan nyong nasa inyo ang anak ko at hindi ko kayo titigilan hanggat di ko sya nakukuha." Ngumisi sya.

"Kapag ba ibinigay ko sayo ang anak mo ay hahayaan mo na si prince sa akin?" natahimik ako. Parang nagdadalawang isip ako.Parang ayoko! Nagsalubong ang kilay ko.

"Sa tingin mo papayag ako?Tandaan mo vanessa na taon na ang lumipas at hindi na ako katorse anyos lang.Hindi mo na ako pwedeng apakan.Kukunin ko kung ano ang akin na inagaw mo noon."  Napaseryoso ang muka nya. Nanggagalaiti syang tiningnan ako.

"Kung makukuha mo pa ulit.Hindi mo na sya pag aari dahil akin na sya."

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon