CHAPTER 28

835 17 1
                                    


Gusto kong sugurin si vanessa at bugbugin sya pero pinigilan ko ang sarili ko.Ayokong magpaapekto sa galit ko sa kanya.Ilang minuto pa kami doon pero hindi pa din bumabalik yung dalawang lalaki hanggang sa napansin namin na nagkakagulo na ang mga tauhan ng restaurant sa may bandang Cr.

Agad akong tumayo at kinakabahang lumapit doon. Pumasok ako sa Men's room dahil baka kung ano na ang ginawa ni prince kay vinz.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Vinz na nakaupo sa sahig at pinupunasan ang dugo  sa kanyang labi.Si prince naman ay nakatayo sa harap nya at masama ang tingin.

"PRINCE!" Napasigaw ako ng sugurin ni prince si vinz at pagsusuntukin ito. Pinapaulanan nya ng suntok ang muka nito.

Agad akong tumakbo palapit sa kanila at hinila ko ang braso ni prince.Ayaw nyang pagpaawat.

"Prince,tama na!ano ba?!Tigilan mo na si vinz!"para akong maiiyak.Nakakaawa si Vinz.

Napatili ako ng sipain ni vinz si prince at gantihan ito ng suntok.Inawat na sila ng mga tauhan ng restaurant. Galit na galit si prince.

"Tanginamo!Pasalamat ka,hindi ko tinuluyan yang pagmumuka mo!Kung nagkataon na walang umawat satin baka manghiram ka pa ng muka sa aso!" Nilapitan ko si vinz.Tumingin ako kay prince.

"Tumigil ka na!Nababaliw ka na ba?Walang ginagawang masama sayo si vinz--"

"Nililigawan ka nya!" Naginit ang ulo ko.

"Eh anong pakialam mo!?Pwede ba?!Buhay ko na to!hindi mo na ako kontrol! Wag mo ng pakialaman pa ang buhay ko! " Nagdilim lalo ang muka nya.Hinawakan ko si Vinz sa braso.

"Okay ka lang ba?may masakit ba sayo?pasensya ka na ha?" Ngumiti lang si vinz.

"Okay lang.Wag mo na akong alalahanin." Hinawakan ko ang labi nyang may sugat.

"Tara na,Vinz.Gagamutin na kita" Lalakad na sana kami ng may biglang humila sa braso ko.

"Hindi ka na sasama sa kanya!Iuuwi kita sa bahay!" Tinanggal ko ang kapit nya.

"At sino ka para diktahan ako?!Wag mo na akong pakialaman dahil di ko naman kayo pinakekealaman ni vanessa!" Dumilim lalo ang muka nya.

Hinila ko na si vinz palayo.

Kinakabahan ako habang nasa labas ng bahay nina prince.Ilang araw na din simula ng magkita kami sa restaurant at ilang araw na din akong nililigawan ni vinz.

Pumasok ako sa gate at kumatok sa pinto. Binuksan yun ni vanessa.Hindi na ako nagulat dahil nagsasama naman talaga sila ni prince.Nagmaong short at fitted shirt lang ako.

Madilim ang muka ni vanessa na nakatingin sa akin."Anong ginagawa mo dito!?"

Ngumisi ako."ows?Hindi ba sinabi sayo ni prince na lagi akong nandito noong panahong wala ka pa?Alam mo na..Natigang sya kaya di ka na nya naantay pa."

"ang kapal ng muka mo--" akmang sasampalin nya ako ng hawakan ko ang braso nya ng mahigpit.

"Subukan mo lang,baka kung ano pa ang ganting magawa ko sayo!" Naiinis syang hinila ang kamay nya.

Lumakad ako papasok at binangga ang balikat nya. Nakita ko agad si king sa sala.

"King!" Nanlaki ang mata nya at sinugod ako ng yakap.

"I miss you,ate!Bakit ngayon ka kang nagvisit dito?" Lumuhod ako at pinisil ang pisngi nya.

"Busy kase ako---"

"Busy ka sa vinz na yun?" Kumalabog ang dibdib ko ng marinig ang naiinis na boses ni prince sa may hagdan.

Diba nya naiisip na masasaktan si vanessa sa paraan ng pakikitungo nya sakin?

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Where stories live. Discover now