CHAPTER 33

840 17 0
                                    


Masaya ko lang pinagmamasdan sina prince,king at venom na naglalaro ng basketball sa labas ng bahay namin. Suot ni prince ang jersey nya.Ganun din si king at venom.

"Lord!Ipasa mo kay king!"Sigaw ni prince.Pinasa naman ni venom ang bola kay king.

Kanina pa sila naglalaro.Ginawan ko sila kanina ng Meryenda.

"Magmeryenda muna kayo!"Sigaw ko. Hindi nila ako pinansin. "Venom! King! Halina kayo dito!Basa na kayo ng pawis!"

Hindi nanaman nila ako pinansin.Padabog akong tumayo habang dala dala ang bimpo. Lumapit ako sa kanila.

"Ano kayong mga lalaki kayo!?Kanina ko pa kayo tinatawag ah!" Galit kong sigaw. Tumigil naman sila.

"Bat ka sumisigaw,ma?Di naman po kami bingi." Napamaang ako sa sinabi ni venom.

"Ganyan talaga bunganga ng mama mo, parang armalite." Nagtawanan sila. Nag init naman ang ulo ko. Tumingkayad ako at hinila ang tenga ni prince ganun din ang tenga ni venom.

"Galit na nga ako,ginagalit pa ninyo ako lalo!"

"ouch,ma!"

"a-aray naman,baby ko!"

Hinila ko sila papunta sa may mesa. "Kumain na kayo kung ayaw nyong butasin ko yang bolang yan!" napanguso silang dalawa at umupo sa upuan.

Tumingin ako kay king "Ikaw,king!Gusto mong pingutin pa kita?"

"Luh?Kakain na po!" Nagsimula na silang kumain. Sinimulan ko namang punasan sina king at venom ng pawis. Nang matapos ako ay tumingin ako kay prince.

"Bat sila lang dalawa?dapat ako din!" Nanlaki ang mata ko ng hubadin nya ang jersey shirt nya. "Baby ko,pawis na pawis ako oh!"

Pinasadahan ko sya ng tingin.Nakakalaway ang katawan nya! Sumimangot ako at sinimulang punasan ang dibdib nya.

"Ee!ang sweet nila!"Pinanlakihan ko ng mata si venom at king.

Nagulat na lang ako ng hilahin ako ni prince at yakapin ako."Pano ba yan, Bukod sa magaling ako sa kama, sweet din ako sabi ng mga anak natin.Walang panama sakin ang vinz mo"

Inirapan ko sya."Edi ikaw na sweet at magaling sa kama!nasayo na ang lahat pero hindi ako!"

Ngumisi sya."akin ka.Matagal na kitang inangkin,Ikaw?Kelan mo ba ko aangkinin?"

Nasa bahay naman kami ni prince ngayon.Pumayag din ako dahil masyado syang makulit.

Masama ang tingin sa akin ni vanessa ng nasa gate na kami.Tumakbo naman si venom papasok at naiwan kaming dalawa ni vanessa sa labas.

"At pumunta ka pa talaga dito?" Inis na sabi nito.

"Kailangan ni prince ang anak nya."Umirap sya.

"For sure,ginagamit mo lang ang mga anak nyo para landiin ang FIANCEE ko!" Nag init agad ang ulo. Nakaramdam nanaman ako ng kirot.

"Pwede ba,vanessa?Tigil tigilan mo na yang kakaselos mo!Buti na lang,hindi nasasakal si prince sa pagiging possessive mo." Nagsalubong ang kilay nya.

"Hindi ako possessive!Inilalayo ko lang ang fiancee ko sayo dahil baka Ikaw pa mismo ang maging dahilan para hindi matuloy ang nalalapit naming kasal ni prince." Parang tumigil ang tibok ng puso ko.Pakiramdam ko maraming kutsilyo ang tumusok dito.

"Anong sabi mo?"Natawa sya at lumapit sa akin.

"Oh?hindi pa ba nasasabi sayo ni prince?Ilang linggo na lang,kasal na namin.At napagdesisyunan ko na ikaw na lang ang maging maid of honor sa kasal ko.What do you think?"Naiyukom ko ang kamao ko.

"Wala akong pakialam kung ikasal kayo!"Shit!parang papatayin ako sa sakit!

"Oh talaga?mabuti yun.Kapag naikasal kami,wala ka ng magagawa pa.Ay!,nakalimutan ko, Desperada ka nga pala,baka nga maging kabit ka pa ni prince--"

"Hindi ako desperada kagaya mo! Tandaan mong Ikaw ang unang nang ahas sa kanya noon!"

"sabihin na nating inahas ko sya, Nagpadala din naman sya sakin eh.Sakin sya sumama.You know why? Dahil sawa na sya sayo--"

"Sawa na sya sakin?talaga ba?oh baka naman sya na ang sawa sayo."

"what do you mean?"Natawa ako.

"Oh Hindi ba sinabi ni prince sayo na Sakin na sya"Dumadali' ngayon."Napamaang sya. Nilagpasan ko na sya at pumasok sa loob.

May isang butil ng luha ang pumatak mula sa mata ko.Kasal?

Ng makita ko si Venom at king sa sala ay nilapitan ko sila.

"King sabihin mo sa papa mo, Masama ang pakiramdam ko.Uuwi muna kami"Agad kong hinila si Venom palabas.

Maghapon akong umiyak.Parang dinudurog ako sa sakit.Ano pang magagawa ko?mukang ikakasal na nga talaga sila.

Medyo gabi na at sobrang sama ng pakiramdan ko.Parang binibiyak sa sakit ang ulo ko at namamaga din ang mata ko.

Pinilit kong bumangon pero parang umikot naman ang paningin ko. Humiga na lang ako ulit.

"Janica.."Napamulat ako ng marinig ang boses ni prince.Nakaramdam nanaman ako ng kirot.

"b-bat ka a-andito?umuwi k-ka na.." Lumapit sya sakin at umupo sa gilid ko.Para nanaman akong maiiyak.

Dinama nya ang noo ko."Tsk!mainit ka!Uminom ka na ba ng gamot?" Umiling ako.

"Umuwi ka na.."Sinamaan nya ako ng tingin.

"Mahiga ka lang jan."Lumabas na sya.Ipinikit ko ang mata ko.Ilang minuto pa ay naramdaman kong may humalik sa pisngi ko.Iminulat ko ang mata ko at si prince yon.May dala na syang pagkain at gamot.

"Upo ka."Pinilit kong umupo.Hindi na ako nakatanggi ng subuan nya ako."Bakit mo kase pinababayaan ang sarili mo ha?"

Ngumiti ako ng mapait."Bakit ka nag aalala?"

Umiwas sya ng tingin."A-ayoko lang na nagkakasakit ka"

"Akala ko nag aalala ka dahil mahal mo ko,akala ko lang pala." Naluha nanaman ako.

Hindi sya nakaimik."Sabi mo sakin,kapag nasugatan ako,humanap ako ng taong gagamot sa sugat ko."

Napatingin sya.

"Nahanap ko na sya,nahanap ko na si vinz.Pero bakit pinipigilan mo ako?" Lumamlam ang mata nya. "Gusto ko lang naman na humilom na yung puso kong nasugatan mo."

Uminom ako ng gamot at tumingin sa kanya. "Hayaan mo na akong ipagamot ang puso ko kay vinz.Wag mo ng sugatan pa ng sugatan ang puso ko.Pakiramdam ko kase ikamamatay ko."

Humiga na ako at tumalikod ng higa sa kanya.May ilan pang butil ng luha ang kumawala sa mata ko bago ako Pumikit.

Naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko. "Ayokong maging makasarili sa pagkakataong to. Kung yan ang gusto mo.Hahayaan na kita.Gusto kong gamutin yung puso mong nasugatan ko pero imbis na magamot ko,lalo ko pa pàlang nasusugatan."Garalgal na ang Boses nya.

Tumayo na sya at umalis.

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Where stories live. Discover now