CHAPTER 39

804 12 0
                                    


Iyak lang ako ng iyak sa kwarto ng pumasok si venom.Malungkot syang nakatingin sa akin.

"why are crying,mama?Please wag ka ng umiyak.Naiiyak na din ako."Lumapit sya sakin at niyakap ako.

"Sorry,sorry baby kung mahina si mama." Lalo akong naiyak.

"Mama.Bakit ka po umiiyak?may nagawa po ba akong bad?"Hinawakan ko ang pisngi nya at ngumiti ng pilit.

"Nothing,baby.Umiiyak si mama kase nasasaktan sya."

"Sinong nanakit sayo,mama?Susuntukin namin sya ni kuya king!" Natawa ako ng sumuntok pa sya sa ere. "There!ngumiti ka na,mama!"

Masakit magtago ng lihim kaya Oras na para sabihin ko ang totoo sa anak ko.malaki na sya at matalino kaya maiintindihan nya ako.

"Diba tinatanong mo sakin kung nasan ang papa mo?"Tumango tango sya.Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Andito na sya.Bumalik sya para sayo."

Nangliwanag ang muka nya.

"Talaga,ma!?asan na sya!?gusto ko na syang mameet!"Ngumiti ako ng mapait.

"Nameet mo na sya,nak." Nagtaka ang muka nya. "What if i told you that tito prince is your true papa?"

Nanlaki ang mata nya."Wow!?papa ko si tito prince!?Bakit di ko alam,ma!?"

"Kase para surprise!"

Nagtatalon sya sa tuwa. "So kapatid ko si kuya king at stell?What a wow!"

Nangunot ang noo ko.Stell?

"Sino si stell?"

"Stell is kuya king's younger sister!at kapatid ko din pala sya!" parang may naramdaman akong kirot.Ang stell na yun siguro ang anak ni vanessa.

Para nanaman akong maiiyak!

"Ma,kelan ba tayo pupunta kana tito--i mean papa prince!?excited na akong sabihin sa kanila na ako ay kapatid ni kuya king at stell!" Hindi ako makapag salita.Feeling ko napipipi nanaman ako.

Napatawad ko na si prince dahil sa pag iwan nya sakin na napilitan lang sya pero parang nakakaramdam nanaman ako ng galit sa isiping kanya nga ang batang babae na yon.Bakit naatim nya na makipagtalik sa vanessa'ng yun kung napilitan lang sya?

Gulong gulo na ako sa mga nangyayari! Bakit ba ang daming hadlang saming dalawa!Bat di sya lumaban?bat nagsasakripisyo sya magisa?

Kaharap ko ngayon si vinz sa sala ng bahay namin.Kagigising ko lang at namumugto ang mga mata ko.

"Ang aga,bat andito ka agad?" Ngumiti sya.

"Magbihis na kayo ni venom."Nanlaki ang mata ko.

"a-ano?ano bang sinasabi mo jan?Ipapasyal mo ba kami?"Natawa sya.

"Basta.. magbihis na lang kayo dahil may surprise ako sa inyo."Tiningnan ko pa muna sya ng nagdududa at natawa bago ako nag intindi.Binihisan ko si venom at nagbihis na din ako.Nang makarating kami sa sala ay nandon pa din si vinz.

"Oy,ready na kami.San mo ba kami dadalhin?"Tumayo sya at inakbayan ako.

"Kung sasagutin ko.Hindi na surprise yun." nagpaalam kami kana mama at sumakay na ng kotse nya.Nasa backseat si venom at naglalaro ng phone at nasa passenger seat naman ako.

"Vinz?"

"hm?"

"Nasaktan ba kita ng sobra?"Natawa sya at tiningnan ako sa mata.

"Oo naman pero ok lang.Ang pagmamahal hindi yan ipinipilit."Napayuko ako.Nahihiya ako sa kanya.

Tumingin ako sa labas.Kasal na ni prince bukas.Parang panaginip lang na ikakasal na sya sa iba.May magagawa pa kaya ako?

Ilang oras din kaming nagbiyahe ng itigil nya ang kanyang kotse sa tapat ng isang beach resort.Nanlaki ang mata ko.

"Anong gagawin natin dito?"Ngumiti lang sya.Bumaba na kami ng kotse at pinababa na din si venom.

"Wag mong isipin na kasal na ni prince bukas.Ang mahalaga sa araw na to ay maging masaya kayo ni venom."Hindi ko sya maintindihan.

"Vinz,paano ako magsasaya kung ikakasal na sya bukas.Ayokong magstay dito at hintayin na lang na magpakasal sya sa iba." Niyakap nya ako at hinalikan ako sa noo.

"Mangako ka sakin na magiging masaya ka ngayong araw."Hindi ako nakaimik. Tumango na lang ako.

Naglakad na kami papasok ng resort.Tanaw mula dito ang walang katao taong dalampasigan at ang mga cottage na gawa sa kawayan.May swimming pool din at mga Room for tourist.

"Kaninong resort to?bat walang tao?" natawa sya.

"May isang tao kase na binayaran ang owner nito para payagan syang magstay dito ng isang araw."Nagtaka ako.

Papunta kami sa isang cottage na nakatayo sa buhanginan.Nililipad ng hangin ang mahahaba at puting kurtina nito.Kinakabahan ako pero mas pinili kong kumalma.

Napatingin ako kay vinz ng bitawan nya ang kamay ko.Ngumiti sya sakin.

"Sobrang saya ko dahil nakatulong ako sayo.Harapin mo na ang puso mo.Alam kong magiging memorable sayo ang araw na ito."nangunot ang noo ko.

"a-anong sinasabi mo?"

"Mahal na mahal kita.." Sasagot na sana ako sa kanya ng..

"Janica.."mahina lang yon pero dinig na dinig ko.Agad akong napalingon at Nanlaki ang mata ko ng makita si prince sa di kalayuan.Para akong maiiyak na ewan.

Nakapang summer short lang sya at floral polo.Naglalakad sya sa buhanginan. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko na namalayan ang pagtakbo ko palapit sa kanya.

"Prince!"Naglakad sya palapit sa akin.Agad ko syang niyakap ng Sobrang higpit. Namiss ko sya,sobra.Siniksik ko ang muka ko sa kanya.Naiiyak nanaman ako. "Totoo ka ba?baka nananaginip lang ako."

Hinalikan nya ako sa noo."Sa pagkakataong to,hindi ko na ulit hahayaang mawala ka pa sakin.Sa dinami daming tao ang humahadlang sa pagmamahalan natin, mas pipiliin ko pa ding ipaglaban ka."

Humiwalay ako sa kanya ng yakap."Paano ang kasal nyo ni vanessa?bakit andito ka?"

Niyakap nya ulit ako. "sshh..wag mo ng intindihin yon.Ang araw na to,ay para lang sating dalawa at sa mga anak natin.Ayokong masira lang ng kahit sino ang oras natin para sa isat isa."

Nangilid ang luha ko."Si king?"

"Nasa cottage sya,natutulog."natawa ako.

Lumingon kami at tumingin kay vinz na nakangiti na sa amin.Kahit malayo sya ay kita pa din ang panunubig ng mata nya.

"Bro,Salamat!"Sigaw ni prince.Tumango lang ito.Nagulat din ako dahil bati na sila.

Nang tumalikod si vinz ay tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap sya mula sa likod

"Vinz.Salamat sa lahat.Sobrang buti mo.Hindi ko alam na kaya mong magsakripisyo para sakin."humarap sya at pinunasan ang luha nya.

"Basta para sa babaeng mahal ko.Handa kong gawin lahat"

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Where stories live. Discover now