CHAPTER 2

1.4K 33 1
                                    


Agad akong uminom sa boteng ininuman din nya.Shet!nakakakilig!

"Ayan!Ito ang first kiss ko,kuya" Napakunot ang noo nya. "Naglapat kase ang labi natin parehas sa bunganga ng bote kaya parang nagkiss na din tayo!" Napatanga sya sa sinabi ko.

Mabilis naman akong umalis sa harap nya na malaki ang ngiti.May first kiss na ko!! Mama!Sorry!ikakasal na po ako kay Prince Flores!Charan!

LAGING ganon ang ipinapakita ko sa kanya. Binibigyan ko sya lagi ng pagkain or nagpapalagay ng notes sa upuan nya sa tulong ng mga kaklase nya na ATE na ang tawag ko.

Pansin ko na iniiwasan nya na din ako ay malimit na lang syang dumaan sa room. Lagi syang nagshoshort cut sa kabila. Pero hindi ako titigil.Crush ko sya at wala syang magagawa about don!

Nagdadala ako ng libro papunta sa library ng school.5 patong ng libro ang dala ko kaya medyo nabibigatan ako.Patuloy lang ako sa paglalakad ng may taong bumangga sakin.

"sorry,miss"Tiningnan ko sya.Nanlaki ang mata ko ng makita si Vinz.Sya ang Genius sa campus dahil lumalaban sya sa ibat ibang school ng patalinuhan.Grade 9 lang sya.

Pinulot nya ang mga nahulog kong libro. " Okay lang,Vinz.Kaya ko na to."

Nanlaki ang mata nya."K-kilala mo ko?"

Natawa ako."Luh? shempre naman!Ang talino mo kaya!plus ang cute mo pa." Kita ko ang pamumula ng tenga at pisngi nya. Nilalagnat ba sya?

Kinuha ko ang mga libro at inipit sa mga braso ko.

"Gusto mo tulungan na kita?" Hindi sya makatingin ng diretso.Sasagot na sana ako ng may mabigat na bagay ang biglang pumatong sa ulo ko.

"Hindi na kailangan.Lumayas ka na sa dadaanan nya."Bumilis ang tibok ng puso ko.

Nakapatong ang braso ni prince sa ulo ko. Tumingin naman ako sa kanya at masama ang tingin nya kay vinz. Nakapamulsa sya at ngumunguya ng gum.

"Kuya,ahm--magpapatulong na lang ako kay vinz"Sinamaan nya ako ng tingin.

"Bakit?di mo ba kayang dalhin yan?" Napaiwas ako ng tingin.Eh ang bigat nga e

"Kaya ko naman kaso ang bigat"

"Tsk!Bata nga talaga!"Singhal nya.

Napasimangot ako.Bat ba sya bata ng bata?Eh bagay naman kami.Matangkad sya tapos pandak ako.Hayst!Ang gulo nyang payat na sperm.

Nagulat na lang ako ng kunin nya lahat ng libro sa akin."Hoy,Kuya.Anong ginagawa mo?"

"Tsk!Bata na nga,slow pa."Napapout ako.Pano naman ako naging slow?Baka sya! alam nya naman na maliit ako,tatanungin pa nya kung bakit di ko daw yun kayang dalhin!

Hinubad nya ang belt bag nya at inihagis sa akin.Aray ha!

"Dalhin mo yan!Ako na magdadala nito.San to?Sa library ni Kalbo?"Nanlaki ang mata ko.

"Hanla!Bat mo tinawag si Sir juaqin na kalbo?Lagot!Lagot ka!Paktay ka kuya!" Inis syang naglakad kaya sinundan ko sya at naiwan doon si vinz.Sa sunod ko na lang muna sya kakausapin.

"Edi magsumbong ka.Tsk!"

"Talaga!Isusumbong kita!"Bigla syang humarang sa dadaanan ko at yumuko. Umangat ang isa nyang kamay at pinitik ang noo ko.

"Ouch naman!"

"Subukan mong magsumbong.Hahalikan kita" Nanlaki ang mata ko.Nag init din ang dalawang pisngi ko.Napatulala ako at nakatingin lang sa papalayo nyang katawan.

"HOY KUYA!ang bastos mo!"Hinabol ko sya. Rinig kong tumawa sya ng mahina. Nasa tapat na kami ng library at sya na ang nagsoli ng libro. Naglalakad na kami pabalik. Kinikilig pa din ako.Nakakainis ang payatot na to!

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon