CHAPTER 36

785 14 0
                                    


Nasa harap ako ng bahay nina prince gusto kong malinawan kung talagang mahal ba nya ko o ano.Desperada na akong pigilan ang kasal nilang dalawa Habang maaga pa.Para akong natauhan sa payo ni mama.

Deretso akong pumasok.Buti na lang at bukas ang front door.Nang makapasok ako ay parang sinaksak ang puso ko sa sakit.

Nasa sala sina Prince,vanessa at king. May mga laruang pang babae at bagahe sa sofa.Napagawi ang tingin sakin ni prince. Nanlaki ang mata nya.

"Janica,a-anong ginagawa mo dito?!"para syang nakakita ng multo.Para akong napipipi.Gusto ko syang hilahin papunta sa lugar na kaming dalawa lang ang tao.

"Prince,pwede ba tayong magusap?" Bago pa sya makasagot ay may isang batang babae na tumakbo papunta sa harap nya.

"Daddy!Lets play a doll!please?Kuya king, doesn't want to play with me! Kill-joy sya!" Parang tumigil ang pag ikot ng mundo ko. Nakatingin lang ako sa batang babae na kamuka ni vanessa.

Loading pa rin ang utak ko.Nanginginig ako.

"Janica--"

"Oh,janica?Bakit ka andito?Balak mo bang i-welcome ang pag uwi ng anak NAMIN ni prince?" Tang ina! Parang nabato ako sa kinatatayuan ko.

Kinakapos ang hininga ko sa sakit.Nangilid ang luha ko pero pinigilan ko.Tumingin ako sa malungkot na mata ni prince.

"May anak ka pala sa ibang babae,bat di mo sinabi agad?"Tumalikod na ako at lumabas ng bahay. Shit!ansakit!

Lalabas na ako ng gate ng may humigit sa braso ko.Humarap ako ng luhaan at nakitang si prince iyon.

"Janica,magpapaliwanag ako-"

"Wala ka ng dapat pang ipaliwanag!At tsaka hindi naman na tayo eh!pero ang nakakainis lang wala ng tayo pero umaakto pa rin akong akin ka.Ang sakit,tangina!" Pinunasan ko ang luha ko."Eto ba!?eto ba ang dahilan kung bakit pakakasalan mo sya!? dahil may anak kayo!? tang ina! Dalawa na anak mo sakin,isa lang sa kanya tas sya yung pakakasalan mo!?Nakakagago ng utak,Prince!"

Niyakap nya ako ng mahigpit."Sorry.."

"Tangnang sorry mo yan!Lagi na lang bang sorry!?"Umiiyak akong iniwan sya.Naduwag nanaman ako!

(GAGO KA JOSH!ETO NA GAGO!)

Tinawagan ko sina Alliyah.Hanggang ngayon mga kaibigan ko pa din sila.May mga trabaho na din yung iba at nag aaral naman yung iba.

Sinabi kong gusto kong mag aya sa bar kaya heto.Andito kami sa isang table at umiinom.Minsan lang naman magpakasaya kaya sulitin na.

Kanina pa kami dito at tinatamaan na ako ng alak.Nilalagok ko talaga kahit pa sobrang pait sa lalamunan.Nang mamanhid na ang katawan ko ay naalala ko nanaman ang nalaman ko kanina.Tangina ang sakit!

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.Tumingin sila sakin.

"Bat ganun?bat ang pait ng love life ko putcha!" Nagtawanan sila.

"ok lang yan,sis.Labas mo lang yan.Iinom na lang natin yang mga lalaking yan!"

Tumango ako at uminom ng isang straight. Gusto kong mawala ang sakit pero bakit andito pa din! Nakakairita.

Tumunog ang phone ko.Nanlalabo na ang paningin ko kaya sinagot ko iyon "Hm?"

"Shit!Nasan ka!?"Napangiti ako ng mapait.Si prince pala.

"Bakit?boypren ba kita?" Natahimik sya sa kabilang linya."Gusto kitang ipaglaban eh, gustong gusto ko kaso binibigyan mo ko ng rason para sumuko na lang.Ansakit!putcha!--"

"akina muna yan,nica!pansinin mo tong yummy na nasa harap mo!"inagaw ni Colein ang phone ko.Nakita ko naman ang isang lalaki sa harap ko.Gwapo sya.

Hinila nya ako. "Dance?" Tumango naman ako at nagpahila sa kanya.nagsigawan naman ang mga tropa ko.

Pumunta kami sa dance floor at doon sumayaw.Nakakapit sya sa bewang ko habang gumigiling kaming dalawa.

"Anong name mo?hmm?"Tumawa ako.

"Janica.Sayo?"

"Josh."(😈) natawa ako at inilapit ang bibig ko sa tenga nya.

"Josh,pwede mo din ba kong anakan?" Nanlaki ang mata nya pero agad ding napangisi.

"Sure,ilan ba gusto mo?"Iginiling ko ang katawan ko sa katawan nya.Nararamdaman ko na ang katigasan nya.

"Quadruplets.Kaya mo?"Natawa sya.

"Oo naman,magaling akong shooter." Pinagapang nya ang kamay nya sa pang upo ko.

Nagulat na lang ako ng may humatak sa braso ko at nakahandusay na si josh sa sahig.

Nanlaki ang mata ko ng makita si prince na galit na galit ang mga matang nakatingin kay Josh.

"Tanginamo!Anong karapatan mong pisilin ang pang upo nya!?" nanlaki ang mata ko ng sugurin pa niya ito ng suntok at tadyak.

"Prince tama na,ano ba!"Pinigilan ko sya pero ayaw nyang magpaawat.Nagtitinginan na din ang ibang tao sa bar.

Tumingin sya sa akin at hinila ang braso ko.Pilit ko itong inaalis sa pagkakahawak nya.

"Ano bang ginagawa mo ha!?Bitawan mo nga ako!"Tiningnan nya ako ng masama.

"Uuwi ka na."Hinila nya ako palabas ng bar at ng nasa labas na kami ay hinarap nya na ako.

"Ano nanamang naisipan mo at pumunta ka pa dito!?"Napapikit sya at hinilot ang tungki ng kanyang ilong.

"Bakit!?masama na ba ang mag enjoy ngayon!?"

"Tangna!May anak ka na lahat lahat ganito pa ginagawa mo!" Nakaramdam ako ng kirot.

"At may anak at fiance ka na,ganito pa din ginagawa mo sakin!?"Natahimik sya."umalis ka na!Hindi na kita kailangan!"

Lumamlam ang mga mata nya.Aalis na sana ulit ako sa harap nya ng hapitin nya ako.

"Dito ka lang!"

"Ano ba!babalikan ko si josh doon!" Napasinghap sya sa inis.

"At ano!?magpapaanak ka don!? Nababaliw ka na ba!?" Pilit akong kumawala sa kanya.

"Anong pake mo!?ikaw nga,inanakan pa ang ibang babae eh!" Shit!ansaket!

Natigilan ako ng may pumaradang sasakyan sa harap namin ni prince.Nanlaki ang mata ko ng bumaba si vinz na seryoso ang muka.Napahigpit ang kapit sa akin ni prince.

"Janica,halika na.Iuuwi na kita sa inyo."Lumapit si vinz sa amin at hinatak ang braso ko pero hindi ako binitawan ni prince.

"V-vinz.."Nagtititigan lang silang dalawa.

"Prince.Bitawan mo ang girlfriend ko."Ramdam ko ang paghigpit lalo ng hawak ni prince sa braso ko.

"Ako na ang mag uuwi sa kanya." madiin na sabi ni prince.

"Ako ang boyfriend nya kaya ako ang mas may karapatan sa kanya." Lasing na nga ako nagagawa pa nilang magtalo.

"Tsk!wala kang kwentang boyfriend.Pinababayaan mo lang ang girlfriend mo na pumupunta sa ganitong klaseng lugar."

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon