CHAPTER 26

834 13 0
                                    


Tinitingnan ko si venom na natutulog na sa kama namin.Napabuntong hininga ako.Kailan ko kaya itatago sa kanya ang totoo? Karapatan din naman nyang makilala ang ama at kapatid nya.

Biglang tumunog ang phone ko at nakita kong tumatawag si prince. Kinuha nya ang number ko ket ayaw kong ibigay noong nakaraang dalaw ko. Nagsalubong ang kilay ko at pinatay iyon.Ayoko syang makita at makausap!Baka rumupok nanaman ako.

Lumabas ako ng bahay para pumunta ng drugstore at bumili ng gamot ni venom. Sa ngayon sa kanya ko muna itutuon ang pansin ko.

Lalabas na sana ako ng store ng may tumawag sa pangalan ko.Napalingon ako at nanlaki ang mata.

"V-vinz?" Grabe! ang laki ng pinagbago nya. Kung dati sya yung nerd na cute ngayon naman muka na syang hot.Jusko!

Lumapit sya sakin. "Janica! How are you? long time no see!" Napangiti ako.

"Im okay,vinz!ikaw? grabe ang pogi mo na ngayon?musta ka na?" namula ang tenga nya.

"Heto,stress sa pag aaral.Kailangang nagpursigi eh para maging magaling na inhenyero." Tumango tango ako.

"hmm.Good luck,future engineer miranda!Hmm anong ginagawa mo dito?" Tinaas nya ang plastic ng mga gamot.

"Bumili lang nito." Tumango tango ulit ako. "Janica? pwedeng magtanong?"

"hm?"

Namula sya. "May asawa ka na ba?" Nanlaki ang mata ko.

"h-ha?w-wala ah!ikaw ba?meron na?"

Umiling sya."Wala pa.Hinahanap ko kase yung crush ko nung high school at ngayon nahanap ko na sya." Nanlaki ang mata ko.

"T-talaga?Gawan mo na ng moves!baka maunahan ka pa ng iba!" Namula sya lalo.

"K-kaso baka busted-in ako."

"Hindi yun! sa pogi mong yan!" natawa sya.

"Sigurado ka ha?"tumango tango ako. "ahm, pede ka bang yayain bukas? Mamamasyal?" nanlaki ang mata ko.

"ha?di kase--"

"Sige ka magtatampo ako.Ngayon lang tayo nagkita ehh" Nagdalawang isip ako.

"aahh--ok--sure!" ngumiti ako ng pilit. Kinuha nya ang number ko at nagpaalam nadin. Kinabahan ako sa pwedeng mangyari baka magalit si prince----bat naman sya magagalit? wala ng kami at may sila na ni vanessa!

Magaling na si venom dahil sininat lang naman sya.Heto ako at nagbibihis na para sa lakad namin ni vinz.Hindi ko din naman sya matatanggihan dahil nakakahiya.

Naglagay lang ako ng Konting make up. Tumingin ako sa salamin at nang tumunog ang phone ko ay si vinz na iyon.Kagabi pa kami magkatext.

"Vinz?"

"ano ready ka na?Susunduin na kita--"

"Wag na!antayin mo na lang ako jan sa restaurant na kakainan natin." Pinatay nya na ang phone at nagpaalam na ako kana mama.Sila na muna ang bahala kay venom.

Nang makarating ako sa restaurant ay nakita ko na agad si vinz na malapad ang ngiti na inaantay ako. Lumapit ako sa kanya.

"Vinz sorry.Pinag intay kita." Ngumiti lang sya.

"okay lang.Kakadating ko lang din.By the way, lalo kang gumanda." namula ako. Buti pa sya napansin yun si prince hindi!

"thank you." Dumating na ang waiter at nagtingin na kami sa menu. Natawa pa nga ako dahil ang daming in-order ni vinz na pagkain.

"Di naman natin to mauubos lahat!" Natawa sya.

"Edi ubusin natin!" nagtawanan kami.Nagsimula na kaming kumain. Nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Hanggang sa..

"Baby,bakante pa yung table na yun oh!" Nanlamig ang katawan ko.Napahigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor. Ang boses na yon!

Napayuko ako ng dumaan si prince at vanessa sa gilid namin. Kinabahan ako at nakaramdam din ng galit. Nasasaktan ako makita ko lang na magkasama sila.

"Janica are you okay?" Mas lalo akong kinabahan ng magsalita si vinz na ikinatigil nina prince.Patay!

Napatingin ako sa kanila at ngayon ay gulat na nakatingin sa akin si prince. Palipat lipat ang tingin nya sa amin ni vinz.

Nagulat din si vanessa pero agad napangisi. "What a coincidence?Look at this two love birds.Ang sweet nilang tingnan."

Kita ko ang pagdilim ng muka ni prince.Hindi ako nakapagsalita. Napatingin din sa kanya si vinz.Naglabanan sila ng masasamang tingin.

Bago pa maging tensyon ang lahat ay sumingit na ako. "Oh? nandito ka na pala vanessa?Welcome back! Im happy for the both of you."

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Where stories live. Discover now