CHAPTER 8

1.2K 16 0
                                    

Lunes na agad. Nung nasa bahay ako ni prince ay hinatid nya din agad ako dahil baka hanapin daw ako samin. Nasa school ako at nakaupo sa upuan sa may court. Hawak ko ang cellphone ko at nagffb.

Wala naman dito sina prince.Baka may klase sila.Kahapon ko pa sya hindi nakikita at namimiss ko na sya. Vacant ang klase namin ngayon.

Biglang nag'ting' yung messenger kaya pinindot ko yun.Nanlaki ang mata ko ng makitang nagchat sa akin si Vinz!

Vinz: Hi?Sorry nabangga kita noong nakaraan.

Napangiti ako. Nung gra7 kase crush ko sya. Matalino kase sya tas pogi.Nag reply ako.

Me:Ah okay lang yon.

"Sino yang kausap mo?"Halos mapatalon ako sa gilid ng marinig ko ang boses ni prince doon.

Agad kong naitago ang cp ko. Seryoso syang nakatingin sakin.Nasa gitna na din ng court ang mga tropa nya at naglalaro na.Kinakabahan ako.

"Ah wala.Kaibigan ko lang." Napakagat labi ako.Mas lalong sumeryoso ang muka nya. Tinititigan nya ako ng matalim.

"Bat ang laki ng ngiti mo?"

"ah hehe.May sinabi lang po." Napa nguso ako. Bat parang galit sya?

"Akina yang cellphone mo." Nanlaki ang mata ko.Patay kita nito.

"Ahm-wala naman po akong kachat na iba. Wala po yon." Napayuko ako.

"Ibibigay mo o sisiraan ko yan?" Nanlaki ang mata ko.

"eeehh..Kuya naman ehh..wala nga po yun." Mas lalong dumilim ang muka nya.

"Isa,Janica!Wag mong ubusin ang pasensya ko.Sisirain ko talaga yan tamo."Naku! Galit na sya dahil tinawag nya na ang buong name ko.

Binigay ko sa kanya ang cp ko. Nabuksan nya agad yon dahil wala akong password. Nakatingin lang ako sa muka nya. Tinitignan kung ano ang magiging reaksyo nya.

Nagsalubong ang kilay nyang tumingin sa akin.Napaiwas ako ng tingin. Ibinalik nya ang tingin sa screen.Mas lalong dumilim ang muka nya.

Mabilis nyang pinatay ang cp ko at iniligay yon sa bulsa nya.

"Luh?Akina yung cp ko!"

Nanlaki ang mata ko ng ibigay nya ang cp nya sa akin.

"Ginagalit mo talaga ako,Janica" Mahinahon nyang sabi pero puno ng diin ang mga salita.

Uwian na at tinititigan ko pa din ang cp ni prince.Kinalikot ko iyon kanina at shet! Halos lahat ng picture nya ay nakakalaglag panty.Nakita ko din na may mga picture ako doon na kinuha nya sa Fb. Nakakakilig!

"Hoy,Nica?sama ka sa bahay ni rose. Birthday daw ng ate nya." Tumingin ako kay alliyah.

"huh? di ako pwede."

"Luh? ang kJ mo naman sis! sama ka na. Sandali lang tayo promise."

"di talaga kase ako pede"

"Bahala ka magtatampo kami sayo!" Napakagat labi ako.

"Ahm ok.Sama na lang ako.Baka magtampo pa kayo lalo eh!" Tumawa sila at agad na hinila ako ng tumunog ang bell. Naglakad na kami palabas ng school at sabay sabay na sumakay ng jeep papunta sa bahay nina rose.

Nang makarating kami doon ay marami ng bisita. Papadilim na din. Pinakain naman agad kami ni tita at bumati kaming lahat sa ate ni rose. Nakaupo kami sa sala at nasa labas naman nag iinuman yung mga kaklase ng ate nya.

Nanlaki ang mata ko ng maglabas sila ng Beer.Alam kong nag iinom tong mga tropa ko pero shet. Di pa ako nakakatikim ng alak.

Nagsimula na silang uminom.Inaaya nila ako pero inaayawan ko dahil di talaga ako umiinom.

Tumunog ang messenger ng cp ni prince kaya tiningnan ko yun.Halos mag salubong ang kilay ko ng mabasa ang chat doon at Dianne ang name nito.

Dianne:Hi babe.Umuwi ka ng maaga huh? Mag ingat ka palagi. Mahal na mahal kita. BTW nagawa ko na yung project mo. Kunin mo na lang sa bahay bukas.Bye!Ilove you.

Nag init agad ang ulo ko.

At sino ang hinayupak na to?! at may pa babe babe pang nalalaman ang tukmol! naku ket ata mas matanda sya sakin ay papatulan ko sya!

Agad kong hinablot ang Shot glass at nagsalin ng inumin doon.Nilagok ko agad yon at napangiwi ng gumuhit sa lalamunan ko ang pait ng lasa.

First time ko to kaya parang hindi ko kaya pero nagsalin pa din ako ng nagsalin.

Bwiset na prince yun! Matapos nyang wasakin ang kainosentehan ko tapos malalaman ko na may 'babe' na sya!?

Naghiyawan ang mga nasa mesa. Kumuha pa ako ng pulutan para iwas pait.

Nag iinit na ang dalawang pisngi ko. Umiikot ang paningin ko pero tuloy lang! Masakit sa puso eh!

"In one..two..three!!" Agad na nagclick ang camera ni alliyah. Hawak nito ang Cp nya at nag picture lang kami.

"Okay isesend ko na to sa gc"

Nagpatuloy kami sa inuman at medyo nasasanay na din ako sa lasa ng alak. Maya maya pa ay naramdaman ko na lang na nagbavibrate ang cp ni prince kinuha ko yun sa bulsa ko at Unknown number ang nakalagay.

Sinagot ko yun at inilagay sa tenga ko. "Hello?"

:"Janica,Nasaan ka!?" Napangiwi ako ng marinig ang boses ni prince sa kabilang linya.

Me: Pakialam mo ba?

Sya:wag mo kong galitin lalo.Nasaan ka!?

Me: Wala!Hindi tayo bati! Wag ka na ngang tumawag! Magsama kayo ng dianne mo! Manloloko ka!

Agad ko syang pinatayan at inis na inihagis ang cp nya sa bag ko. Nakakainis!wala namang kami para magselos ako! Ang masaklap walang kami pero may nangyari samin!

May kumawalang luha sa pisngi ko.Agad ko yung pinunasan at uminom ulit.

Ilang minuto pa kaming ganon ng biglang tawagin ako ni ate Lily.Ang ate ni rose. Lumapit naman ako sa kanya.

"Bakit po ate?*hik"

"Lasing ka na,bhe. Hinahanap ka na ng boypren mo sa labas." Natawa ako. Boyfriend? Kailan naman ako nagkashota.

"Pakisabi sa boyfriend ko DAW Wala akong balak na sumama sa kanya dahil hindi ko naman sya jowa." Natawa lang si ate lily at lumabas.Bumalik naman ako sa table namin.

Bumalik si ate lily."Bhe,Lalabas ka daw o kakaladkarin ka nya palabas?Ayaw daw syang pinag iintay."

"Te pakisabi Ayoko na sa kanya----"

"Isa pang salita mo,Janica. Mag eeskandalo ako dito." Gulat akong tumingin sa may pinto. Madilim ang muka ni prince na nakatayo doon at nakacrossed arms. Napalunok ako dahil ang pogi nyang tignan. Sayang nga lang kase iba ang gusto nya at hindi ako.

Inirapan ko sya ng maalala yung dianne.kinuha ko ang cp nya sa bag ko at lumapit sa kanya. Padabog ko yung binalik sa kanya.

"Ibigay mo na ang cp ko at umuwi ka na" Seryoso kong sabi.

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin