CHAPTER 23

843 15 0
                                    

Maaga kung inintindi si lord at hinatid sya sa school nya.Nasa bahay naman si mama at inaalagaan si papa.Hanggang ngayon nakokonsensya pa din ako.

"Kiss mo na si mama,baby!" Yumuko ako at binigyan maman ako ni lord ng isang halik sa pisngi.

"Bye,mama!Iloveyou!"Ngumiti ako at kumaway sa kanya.

"Bye,baby!Iloveyou too!" Nang makaalis ang anak ko ay bumuntong hininga ako. Desidido na akong puntahan si King. Babawiin ko na sya.

Hindi muna ako papasok sa school. Nakasuot lang ako ng Off shouldered dress above the knee at penaresan ito ng sandals na may konting takong.

Nag commute lang ako. Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ay mas lalo akong kinabahan. Handa na ba akong makita ulit ang lalaking nanloko sakin?

May kumawalang isang butil ng luha sa mata ko.Bumabalik lahat ng ala ala sa isip ko.Agad kong pinahid iyon. Pumasok ako sa gate at kumatok sa pinto.

Si papa hernan ang nagbukas.Ngumiti ako sa kanya.

"Papa hernan.."Nilawakan nya ang pagkakabukas ng pinto.

"Pasok ka,iha.Tatawagin ko lang si prince." Hindi ako makapaniwala na andito na sya. Na nasa loob lang kami ng isang bahay kasama na din si king. Gusto kong maluha.

Pumasok ako at umupo sa sofa. Umakyat naman si papa hernan sa taas.

May mga bagahe pa din sa sala at ibat ibang mamahaling laruan. Napangiti ako. Malamang ini spoil ni prince si king na hindi nya nagawa kay lord.

"Its too early,pa!Sino ba yang naghahanap sakin!" Nakatalikod ako sa may hagdan at kinabahan ako ng marinig ang pamilyar na boses.

Parang natuyo ang lalamunan ko ng marinig ulit ang boses na yun. Mas naging barito ito at lumagong.Tila naglalaway ako sa isiping lumaki lalo ang adams apple nito.

Dahan dahan akong humarap. Nanlaki ang mata ko ng makitang naka summer short lang sya at sando na gray. Nagulat ako sa pagbabago nya. May mga malalaki na din syang muscle sa katawan.Malapad na dibdib at perpektong korte ng panga. Sobrang nagmatured sya! Nakakalaglag ng panty!

Para syang nakakita ng multo ng tingnan ako.

Mas lalo syang tumangkad at masasabing sobrang gwapo nya na.Nakakapaglaway! Ilang taon na ba sya ngayon 25? 26? bwiset! Parang gusto ko syang sunggaban ng halik dahil namiss ko sya ng sobra.

Napaiwas ako ng tingin ng hagurin nya ng tingin ang buong katawan ko. Nakakailang. Nang ibalik ko ang tingin ko ay nagsalubong ang kilay nya.

"Bat andito yang babaeng yan! Pinapunta mo ba sya dito,pa!?" kumirot ang puso ko. Hindi sumagot si papa hernan at naglakad paitaas.

"Mag usap muna kayong MAG ASAWA jan.Puntahan ko lang ang apo ko. Alam ko namiss nyo ang isat isa." Namula ako. Sa loob ng mahigit walong taon, walang nagbago, kinikilig pa din ako kapag tinatawag akong asawa nya.

Naiilang akong tumingin kay prince. Masama ang tingin nya sakin. Mas lalo akong namula ng tingnan nya ang dibdib ko. Mas lalong nagdilim ang muka nya.

"P-prince..H-hayaan m-mo namang makasama ko ang a-anak ko." Nagulat ako ng lapitan nya ako.

Shit!Lumalakas ang tibok ng puso ko! Parang bumalik yung noon.

"Wala.Kang.Anak." May diin ang pag kakasabi nya non. Tiningnan ko sya sa mata.

"Prince wag mo na akong pahirapan! Gusto ko lang makasama ang anak ko!Masama ba yun!?" naiinis na ako sa kanya.

"Lumayas ka na sa pamamahay namin! Nabuhay kami ng wala ka! Hindi ka namin kailangan!" Nakaramdam nanaman ako ng kirot.

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon