Chapter 329

472K 23.1K 30.7K
                                    

A/N: Natuwa ako, mabilis kong natapos isang chapter. Akala ko makakabuo ako madami last week. Kaso nakilala ko Demon Slayer, ayun nahumaling ang tropa niyo.

I hope you enjoy.

Shoutout! 📣
Chelsey Faith Hiceta

🥳🎁🎂🎊🎈🎉
Happy Birthday!
Yoan Suare






Truth Hurts

Jay-jay's POV

"What the hell are you doing?!" Inis na tanong ni Kei—kwanan.

Napanguso ako habang nagma-map ng sahig. "Nag-luluto."

"Your cooking what? Fire? We'll eat fire for dinner?" Sarcastic na sabi niya at mas lalo akong napanguso.

Matapos akong patahanin sa pag-iyak, ngayon naman sine-sermunan niya ko. Parang gusto ko ulit tuloy maiyak.

Malay ko bang aakyat ang apoy sa kawali.

"Ang tagal kasi matanggal ng yelo sa isda." Katwiran ko.

"You should have wait before turning on the stove."

Napakamot ako sa ulo bago ituloy ang pagpunas sa sahig. Dahil sa ginawa kong pagsaboy kanina, nagkalat ang tubig at ilang talsik ng mantika. Ako na ang nagprisinta mag-linis dahil alam kong nahihirapan na si Kei—kwanan sa palakad-lakad.

Matapos maglinis, tinabi ko na ang pang-mop at binalikan siya sa kusina. Abala siya sa ginagawang pagtuhog ng barbecue stick sa isda.

"Anong ginagawa mo?"

"I haven't check if the stove is safe to use, so we'll cook this on direct fire."

Tinignan ko ang kalan na kakatapos ko lang linisin bago magpunas ng sahig. Nanghinayang ako bigla dahil may kamahalan pa naman ang ganitong brand.

Mycaella Nicole tatak matibay, tatak mayaman, tatakbuhin.

"Let's go outside." Aya ng Hari ng mga Ulupong habang dahan-dahang tumatayo.

Agad akong lumapit sa kaniya para tulungan siya. Dahan-dahan ang bawat hakbang niya kaya inabot din kami ng ilang minuto bago makalabas.

"Saan ba punta natin?" Medyo inis na tanong ko.

"I'm looking for a—."

"Utang na loob kwanan." Putol ko sa sasabihin niya. "Ang gwapo ng accent mo, pero magtagalog ka na. Ubos na ubos na dugo sa utak ko."

Mahina siyang tumawa. "Gwapo accent ko, o gwapo ako?"

At humirit na nga.

Mahina ko siyang tinulak na kinagulat niya. Nanlalaki pa ang mga mata niya habang mahigpit na naka-kapit sakin.

"Humirit ka pa. Subsob ka sa buhangin." Banta ko.

"What?" Nakatawang tanong niya.

"Tagalog!"

"Nag-a-adjust pa ko. I stayed in London for more than a month. Of course my brain will adjust to adapt. Kung puro english ang naririnig ko mag-e-english din ako. It become my natural reflexes when someone talks to me." Paliwanag niya bago huminto sa paglalakad.

"Ang taray may pa-ganon."

"Haven't you notice other Filipinos that stayed in places without tagalog speaker. They unintentionally forget to speak tagalog, because their brains adapt to its environment." Dagdag pa niya.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon