Chapter 331

481K 24.4K 35K
                                    

A/N:

Happy Anniversary AMNSE!!!
🎈🎊🎁🎉🎂🥳

4yrs ago, sinulat ko ang AMNSE dahil sa excitement ko. Isang malaking what if ang pumasok sa isip habang nagbabasa ng isang sikat na story. Kahit hindi siguro, pinost ko sa wattpad ang story.

Ang look where AMNSE now.

Maraming salamat Tropa sa pagsubaybay kahit matagal ang UD. Sana sa mga susunod na story ko andyan pa rin kayo!

😘🥰














Last day

Jay-jay's POV

"Bakit ganito tong kalan? May itim." Puna ni Eman sa kalang nasunog ko.

"Design yan. Wag mo pansinin." Sabi ko at nagkibit balikat nalang siya bago simulang mag-luto.

Ganyan ang uso ngayon sa mga sosyal na kalan.

Tinalikuran ko na siya at hinayaan sa ginagawa niya. Kasama naman niya si Denzel na tinutulungan siyang magluto. May balak yatang sumunod sa yapak niya.

Dumiretso na ko sa terrace kung saan nakatambay ang iba. Balak sana nilang maligo sa dagat pero nagbago ang isip nila ng makaramdam ng gutom.

"Wala talaga kaming alam na dito mo dadalin si Jay-jay. Expected ko sa mansion niyo lang." Sabi ni Edrix kay Kei—kwanan.

"At tumagal pa nga ng ilang araw." Dagdag ni Rory.

"Yari ka dun sa Aries. Nag-punta samin yon hinahanap kay Kuya si Jay-jay. Kaso wala din kapatid kong tukmol." Sabi ni Felix at bigla ko na-imagine ang muka ni Aries.

Malamang ko bumubuo na ng masamang sumpa yon. Kapag hindi ako nakabalik agad dalawa na silang mag-paparusa sakin.

Wag na bumalik.

Dito nalang ako sa isla ko. Mabubuhay naman siguro ako dito. Papatayo nalang ako tower ng signal at internet para buhay na buhay. Mag-online shopping nalang ako tapos niyog ang pambayad ko. Turuan ko mag-internet mga isda.

Hay...minsan talaga namamangha ako sa sarili kong katalinuhan.

Napansin ko ang tila pagpapalitan ng tingin ni David, Yuri at Kei—kwanan. Halatang meron silang alam at kami naman tong walang ideya. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi maghinala sa kanila.

Kung ano man yang bagay na alam nila, hihintayin kong ipaalam nila sakin. Bibigyan ko lang sila hanggang ngayon araw. Kapag wala pa rin, ililibing ko sila ng buhay sa buhangin.

"Buko!" Sigaw ni Eren na umagaw ng atensyon namin.

"Niyog!" Sigaw naman ng batang kumag.

Inabangan namin ang papalapit na mga kumag. Kasunod pa nila si Blaster, Josh, Mayo at Kit na may mga kaniya-kaniya ding dala.

"Anong pinagtatalunan niyo?" Tanong ko.

"Ayaw maniwala sakin na Buko ang tawag sa hawak ko." Sagot ni Eren bago ibaba ang hawak na buko sa hamba ng terrace.

"May pinagka-iba ba?" Inis na tanong ni Ci bago humarap sakin. "Di ba niyog to?"

"Katukin mo. Kapag malutong ang tunog, niyog. Kapag wala kang makatok, buko." Sabi ko at ginawa naman nila.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon