Chapter 332

629K 27K 33.9K
                                    

A/N:

Happy Birthday!
🎂🎉🎁🎊🎈🥳
Regine Mae Villarosa
Angel Lariah Vxyz







Fire Dance

Jay-jay's POV

Ayokong may maalala sa nakaraan ko. Hindi malinaw sakin ang totoong nangyari pero alam kong ang laman ng ala-ala na yon ay ang mga ginawa sakin ng mga naging asawa ni Mama. Tuwing naiisip ko yon para may humahalukay sa tyan ko at gusto ko nalang umiyak.

Minsan kong narinig sa mga Tita ko ang ilan sa mga ginawa nila sakin. Agad kong pilit kinalimutan ang mga yon dahil kahit ako sa sarili ko, hindi magawang tanggapin na nangyari yon.

Nakaka-diri, nakaka-galit, nakaka-suka sila.

Pero kahit anong tanggi ko na wag ma-alala ang mga yon, kusa at kusa ding bumabalik sakin. At sa unang pagkakataon, gusto kong alamin ang nangyari sa huling ala-ala na bumalik sakin.

"Si Mama yon." Wala sa sarili kong sabi.

"Jay." Tawag sakin ni Yuri habang hawak ang dalawang kamay ko. "Maybe it's about time you visit a psychiatrist."

Agad akong umiling habang takot na tumingin sa kaniya.

Bukod kay Kei—kwanan, alam din niya ang sitwasyon ko.

"A-ayoko. Ayoko—."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Kailangan, Jay—."

"—Ayoko. Ayoko don—."

"—They will help you remember your past."

"—Ayoko." Kusa nalang bumagsak ang mga luha ko.

Mabilis niya kong niyakap na nagpahagulgol naman sakin.

"Ayoko." Sabi ko habang umiiyak.

"Okay. Hindi na. Hindi na kita pipilitin."

Hinayaan niya kong umiyak ng umiyak sa dibdib niya habang panay himas niya sa likod ko. Paminsan-minsan din niyang sinusuklay ang buhok ko.

Wag ka sasabit.

Napatigil lang ako sa pag-iyak ng bumukas ang pinto at pumasok si Kei—kwanan habang may dalang isang baso ng tubig. Humiwalay ako kay Yuri para punasan ang mga luha ko at pilit inabot ang baso sa kaniya pero tinignan lang niya ang kamay ko.

"This is not yours." Sabi niya.

Ay bastos!

Tinignan ko siya ng masama at agad na sumilay ang nakakalokong ngiti niya bago niya iabot sakin ang baso ng tubig na hawak.

"Just kidding."

"Bwisit kang Ulupong ka." Bulong ko na narinig pa rin ni Yuri.

Mahina siyang tumawa habang umiinom ako ng tubig. Hindi ko napansin na naubos ko agad ang laman non. Inabot ko yon pabalik sa Hari ng mga Ulupong. Tinanggap naman niya at binaba sa lamesa malapit sa pinto.

"Are you done with your heart to heart talk?" Tanong niya kay Yuri.

Napataas naman ang kilay ko sa kanila lalo na ng irapan siya ni Yuri bago tumayo sa kinauupuan sa tabi ko. Ang tukmol na Kei—kwanan naman ang pumalit.

"Jay... Yuri is—."

"Pipilitin mo din ba ko?" Agad kong putol sa sasabihin niya pero umiling siya.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon