Prologue

880 25 5
                                    

"Hindi mo na kami binigyan ng konting kahihiyan, Bella!? Bakit hindi ka tumulad sa kakambal mo! Consistent honor student siya simula elementary at ni minsan ay hindi kami binigyan ng sakit na ulo pero ikaw?" sabay dinuduro-duro ng matandang lalaki na kanina pa nakasuot ng headphone.

Rinding-rindi na siya sa walang sawang panenermon sa kaniya ng mga magulang niya. Parang mga sirang plaka, walang araw yata na hindi siya napapansin ng mga ito.

Ayaw na ayaw niyang ikinukumpara sa kaniyang kakambal dahil naiinis na siya. Sa kanilang dalawa, ang kakambal niya ang pinakabuti sa lahat at siya ang nagmumukhang masama.

"Nakikinig ka ba?" nagngangalit na sambit ng daddy nito sa kaniya sabay hablot sa tenga niya ng suot niyang headphone.

"Ha?" Nakangisi nitong sambit sa kaniyang ama

Hindi na nakapagpigil ang kaniyang daddy sa kaniya at bigla na lang siyang sinampal ito ng ubod kalakas.

Napangiwi na lang si Bella sa sobrang lakas ng pagkakasampal ng kaniyang ama. Napahawak pa siya sa kaniyang pisngi dahil pakiramdam niya namamaga iyon, may nalalasahan pa siyang dugo sa kaniyang labi pero sa halip na umiiyak ay tumawa pa siya ng mahina na siya pang ikinainis ng kaniyang ama.

"Wala ba 'yon ipapalabas daddy? Ang hina mo naman pa lang manampal," nakangisi niyang sambit

Sasampalin pa ulit siya ng kaniyang ama nang bigla niyang narinig ang boses ng kaniyang kakambal.

"Stop dad! Hindi ka ba naawa sa kakambal ko?"

Napataas na lang si Bella ng kilay nang nakita niyaa ang postura ng kaniyang kakambal. Sobrang weirdo at punong-puno ng tigidig sa mukha, may makakapal na kilay at malaking salamin sa mata samantalang siya ay halos makita na ang kaluluwa sa kaniyang sinusuot.

"Maawa? Naawa ba rin siya sa amin?"

Pinaalis na lang ng kakambal ni Bella ang ama nito at baka atakehin pa sa puso sa sobrang galit sa dalaga.

"Are you alright ate?"

Hahawakan na sana siya nito nang biglang binigwasan ang kaniyang kapatid sabay kumaripas ng takbo palabas ng bahay nila.

Narinig niya pa na paulit-ulit siyang tinatawag ng kaniyang kapatid kaya lang hindi iyon pinansin.

Dali-dali siyang sumakay sa kotse niyang montero at saka pinaharurot niya iyon ng napakabilis. Wala na siyang pakialam kung mahuli man siya ng enforcer.

Tila nawawala na siya sa kaniyang sarili at nagapi na siya ng kaniyang emosyon.

Nakakapagod din pa lang makipagkumpitensya sa kaniyang kakambal tapos bandang huli siya ito ang talo.

Napakabobo naman niya kasi kumpara sa kapatid niya na kulang na lang ay hakutin na ang medalya sa sobrang dami ng achievement nito sa buhay.

Napaka-landi daw niya dala ng kaniyang maiiksing suot samantala 'yong kapatid niya ay tila nabuhay sa panahon ni Maria Clara. Hindi makabasag pinggan.

She wiped her tears away. Mas lalo niya pang binilisan ang pagpapatakbo ng kaniyang kotse.

Mayamaya pa narinig niyang nagva-vibrate ang kaniyang cellphone, napakunot ang noo niya nang nakita niya na ang kakambal pala niya ang tumatawag.

Sa sobra niyang inis ay binato niya ang kaniyang cellphone malapit sa driver's seat. Muli na naman itong tumunog.

"Bakit ba nila pinapakialaman ang buhay ko?" galit na usal niya sa kaniyang sarili

Kukunin na sana niya iyon kaya lang biglang nahulog ang cellphone sa baba. Kailangan niya tuloy yumuko upang maabot iyon.

Sa sobrang pursigido niyang maabot iyon ay hindi na niya matignan ang daan na kung saan siya nagmamaneho.

Nagulat na lang siya nang May narinig siyang malakas na kalabog na tumama sa kaniyang kotse.

Bababa na sana siya sa kaniyang kotse upang tignan ang kalagayan ng kaniyang nabundol kaya lang May narinig na siyang sigawan ng mga tao.

"Hala! Nasagasaan 'yong kotse!"

"Hintayin mo muna natin dumating ang ambulansya bago natin siya tulungan na makalabas ng kaniyang kotse."

"Parang ayokong tignan ang kalunos-lunos na sinapit ng binata."

Ilan lamang 'yan sa narinig niya mula sa labas. Halos nanginginig na ang kaniyang mga labi at pinipigilan niya lang ang kaniyang paghikbi.

Hindi na siya nagdalawang isip na patakbuhin ng mabilis ang kaniyang kotse habang patuloy pa ring tumutulo ang kaniyang mga luha sa kaniyang dalawang mata.

Kasalanan niya kung bakit nasagasaan nito ang kotse na pinagmamaneho rin ng lalaki pero anong gagawin niya? Ayaw din niyang makulong dahil paniguradong kamumuhian na siya ng buong angkan niya.

Love me in Caramoan (Completed)Where stories live. Discover now