Chapter 13

137 6 4
                                    

"Pack off your things," mahinang sambit ni Clyden Dylan sa kaniya

"Pinapalayas mo na ako?!" bulyaw ni Bella sa boyfriend niya

Isang batok na lang ang binigay niya kay Clyden Dylan. Ganito sila maglambingan, may kasamang sakitan pero syempre siya parati ang nanakit sa binata. Alam naman niya kasing mahal siya nito kaya hindi siya magagawang saktan.

"What I mean is we're leaving," nakangiting sambit ni Clyden Dylan

"At saan mo naman ako dadalhin, aber Clyden Dylan?! Huwag mong sabihin itatanan mo na ako?"

"Kung puwede sana," nakangisi nitong sambit. "Aray naman padaba ko!"

Muling nakatikim ng batok ang binata mula kay Bella. "Anong sabi mo?"

"Wala naman akong sinasabing ganoon, ha? Ikaw ha? Ang dumi na ng utak mo," natatawa nitong sambit

Bigla namang namula ang pisngi ni Bella sa sinabi ng binata. "Saan kasi tayo pupunta?"

"Pupuntahan natin ang ilang sikat na lugar sa Caramoan habang hindi pa ako nakakakita. Gusto kong namnamin ang araw na kasama kita."

"Hindi naman ako mawawala ah?" Hinawakan ni Bella ang kamay ng binata at tumingkayad siya para halikan ang pisngi ni Clyden Dylan.

Nakita ni Bella na napangiti ng malapad ang binata dahil sa ginawa niya.

"Pakiramdam ko kasi aalis ka sa oras na nakakita ako."

Somehow, she felt sad. Habang palapit nang palapit ang operasyon ng binata ay halo-halo ang emosyon na kanyang nararamdaman pero mas umaapaw pa rin ang lungkot na baka kapag dumating ang araw na kinakatakutan niya ay hindi na siya ang babaeng kaharap ng binata.

"Ano ka ba naman, Clyden Dylan?! Huwag kang nega riyan! Gusto mong sampalin kita ng malakas para malaman mong hindi ako mawawala sa tabi mo? Nangako ako sa'yo di ba na habang hindi ka pa nakakakita ay ako muna ang maging mga mata mo."

Pilit na ikinukubli ni Bella ang lungkot sa boses niya. Pakiramdam niya anumang oras ay hahagulhol siya sa harapan ng binata pero kailangan niyang magpakatatag.

Niyakap siya ni Clyden Dylan ng sobrang higpit at saka hinalikan nito ang kaniyang buhok.

Saglit na munang lumabas ang binata sa kuwarto niya. Pinalabas niya ang binata upang makapagbihis siya at makapag-impake na rin.

Nakasuot siya ng manipis na tela ng damit at naaninag ang suot niyang puting bra at underwear niya.

"Anong suot mo padaba ko?"

Napangiwi na lang si Bella sa naging tanong sa kaniya ng boyfriend niya pagkalabas at pagkalabas pa lang niya ng kuwarto.

"Malamang damit, obvious ba?" Umirap pa siya ng mata.

"Magsuot ka ng jacket o 'di kaya magsuot ka ng pajama."

Bumagsak ang balikat ni Bella nang narinig niya ang sinabi ng kaniyang boyfriend. Hindi siya makapaniwalang pagdadalhan siya ng jacket o pajama kung sa isla ang kanilang gala.

"Nagpapatawa ka ba, Clyden Dylan!?"

"Mukha ba akong nagpapatawa padangat ko?"

Binigwasan niya si Clyden Dylan at dahil sa ginawa niya ay napangiwi na lang ang binata.

"Ganiyan ka ba talaga sa boyfriend mo? Eh sa ayaw kitang masilipan ng ibang lalaki lalo na bulag ako."

Hindi na nakapagsalita si Bella. Pilit niyang pinipigilan ang kaniyang paghagikhik.

"Ano ba naman kayong magkasintahan? Rinig na rinig sa labas ang mga boses ninyo! Ano na naman ba ang pinag-awayan ninyong dalawa?"

Bigla na lang pumasok sa silid ang mga magulang ni Clyden Dylan at masama nilang tinignan ang dalawa.

Love me in Caramoan (Completed)Where stories live. Discover now