Chapter 4

240 7 7
                                    

Kasalukuyang natutulog pa si Bella nang may bumuhos sa kaniya ng tubig na may yelo.

Bakit may ganito? Hindi naman sumali si Bella sa ice bucket challenge pero may pabuhos pa ng tubig na May yelo ang kaniyang kasamahan.

Hindi ba nila alam na gusto niya pang matulog?

"What the heck!? Can't you see I'm sleeping!?" bulyaw niya sa mga ito sabay balikwas sa kaniyang hinihigaan.

Sabi nga nila, inisin mo na ang lasing huwag lang sa bagong gising.

Doon na lang siya nahimasmasan nang nakita niyang halos ng kasambahay ay nakatingin sa kaniya. Masasama ang tingin.

Ginulo ni Bella ang kaniyang basang buhok sa sobrang frustration. Nakaligtaan niya pa lang nagpapanggap siya bilang Belle na kasambahay at hindi siya si Bella na maarte, maldita at sabihin na nating may pagka-swapang ang ugali.

"Wow! Spoken dollar si manay mo!"

"Ineng mayong irenglesan. Aram ming taga-Maynila ka pero dae ka magtaram ning english 'pag kahampang mo kami. Nagsusungo ang dungo mi."

[Translation:"Ineng walang irenglesan. Alam naming taga-Maynila ka pero dae ka magsalita ning English 'pag kaharap mo kami. Nagdurugo ang ilong namin."]

Napapikit na lang si Bella ng mata sabay buntong hininga. Ano bang mga tao sa mansyon na 'to? Alam naman nilang hindi siya nakakaintindi ng kanilang mga sinasabi tapos iyon pa rin ang kanilang sinasalita.

Hindi ba sila puwedeng magsalita ng Tagalog upang magkaintindihan sila lahat? Pakiramdam niya kasi minumura na siya ng mga ito tapos hindi pa niya alam.

Kung sa bagay ano bang aasahan niya sa mga hampas lupang walang pinag-aralan?

"Bumangon ka na riyan ineng upang makapagsimula na tayo ng trabaho."

Kahit na ayaw niyang bumangon ay napilitan na lang siyang gawin iyon. Naiinis na tinignan niya ang kaniyang sarili. Nagmukha tuloy siyang basang sisiw.

Humihikab pa siyang naglakad palabas ng maid's headquarter at saka niya pinuntahan ang kuwarto ng paborito niyang alagaan este pagtripan.

Ginulo niya pa ang buhok niya upang magmukha siyang bruha.

Dahan-dahan niyang pinihit ang pinto ng kuwarto ng binata at as usual, natutulog na naman si Clyden Dylan.

Lumapit itong konti upang mapagmasdan niya ang itsura ng binata.

"In fairness ah! Ang gwapo naman pala ng isang 'to kaya lang mukha yatang araw-araw siyang may PMS," natatawang sambit niya sa kaniyang sarili

Pero para sa kaniya wala pa ring tatalo sa boyfriend niya. Sa mata niya siya lang ang pinakaguwapong lalaki sa lahat. Matagal na silang magnobyo't nobya kaya lang patago lang ang relasyon nila dahil ayaw ng mga magulang niya ang boyfriend niya.

Matagal na silang magkarelasyon at walang sinuman ang makakatibag niyon.

Natigilan siya sa pagmamasid sa binata nang bigla itong nagsalita ng tulog.

Parang gusto niyang matawa. Ang tanda-tanda na ni Clyden pero nagsasalita siya ng tulog pero biglang lumuwang ang kaniyang ngiti nang narinig niya ang sinabi ng binata.

"I'm scared mom and dad! Somebody help me! Open this goddamn door!"

Napakunot na lang ng noo si Bella. Ano kaya ang ibig nitong sabihin? Malaki ang kutob niya na napanaginipan ng binata ang pangyayari kung saan naaksidente ito.

"I'm here. Nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwanan."

Hindi niya malaman ang dahilan kung bakit niya niyakap ang binata. Basta ang tanging nasa isip niya ay pakalmahin ang binata.

Patindi nang patindi ang konsensya na nararamdaman ni Bella sa tuwing nakakausap at nakikita niya ang kalagayan ng binata.

Parang gusto niyang umiyak, magmakaawa at lumuhod sa harapan nito para lang patawarin siya sa nagawa niyang kasalanan. Lahat gagawin niya mapatawad siya ng binata.

Hindi man niya maibalik ang dating mga mata ng binata ay gusto niya pa ring subukan na kumbinsihin ito na magpa-opera kahit doon man lang maibsan ang bigat na pakiramdam na idinulot ng kaniyang katigasan na ulo. 

Mayamaya pa ay nagulat na lang siya nang bigla siyang itinulak ng binata palayo na dahilan para mahulog siya sa kama.

"Ano bang problema?" galit niyang asik sa binata

Hawak-hawak pa rin ni Bella ang kaniyang likod. Pakiramdam niya mababalian siya ng buto nang wala sa oras.

"Ta ano ka nakakugos sa'ko?" kunot noong tanong nito sa kaniya

[Translation: "Bakit ka nakayakap sa akin?"]

"Ha? Puwede ba Clyden Dylan Maynard Isaac Newton tigil-tigilan mo ako sa pagsasalita ng allied dahil hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo!" bulyaw niya sa binata

Hindi na talaga nakapagtimpi. Konting-konti na lang talaga mauubos na ang pasensya siya sa binata at himala yatang nakabisado na niya ang pagkahaba-habang pangalan nito.

"Get out of my room!"

"Aalis naman talaga ako at hindi mo ako kailangan sigawan! Magpasalamat ka na lang sa akin dahil napapagtiyagaan ko pa ang ugali mo! Look at yourself! You're blind now. Wala ka nang silbi."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay napatakip na lang si Bella ng bibig.

Kung bakit kasi napaka-pasmado ang bibig niya, 'yan tuloy kung anu-ano ang kaniyang nasasabi. 

Nakita niyang ngumisi ang binata sa kaniya.

"Yeah, you're right. I'm useless and a blind man. Are you happy now?"

"Sorry sir hindi ko naman sinasadyang masabi iyon sa iyo," nakayukong sambit ni Bella

"Sa'yo na rin nanggaling na wala akong silbi sa bahay na 'to kaya umalis ka na lang bago ako makapagtimpi sa'yo."

Buntong hininga na lang si Bella saka siya umalis ng kuwarto ng binata.

Pagkalabas at pagkalabas pa lang ni Bella ay kaagad niyang pinag-uumpog ang noo niya sa pinto.

"Stupid Bella! Ano na naman bang sinabi mo ha? Umayos ka nga baka mamaya niyan mahirapan kang humingi ng sorry sa kaniya."

Parang siyang timang na kinakausap niya ang kaniyang sarili.

Makalipas ng ilang oras pero hindi pa rin kumakain ang binata. Kumuha siya ng kanin at ulam saka niya inilagay sa lalagyan.

Aakyat na sana siyang muli sa kuwarto nang nakita niyang nasa labas ng kuwarto ang binata.

Kinapa-kapa niya ang stairway at maingat siyang bumaba ng hagdan.

Kumaripas siya ng takbo palapit kay Clyden. Aalayan niya sana ang kamay nito nang bigla nitong tinapik ang kamay ni Bella.

"I don't need your help. Hindi ko kailangan ng awa mo o ng sinumang tao."

Naawa man pero hinayaan na lang ang binata na kapain ang bawat daraanan niya.

Kailan niya kaya ito mapa-paamo? Palagi na lang kasi mainit ang dugo ni Clyden Dylan.

Love me in Caramoan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon