Chapter 18

168 7 4
                                    

"Good morning padaba ko!"

Nagulat na lang si Bella nang bigla siyang niyakap ni Clyden Dylan sa likuran.

Halos manindig ang balahibo ni Bella habang yakap-yakap siya ng binata.

Isinandal pa ni Clyden Dylan ang ulo nito sa kaniyang balikat na siya namang ikinagulat niya. Humarap siya sa binata at ipinukpok ni Bella ang hawak-hawak nitong plato sa binata.

Kasalukuyan pa naman siyang nagluluto ng itlog at nagko-concentrate siya baka na naman masunog ang niluluto niya.

"What the heck!?" gulat na sambit ni Clyden Dylan sa kaniya

"Hindi ako si Belle!"

"Then who are you?" taas kilay na tanong sa kaniya ng binata

Hindi na lang siya nagsalita at nanatili na lang tikom ang kaniyang bibig.

"Ah. I knew it. You're Bella right?" nakangiting sambit sa kaniya ng binata

Hindi pa rin siya nagsasalita at tinignan niya lang ang binata.

Gusto man niyang sabihin na siya ang nakasama ng binata sa Caramoan at hindi ang kaniyang kakambal niya pero maraming bagay na nagpapapigil sa kaniya para gawin iyon.

"Puwede bang malaman kung anong klaseng kapatid si Belle sa'yo?"

"Bakit hindi mo tanungin ang kapatid ko? Bakit sa akin ka nagtatanong?" She crossed her arms as she said.

Nakita niyang napakamot ng batok si Clyden Dylan sa batok nito at hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ni Bella. Kailangan niyang ipakita sa binata na hindi siya apektado sa presensya nito.

"Ganiyan ka ba talaga, Bella? Hindi nagsasalita?"

"Hindi ka pa rin nagbabago, Clyden Dylan madaldal ka pa rin," ani ni Bella sa kaniyang isip.

"What's that smell? Parang may nasusunog na itlog?" takang tanong ni Clyden Dylan

Nanglaki na lang ang mga mata ni Bella nang naalala niyang may niluluto pala siyang itlog.

"Shuta!" Iyan na lamang ang nasambit ni Bella nang nakita niyang nagliliyab ang kawaling pinaglutuan niya ng itlog. Nagsisimula nang tumaas ang apoy.

"Anong gagawin ko, Clyden Dylan? Ayokong maabutan ito ng daddy ko kundi yari na naman ako!" Natatarantang sambit ni Bella

"Hey, calm down! Mahuhupa natin ang apoy."

Napatingin na lang si Bella sa balikat niya na hawak ng binata. Miss na miss na niyang ginaganoon siya ni Clyden Dylan.

"I'm sorry. Hindi ko intensyon na hawakan ka, gusto lang kitang pakalmahin baka mamaya niyan hindi ka sa sunog maaksidente kundi sa nerbiyos," natatawa nitong sambit sabay bitaw sa pagkakahawak sa braso nito.

Sinimangutan ni Bella ang binata.

"Seryoso? Nagagawa niya pang magbiro gayung may posibilidad na masunugan kami ng bahay?"ani ni Bella sa kaniyang isip.

"Kumuha ka ng tuwalya at basain mo 'yon! Sigaw sa kaniya ng binata

"Ha?"

Tila natulig si Bella at lutang pa rin siya nangyayari.

"Narinig mo ba ang sinabi ko?" May bahid na inis sa boses nito

"Oo naman gago! Hindi ako bingi."

Natataranta namang umakyat si Bella sa kaniyang kuwarto upang kunin ang asul na tuwalya saka niya iyon binasa.

Halos madapa-dapa siya pababa ng hagdan sa sobrang pagmamadali. Hindi na niya alam ang gagawin niya kung sakali mang masunog ang mansyon. Paniguradong sasaktan na naman siya ng kaniyang ama sa ginawa niyang kapalpakan.

Love me in Caramoan (Completed)Where stories live. Discover now