Chapter 11

150 7 6
                                    

"Magaling na ako. Kita mo?" Sabay hawak ni Bella sa kaniyang noo bilang patunay na wala na siyang sakit

"Paano ko naman makikita kung bulag nga ako?!"

Kanina pa siya sinesermunan ni Clyden Dylan na huwag muna siyang magtrabaho at magpahinga lang sa kuwarto nito.

"Bakit ang kulit mo, Clyden Dylan? Buryong na buryong na ako sa kuwarto mo at wala akong ibang ginawa kundi titigan ang butiki sa puting kisame."

"Mas makulit ka! Ayokong mabinat ka padangat ko."

She secretly grossed. Pang-ilan beses na ba niyang narinig ang padangat ko mula sa binata? Isa, dalawa, tatlo, sampu? Ni hindi na nga niya mabilang.

Ilang araw na siyang nasa kuwarto ng binata kahit gusto man niyang lumabas ay sinisigawan siya nito. He's over reacting!

"Isa pang tawag sa akin na padangat ko sisipain ko ang itlog mo!" bulyaw niya sa binata

"Oh? Ang aggressive mo na ngayon padangat ko? I like that attitude! It gives me extreme feeling. Roar," nakangisi niyang sambit

Napatampal na lang ng noo si Bella. Mas gugustuhin niyang sinusungitan siya ng binata at pinapalayas ng kuwarto nito kaysa naman sa tinalo pa ang asukal sa sobrang ka-sweet-an.

"Fine!" He raised his right hand as sign of giving up.

Natawa na lang si Bella sa hindi maipintang mukha ng binata. Parang siyang mosaic. Hindi mo agad mahinuha ang kaniyang emosyon.

Napagdesisyunan niyang lumabas ng kuwarto baka kasi mabatukan niya pa ng maraming beses ang binata.

Pagkalabas at pagkalabas pa lang niya ay may narinig siyang nagdo-door bell.

"Sino 'yan?"

Naglakad siya papunta sa tarangkahan. Takang-taka siya kung bakit wala siyang nakikitang kasamahan niyang kasambahay.

"Kayo po ba si Belle Cheschire?"

"Ako nga po, bakit po?"

"Ipinapabigay po ito sa inyo ng isang lalaking mahal na mahal ka."

Sinilip niya ang dala-dala ng delivery boy at nanglaki na lang ang mga mata ni Bella nang nakita niyang may hawak-hawak itong isang bugkos ng bulaklak.

"Sinong nagpapamigay?" takang tanong niya

Imposible naman 'yong boyfriend niya sa Maynila dahil hindi naman iyon mahilig magbigay sa kaniya ng bulaklak. Tanging  siya lang ang namimigay ng regalo para rito.

Kumibit balikat lang ang lalaki sa tanong niya at ipinaabot niya lang sa kanya ang bulaklak na hawak-hawak nito, kaagad naman niya iyon kinuha at inamoy.

Pinirmahan niya ang receive notebook ng delivery book saka naman iyon umalis.

"Kanino naman kayang galing ito?" takang tanong niya sa kaniyang sarili

Kinuha niya ang papel na nakaipit sa bulaklak at kaagad niyang binasa ang nakasulat.

Her eyes widened when she saw what's written on it.

"Padangat taka, Belle."

Alam na alam na niya kung sino nagpadala sa kaniya at umuusok ang ilong niyang pinuntahan ang binata sa kuwarto nito.

"Anong ibig sabihin nito?" takang tanong niya

"Did you like it?" nakangiting sambit sa kaniya

"Ano ngang ibig sabihin nito?" Pag-uulit niya sa tanong niya kanina

Love me in Caramoan (Completed)Where stories live. Discover now