Chapter 10

162 10 7
                                    

Nagising na lang si Bella nang biglang tumama sa kaniyang mukha ang sinag ng araw.

Umaga na pala. Dali-dali siyang tumayo at saka niya hinawakan ang noo ng binata. Mukhang nasa maayos na itong kalagayan at wala nang sakit.

Nakatulog na lang si Bella sa magdamag na pagbabantay kay Clyden Dylan. Umiling-iling na lang siya habang inaalala niya ang nangyari sa oras nang kalahati ng gabi.

Pasadong alas dose ng hating gabi nang may biglang narinig ni Bella na sumisigaw ang binata kaya bigla siyang napabalikwas sa sofa kung saan siya nagpapahinga.

Kumaripas siya ng takbo palapit sa kama ng binata at kaagad niyang pinagyuyog ang binata upang magising ito.

"Cylden Dylan, gumising ka." Hindi na napigilan ni Bella ang umiyak nang nakita niya kung paano bangungutin ang binata.

Bigla naman itong napabalikwas ng bangon sabay yumakap si Clyden sa dalaga na siya namang ikinagulat ni Bella.

"Natatakot ako sa dilim, Belle." Narinig niya pa ang paghikbi ng binata.

"Nandito lang ako sa tabi mo, Clyden Dylan hindi kita iiwan," nakapikit na sambit ni Bella habang hinahatid ang likod ng binata upang patahanin niya sa paghikbi.

Nakikiliti si Bella sa mahabang balbas ng binata na nakadikit sa kaniyang balikat.

"Ano ba kasing napanaginipan mo?"

"Nakita ko sa panaginip ko ang taong nakabangga sa akin. She kinda look like you."

Nanglaki na lang ang mga mata ni Bella sa narinig niya mula sa binata. Pinagpawisan tuloy siya ng lamig nang dahil dito.

"Panaginip mo lang iyon, Clyden Dylan. Kabaliktaran iyon ng realidad, marahil maraming pumapasok sa utak mo kaya kung anu-ano ang napanaginipan mo."

Nakita niyang napangiwi ang binata sa sinabi niya. "Maybe no. Detalyado lahat ang pangyayari sa utak ko. Hindi ko makakalimutan ang kaniyang mukha," nakabusangot nitong sambit

Sunod-sunod namang napalunok ng laway si Bella.

Hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa binata. Isang maling salita lang na maibigkas ay paniguradong mabubuko na siya nito at matatapos ang masasayang araw niya.

Huminga muna ng malalim si Bella bago muling nagsalita. "Siguro dala lang yata ng lagnat mo kaya ka nagkakaganyan."

"Sa tingin mo ba ganoon 'yon?" taas kilay na tanong sa kaniya ng binata.

Tumango naman siya bilang tugon sa tanong ni Clyden Dylan. Alam naman ni Bella na hindi nakikita ng binata ang kaniyang pagtango.

Napansin niyang inalis na ni Clyden Dylan ang benda na nakapulopot sa mga mata nito at doon nagkaroon ng pagkakataon si Bella para pagmasdan ito.

"Masakit ba sa loob mong nabulag ka?" Biglaang tanong ni Bella sa binata.

"Sobra. Pangarap ko pa sanang libutin ang mundo kaya lang mukhang hindi na 'yon matutuloy."

"Puwede ko ba siyang mahawakan, Clyden?"

Tumango-tango naman ang binata sa naging tanong niya at malamyos hinawakan ni Bella ang mga matang nabulag nang dahil sa kagagawan niya.

Hindi na niya napigilan ang mapaiyak habang hinahawakan niya ang mukha ng binata.

"I'm so sorry." Iyan lamang ang nasambit ni Bella at gamit ang kaniyang dalawang kamay ay tinakpan niya ang kaniyang mukha upang pigilan ang aking paghikbi.

Love me in Caramoan (Completed)Where stories live. Discover now