Chapter 20

193 8 4
                                    

Pagkagising at pagkagising pa lang ni Bella ang una agad niyang napansin ang buhangin na nakakalat sa sahig ng kuwarto niya.

Na-weidohan agad siya kung anong ibig ipahiwatig ng buhangin na iyon. Di ba kasi dapat rosas iyon? Medyo kinakabahan na si Bella sa kaniyang nakita.

Kinusot-kusot niya pa ang kaniyang mga mata kung totoo nga ang kaniyang nakikita at totoo nga! Hindi siya namamalik mata o nanaginip.

May nakita pa siyang naka-set up na pagkain sa mesa. All of her favorite food are there!

Dahan-dahan niyang inihakbang ang kaniyang mga paa patungo roon. Umupo siya roon at nilagyan niya ng kanin ang plato niya saka kumuha siya ng konting ulam.

Hindi niya hilig ang kumain. Nagsasawa na kasi siya sa luto ng kanilang mga kasambahay kaya hindi na lang siya kumakain.

In short masyado siyang maselan sa pagkain. Siya 'yong tipong taong mapintas sa kinakain niya pero hindi naman siya marunong magluto.

Tinikman niya ang pagkaing nakalatag at hindi niya mawari sa kaniyang isipan kung bakit siya napangiti.

"Sino kaya ang gumawa sa akin 'to? Sana lahat mahilig magluto," natatawang sambit niya sa kaniyang sarili

Napagdesisyunan niyang lumabas ng kaniyang kuwarto upang tanungin ang mga kasambahay kung sino naglagay ng mga pagkain sa kaniyang kuwarto.

"Manang, pumunta ba rito si Drake?" Pagtatanong niya sa mga ito na kasalukuyan namang abala sa paglilinis ng mansyon

"Hindi bakit hija? Alam ko kasi hindi naman iyon pumupunta rito."

"Ganoon ba? Salamat na lang po."

Kasalukuyan siyang naglalakad-lakad sa kusina kung sino ang naghanda ng almusal para sa kaniya. Halos masiraan siya ng bait sa kakaisip na kung sino ang gumawa noon sa kaniya.

Napatutop na lang siya ng bibig nang nakita niya si Clyden Dylan na nakangiti sa kaniya.

"Nagustuhan mo ba ang niluto ko, Bella?"

Halos tumindig ang balahibo niya nang lumapit ito at bumulong sa kaniyang tenga.

"I-ikaw ang gumawa nun?" nauutal at hindi makapaniwalang sambit ni Bella

Lumawak ang ngiti sa mga labi nito.

"Pero bakit? I mean hindi mo naman iyon puwedeng gawin sa akin? You invading my place, Clyden Dylan!?"

"I think no. Fiancè ako ng kapatid mo kaya may karapatan na akong ikutin ang bawat sulok ng mansyon na ito at masama bang pag-alayan ka ng pagkain sa kuwarto mo?" seryosong sambit ni Clyden Dylan

Napairap na lang siya sa binata.

Kailangan na niyang iwasan si Clyden Dylan. Napapansin na rin niya kasi na masyado na itong matanong sa buhay-buhay niya. Palagi itong mausisa sa kung anong buhay niya noon. Nagsisimula na siyang matakot na baka malaman na ng binata ang totoo niyang katauhan at sikretong kaniyang tinatago.

Hindi alam ni Bella kung ano ang tumatakbo sa utak ni Clyden Dylan at ayaw niyang isipin sa kung anong puwedeng gawin sa kaniya ng binata kung sakali mang malaman nito ang katotohanan.

Kasalukuyan niyang pinapaliguan ang kaniyang mga aso nang may narinig siyang isang boses.

"Alam mo bang may aso rin ako sa Caramoan?"

Tumingala siya upang makita niya kung sino ang nagsalita at nakita niya si Clyden Dylan na nakasandal sa pader at pinagmamasdan siya sa kung anong ginagawa niya.

"Hindi ako nagtatanong," nakabusangot na sambit ni Bella

"He is a golden retriever," seryoso nitong sambit

Love me in Caramoan (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant