Chapter 21

186 6 3
                                    

"Ang kapal naman ng pagmumukha mong agawin sa akin ang fiancè ko!?" nagngangalit na sambit ni Belle kay Bella

Napataas na lang ng kilay si Bella sa sinabi ng kaniyang kapatid.

"Wala akong inagaw sa'yo, Belle at kung tutuusin nga dapat pa nga magpasalamat ka sa akin dahil ibinigay ko sa'yo si Clyden Dylan. I choose you over him!"

"Oh? Really? Pinili mo ang kasiyahan ko kaysa kasiyahan mo? Are you nuts, ate Bella? Di ba may boyfriend ka na? The last time around na nakita ko kayo ay halos hindi kayo magkahiwalay sa isa't isa at isa ako sa saksi kung paano mo siya minahal tapos dumating lang si Clyden Dylan sa buhay mo ay nagbago na agad ang nararamdaman mo sa kaniya, ha?"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Belle. Hindi mo alam," mahinang sambit ni Bella

"Ano bang problema mo? Simula mga bata pa lang tayo palagi kang kontrabida pero alam mo ba 'yong nakakatawa? Sa ating dalawa ikaw lagi ang talunan. Lahat ng gusto ko nakukuha ko dahil ako lang naman ang paborito ng lahat kabilang na ang mga magulang natin dahil wala kang kuwentang tao."

Buong lakas na sinampal ni Bella ang kaniyang kakambal. Matagal na niyang kinimkim ang lahat ng galit sa kaniyang puso.

Tanggap naman niyang wala siyang kuwentang babae o anak o tao pero nagsasawa na rin siya sa pang-aapak sa kaniyang pagkatao.

Tila nabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib nang nasampal niya ang kakambal niya.

"At sino ka para sampalin ako, ha?"

Bigla siyang sinabunutan ng kaniyang kakambal kaya syempre hindi naman nagpapatalo si Bella at hinila rin nya ang mahabang buhok ni Belle.

Kasalukuyan na nagsasabunutan ang dalawa nang biglang dumating ang kanilang ama upang awatin sila.

"Ano bang mga problema ninyo? Nag-aaway na naman ba kayo dahil sa iisang lalaki?" nanglilisik na sambit nito sa kanila

"Eh kasi si daddy si ate Bella nilalandi niya ang fiancè ko," mangiyak-ngiyak na sambit ni Belle sa kaniyang ama

Isang malaking suntok ang natanggap niya mula sa kaniyang ama.

"Di ba sinabi ko na sa iyo huwag na huwag ka ng epal sa buhay nina Belle at Clyden Dylan? Matagal na kayong tapos bakit patuloy mo pa rin siyang hinahabol?"

Pinunasan ni Bella ang dugong tumulo mula sa kaniyang bibig. Sanay na sanay na siyang saktan ng kaniyang ama. Palagi na lang siya ang masama. Kontrabida ng kaniyang kapatid.

"Bakit ganoon daddy? Parang ako lang palagi ang masama? Natanong mo rin ba sa'yong sarili kung anong klaseng tao ang paborito mong anak?" maluha-luhang sambit ni Bella

"At sumasagot ka pa, ha?!"

Susuntukin na sana siya ng kaniyang ama na biglang sumulpot sa kanilang harapan si Clyden Dylan.

Kumaripas na lang ng takbo ang binata papunta sa kanilang direksyon.
Niyakap siya ng binata na tila pinoprotektahan siya.

"Umalis ka diyan, Clyden Dylan kung ayaw mong masaktan," nagngangalit na sambit ng kaniyang ama

"Anong klase kang ama kung pati sarili mong anak ay sinasaktan mo?" mahinahon na sambit ni Clyden Dylan

Kumaripas na lang ang dalaga paakyat sa kuwarto niya. Iyak siya nang iyak habang inilalagay niya ang mga gamit niya sa kaniyang maleta kabilang na ang passport nito.

Balak niya sanang magpakalayo-layo at umalis ng bansa upang iwasan ang gulo na siya namang may kagagawan.

Gulong-gulo na ang utak  ni Bella at hindi na siya makapag-isip ng matuwid.

Mabilis siyang naglakad palabas ng kaniyang kuwarto at bumungad sa kaniya ang mukha ng binata.

"What are you doing?" takang tanong sa kaniya ni Clyden Dylan

"I'm leaving," tipid na sambit ni Bella

Tinalikuran niya ang binata at dali-dali siyang lumabas. Biglang natigilan si Bella sa paglalakad ay saka niya narinig ang binata na nagsalita.

"Bakit paulit-ulit kang nagkukunwari, Belle o Bella? Hindi ko alam kung ano dapat ang itawag ko sa'yo," sabi nito habang sinusundan siya sa labas ng mansyon

"I'm not Belle. Huwag na huwag mo akong tawagin sa pangalan niya."

"Oo, hindi ka siya pero nagpanggap ka pa rin siya."

Nanglaki na lang ang mga mata ni Bella sa kaniyang narinig. Halos hindi na niya makagalaw ang kaniyang mga paa sa kaniyang kinatatayuan.

"Kailan mo sasabihin na ikaw at si Belle na nakasama ko sa Caramoan ay iisa?" Punong-puno ng hinanakit nito sa boses ni Clyden Dylan . "Kailan!?"

"Hindi ko alam," nakayukong sambit

"Ginawa mo akong tanga! Pinaniniwala ako sa isang bagay na puro pagkukunwari! Bakit mo ginawa sa akin ito!?"

"I'm sorry, Clyden Dylan." Iyan lamang ang lumabas sa bibig ni Bella

"Sorry for what!?"

"Sorry for causing pain." Nagsimula ng umagos ang mga luha sa kaniyang dalawang mata.

"I don't understand. Why did you do this to me? Bakit sa lahat ng babaeng mangloko sa akin? Bakit ikaw pa? Bakit ang babaeng mahal ko pa?"

Tinignan niya ang mata ng binata. Umiiyak na rin ito katulad niya.

"Hindi ko alam, Clyden Dylan. Hindi ko alam," pabulong na sambit ni Bella habang nakatingin siya sa lupa.

"Sabihin mo sa akin kung anong dahilan kung bakit ka nagpanggap na Belle? Sabihin mo sa akin!"

Parang mababasag ang kaniyang tenga sa sobrang lakas ng pagsigaw nito sa kaniya.

Tinakpan ni Bella ang kaniyang bibig upang pigilan ang kaniyang paghikbi. Hindi niya naibuka ang bibig niya, tila nanginginig ang mga ito at walang salitang lumalabas sa kaniyang bibig.

Nagulat na lang si Bella nang lumapit sa kaniya ang binata at siniil siya ng halik.

"Wala akong pakialam kung anong dahilan mo kung bakit ka nagpanggap na si Belle... tanging importante sa akin ngayon ay nahanap kita."

Mas lalong lumala ang iyak ni Bella at niyakap niya ng sobrang higpit ang binata.

Kumalas sa pagkakayakap niya ang binata at pinunasan nito ang kaniyang luha sa dalawa niyang mata gamit ang kamay nito.

"Paano mo nalaman na ako si Belle?" natatawang sambit ni Bella

"Hindi sa lahat ng pagkakataon mata ang pinapairal sa taong nagmamahal kundi puso," nakangiting sambit ni Clyden Dylan

Bigla namang namula ang mukha ni Bella sa kaniyang narinig. Grabe lang namiss niya kung paano bumanat sa kaniya ang binata.

"Paano si Belle? Paano ang boyfriend ko? Paano ang pamilya ko? Paano natin sasabihin sa kanila?" Nag-aalinlangan na tanong ni Bella kay Clyden Dylan

"Look at me padaba ko!"

Tumingin naman si Bella sa mukha ng binata. "Simula ngayon sabay nating haharapin ang lahat pero sa ngayon kailangan muna nating itago ang relasyon natin sa kanila. Masyado pang magulo ang lahat. Kailangan tayong magpanggap."

"Magpanggap kanino?" takang tanong ni Bella

"Kina Belle at sa mga taong nasa paligid nito pero sana tigilin mo ang pagiging selfless mo. Matuto kang maging selfish minsan... para sa atin, para sa akin. Handa kitang ipaglaban kahit na sinong puwedeng mang-api," nakangiting sambit nito sabay halik nito sa kaniyang noo.

May namuong ngiti sa mga labi ni Bella. Halo-halo ang kaniyang nararamdaman. Namamayani pa rin ang takot pero para sa binata handa na siyang maging matapang at ipaglaban ang pagmamahalan nila sa isa't isa kahit na marami pang hahadlang.

Love me in Caramoan (Completed)Where stories live. Discover now