Chapter 9

157 6 3
                                    

"Sigurado ka bang hindi ka sasama sa akin pabalik ng Maynila?" Pagtatanong ng boyfriend niya

"Gugustuhin ko mang sumama sa'yo pero hindi pa maari. Babalik lang ako roon kapag pumayag na si Clyden Dylan na ipa-opera ang kaniyang mga mata at pagkatapos noon ay balik sa dati ang lahat."

"Pero paano kung mahulog siya sa'yo?"

Napakagat na lang ng labi si Bella. Hindi niya pa rin makalimutan ang makapigil hiningang pag-amin ng binata sa kaniya.

Pilit niyang ibinabaon iyon sa limot pero parati niya iyon naalala. Sanay naman siyang mayroong lalaking umamin sa kaniya pero kasi may boyfriend na siya ngayon kaya hindi na siya pumapatol sa ganiyang bagay.

"Paano kapag ikaw naman ang nahulog sa kaniya?"

Natawa naman siya sa naging tanong sa kaniya ng boyfriend nito. "That's imposible, Drake. Ikaw lang ang mahal ko. Tanging ikaw lang."

Hinawakan niya pa ang mukha ng boyfriend niya at hinalikan naman ng boyfriend niya ang kaniyang kamay.

"Sana ako pa rin ang tinitibok ng puso mo pagbalik mo ng Maynila. Ma-miss kita ng sobra-sobra."

Niyakap pa siya nito ng sobrang higpit at halos hindi na siya pakawalan sa pagkakayakap.

"Sige na baka mahuli ka pa sa flights mo."

"Pinapaalis mo talaga ako ano? Kaya siguro pinapaalis mo ako para ma-solo ka ng lalaking binangga mo."

Bigla namang tinakpan ni Bella ang bibig ng boyfriend niya. "Ano ka ba naman, Drake!? Baka may makarinig sa'yong ibang tao. Ikaw talaga puro biro ang nasa utak mo," naiinis niyang sambit

"I'm not joking, Bella. Akala mo ba hindi ko napapansin na ang init ng dugo niya sa akin simula dumating ako rito?"

"Ganoon lang talaga 'yon si Clyden Dylan sa nakakasalamuha niyang tao. Masyado siyang mainitin ang ulo," natatawa niyang sambit

"Tsk. Duda talaga ako sa lalaking iyon. 
Parang may gagawin siya sa'yo habang wala ako. Promise me one thing, Bella don't leave me."

"I will, Drake. I will," nakangiting tugon ni Bella sa kaniyang boyfriend

"Maiba tayo bakit nga pala Belle ang tawag sa'yo ng lalaking iyon?"

Napakagat na lang ng dila si Bella. Hindi niya pa pala nasasabi rito na Belle ang ginagamit niyang pangalan sa pagpapanggap niya.

"Huwag mong sabihin ginamit mo ang pangalan ng kakambal mo para sa pagpapanggap mo?"

Wala nang ibang nagawa si Bella kundi ang tumango na lang.

"Hindi mo ba alam sa ginawa mong iyan damay na ang pamilya mo? Anong sasabihin na lang sa iyo ng kakambal mo?"

"Umalis ka na nga, Drake kung sesermonan mo lang ako."

Umalis na nga sa harapan niya ang binata at nagsimula nang maglakad palayo sa kaniya.

Gusto man niya ito habulin pero hindi maari sapagkat marami pa siyang mga bagay na dapat pang tapusin nang siya lang mag-isa.

Pagkaalis at pagkaalis pa lang ng kaniyang boyfriend ay kaagad niyang isinara ang gate at saka huminga muna siya ng mahaba bago pumasok ng mansyon.

"Belle, pinapatawag ka ni sir Clyden Dylan. May ipapautos daw sa iyo."

"Ano na naman kaya ang ipapautos niya sa akin?"

"Aba! Ewan ko! Kung bakit mo kasi siya iniiwasan kaya ayun tuloy ako ang nahihirapan na pakainin siya. Ano ba kasing problema ninyong dalawa?"

Hindi siya nakasagot sa tanong ng isa pang kasambahay.

Simula kasi na umamin ang binata sa kaniya ay iniwasan na niya ito. Ipinasa na niya sa mga kasamahan nito ang responsibilidad niya sa binata. Ayaw niya itong makausap, malapitan lalo na may boyfriend siya.

"Ano na naman kaya ang ipapautos niya sa akin? Huwag lang talaga na uutusan niya ako kung paano ko siya mamahalin kundi mapepektusan ko siya," kinakausap niya ang kaniyang sarili habang paakyat siya ng kuwarto ng binata.

Nakaramdam siya ng kaba habang pinipihit niya ang pinto. Parang nakaramdam siya na parang may masamang nangyari sa binata.

Pagkabukas at pagkabukas pa lang ng pinto ay tumambad sa kaniya ang nakahandusay at walang malay na binata.

Kumaripas siya ng takbo palapit sa binata at dali-dali niya itong tinulungan na makatayo. Kaagad niya itong inakbayan upang alalayan ito sa paglalakad papunta sa kama nito. 

Hinawakan pa niya ang noo ng binata at napagtanto niyang inaapoy ito ng lagnat.

"You look hot."

Nakita niyang ngumiti ito ng malapad habang nakapikit ang mata ni Clyden Dylan.

Nalaglag ang panga ni Bella nang sa unang pagkakataon ay nakita  niya ang ngiti ng binata. Sa totoo lang matagal na niya iyon nais makita pero palagi namang nakabusangot si Clyden Dylan. Kung kailan pa ito nagkalagnat saka ito ngumiti sa kaniya.

"Do I look hot, Belle?"

Binatukan ni Bella si Clyden sa ulo nito. "Literal na inaapoy ka ng lagnat! Bakit hindi ka umiinom ng gamot?"

"Hindi ko gusto ang lasa ng gamot," nakabusangot nitong sambit

"At anong balak sa sarili mo? Magpakamatay? Kung kutusan kaya kita diyan."

"Ang harsh mo naman sa akin pero sa kaibigan mo hindi ka naman ganiyan."

"Jerk! Hindi bagay sa'yo ang magdrama. Sa ayaw at sa gusto mo iinom ka ng gamot."

"Heck no! Ikaw na lang ang uminom ng gamot. Hindi ako."

"Ako ba ang may sakit? Ako ba? Pag-lulutuan kita ng sopas."

"Please si manang na lang ang pag-lutuin mo nang kakainin ko, huwag lang ikaw baka pagluruan mo lang ang mga iyon."

"Ang arte mo naman, Clyden Dylan!"

Saglit siyang bumaba ng kuwarto ng binata at sinabihan niya ang mayordoma na paglutuan ang binata ng sopas.

Matapos na maluto ang sopas ay kaagad siyang bumalik sa kuwarto dala-dala na ang pagkain.

"Oh, kumain ka nang mag-isa mo!" Singhal niya sa binata

"Akala ko pa naman susubuan mo ako ng pagkain."

"Ano ka? Sinusuwerte?"

"Hindi ako kakain kapag hindi mo ako sinusubuan."

"Ang arte mo talaga," bulong niya sa hangin

Kinuha niya ang kutsara at inumpisahan niyang subuan ang binata pero habang tumatagal ay humahaba ang nguso ng binata.

"Oh? Ano na naman iyan?" Takang tanong niya

"Di ba mainit ang sabaw ng sopas? Hihipan ko sana. Hehe."

"Kung tusukin ko kaya ng tinidor ang nguso mo, Clyden Dylan?"

"Sabi ko nga hindi ko na hihipan."

Lihim na napairap si Bella.

Pagkatapos niyang pakainin ay kaagad niya itong pinainom ng gamot. Nang una todo palag ito sa kaniya. Ani niya masyado itong mapait kaya puwersahan niya tuloy pinainom ang binata.

Namalayan na lang niya nakatulog na ang binata at saka niya ito kinumutan.

"Gwapo naman pala ang isang 'to," nakangiti niyang sambit

Love me in Caramoan (Completed)Where stories live. Discover now