Chapter 16

153 6 7
                                    

"Teacher Bella!" Kumaway-kaway pa ang mga co-teachers niya sa bintana ng classroom niya pero pinandilatan niya lang ito ng mata.

1 year had passed, maraming nabago sa buhay ni Bella. 'Yong dating walang pangarap na sa buhay pero ngayon isa na siyang guro sa pampublikong paaralan ng elementarya. Nakapasa rin siya sa LET sa pangatlong pagsubok niya rito. Going stronger pa rin sila ng boyfriend niya na si Drake na siya namang naghahatid-sundo sa kaniya. May motorsiklo kasi itong gamit at ayaw na niyang gumamit ng kotse dahil baka muli niya itong mabangga at saka ayaw niyang maging mayabang. Gusto niya lang ay tignan siya ng mga estudyante niya na kanilang huwarang guro at hindi isang sossy na babae.

"Teacher Bella!" Pagtawag ng mga ito sa kaniya.

Nairita na siya sa mga boses nito at tinanggal niya ang eyeglasses niya saka isinara niya ang class record.
"Ano na naman?!"

"Shh... Quiet po ma'am hindi kami maka-concentrate sa pinapasagutan ninyo sa amin."

Natawa naman si Bella sa sinabi ng isa niyang estudyante. Nakalimutan niyang nagsasagot ang mga ito sa test na hinanda niya. Long weekend test actually, tuwing biyernes niya ito ginagawa para makita niya kung may matutunan ba ang mga estudyante niya sa buong isang linggo na tinuro niya. She is a grade 5 class adviser at limangpu't lima ang nagsisiksikan sa classroom niya. Nilagyan niya na lang ng aircon galing sa sarili niyang bulsa upang hindi mainitan ang mga bata pero binabayaran niya ang kuryente na ginagamit ng classroom niya. Nahihiya kasi siya sa eskuwelahan kung sila pa ang magbabayad niyon.
Lumabas siya saglit upang sitahin niya ang mga co-teachers niyang maingay.

"Ano ba naman kayo!? Nakita ninyo namang weekend test ng mga bata tapos ang gugulo ninyo?"

"Eh ang tagal-tagal mo kasing magpa-uwi. Ikaw yata ang kilala naming bagong guro na over time sa pagtuturo."

"Oo nga, baka mamaya niyan magkasakit ka Bella."

Tipid na ngumiti si Bella. "Ayos lang. Ang mahalaga sa akin ay maturuan ko ng husto ang mga bata."

"Kung sa bagay pero maiba tayo ng usapan may balita ka ba sa piloto na nakilala mo sa Caramoan?"

"Wala," nakabusangot niyang sambit.

"Anong wala? As in wala kang alam patungkol sa kaniya."

Hindi na siya sumagot sa tanong ng isa sa kapwa niya guro. Simula na lumayo siya sa binata ay hindi na siya nangahas na alamin kung anong buhay ni Clyden Dylan at bakit naman niya salamin? Kung alam naman niyang masaya na ito sa piling ng kaniyang kakambal na si Belle.

"Aalis na pala kami. Basta Bella huwag kang magpapagabi balita ko maraming nagpapakita ng multo sa eskuwelahan na ito."
"Mga sira! Ang tatanda na ninyo nagpapaniwala pa kayo sa ganiyan? Umalis na nga kayo," natatawang sambit ni Bella
Muli siyang pumasok sa classroom at tumayo sa gitna saka nakangiti siyang nagsalita.
"Finished or unfinished pass your papers forward."
Pinasa naman ng mga bata ang kanilang papel paunahan at ibinigay naman sa kaniya ng mga batang nakaupo sa unahan ang papel.

"Assignment for tomorrow, review all your lectures in your notebooks and bring coupon band, also pencil for our individual activity. Goodbye, class!"
"Good bye, teacher Bella. Goodbye classmate. See you tomorrow."

"Sa lahat ng cleaners ng Friday huwag ninyong subukang tumakas dahil namo-monitor ko kung sino ang naglilinis at hindi naglilinis. May dagdag points sa akin kapag nakita kong malinis ang classroom at napakintab ninyo ang sahig," mahina pero mahinahon na sambit ni Bella.

Tila nabuhayan ang mga bata sa paglilinis ng classroom nang narinig nila ang sinabi ni Bella.

Inalis niya ang instructional materials na nakadikit sa pisara at tinipon niya iyon ng maigi saka isinilid sa plastic envelope.

Love me in Caramoan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon